CHAPTER 12

41 5 0
                                        

NAGISING SI Keus na yakap pa rin ang asawa habang mahimbing itong natutulog. Maingat niyang inayos ang pagkakahiga ni Eunice bago tumayo. Malamig pa rin ang panahon dahil sa masamang klima kaya nag-aalala siya na baka magkasakit ito. Polo lang niya kasi ang suot nito.

He searched for his phone sa bulsa ng kanyang jeans, pero ang una niyang nakita ay ang mga basang damit ng asawa.

Tinawagan niya agad si Grayden, siya lang ang pinakamalapit na pwedeng puntahan at tawagan sa oras na iyon.

Alas-onse pa lang ng gabi, kaya malamang ay nasa bar pa si Grayden.

"What's up, bro? How's your heart?" agad na bungad nito.

"Bring me some clothes. For me and my wife."

"Woahhh! Did you got lai—" Hindi na niya ito pinatapos. Agad niyang pinatay ang tawag. Kilala na niya si Grayden, siguradong mang-aasar lang iyon.

Pagbaling niya ulit kay Eunice, napangiti siya. Tahimik at payapa ang mukha nito habang natutulog. Isa lang ang sigurado siya ngayon kahit ayaw na siya ng asawa, ipaglalaban niya ito.

He'll make Eunice fall in love with him again. And this time, he'll make sure it lasts forever.

NAGISING NAMAN si Eunice sa dati niyang kwarto sa bahay ng mga magulang niya. Halos walang nagbago roon, pero hindi iyon ang unang pumukaw ng pansin niya kundi ang sakit ng kanyang likod nang akmang tatayo na siya.

Doon niya lang naalala ang nangyari kagabi, sa kanila ni Keus.

Mariin niyang pinikit ang mga mata. Ano bang pumasok sa isip niya at nangyari iyon? Pero sino ba ang niloloko niya, eh, ginusto rin naman niya iyon.

Nagtatalo ang isip at puso niya. Dapat ba siyang mahiya sa sarili niya? Magalit dahil naging marupok na naman siya kay Keus? O tanggapin na isa pa rin siyang babae na umaasa?

Natigil ang pag-iisip niya nang bumukas ang pinto. Nandiyan na naman ang lalaking dahilan ng gulo ng puso niya. May dalang pagkain si Keus.

"Why are you still here?" agad niyang bungad, halatang defensive.

Ngumisi lang si Keus. Hindi man ito nakatiis, tinukso pa siya.

"Why? We both enjoyed what happened last night. I just don't want to be the bad guy for letting you suffer alone again."

Namula agad si Eunice. Hindi na ito makatingin sa kanya, dahilan para matawa nang mahina si Keus.

"I'm just kidding. Kumain ka na. After breakfast, I'll bring you home."

Tahimik lang siyang tumango. Pero habang kumakain, ramdam niya ang mga titig ni Keus. Nakakailang.

Matapos iyon, sinubukan niyang tumayo pero napangiwi siya sa sakit ng bewang at likod niya.

"Come on, I'll carry you to the toilet," sabi ni Keus.

"H-Huwag na, kaya ko." Pero nang iapak niya ang paa, muntik na siyang matumba.

"I told you I'll help. Huwag ka nang makulit. I did this to you, so I'll take responsibility."

Natahimik siya. Bago pa siya makapalag, binuhat na siya nito papasok ng banyo.

Kahit ilang beses na nangyari ito sa kanila noon, parang first time ulit. Naiilang, natataranta, pero sa ilalim ng lahat ng iyon, may namumuong damdamin.

"I'm sorry. Are you not comfortable?" tanong ni Keus nang makita ang itsura niya.

"No—I mean, yes—I mean—" Hindi niya matapos ang sasabihin nang makita si Keus na natatawa.

This is too good to be true. Totoo ba ito?

Paglabas niya, paika-ika pa rin siya.

"You should have called me," sabi ni Keus.

"I can do this myself," sagot niya, pero halata ang pilit.

Pero determinado si Keus.

"Why are you doing this?" Hindi na niya napigilang itanong.

Ngumiti si Keus, seryoso ang mga mata.

"Because I don't want this to end, Eunice. I love you too much to let go."

Natigilan siya. Parang huminto ang oras. Kahit nang makarating sila sa bahay ng mga Facun, hindi pa rin siya makapag-isip nang maayos.

"I won't rush you to decide. Whatever your choice is, I'll accept it," huli pang sabi ni Keus bago siya bumaba ng kotse.

Kung hindi pa siya tinawag ni Diana, baka nakatayo lang siya roon, tulala.

"You really have to tell me everything that happened last night," bulong ni Diana, sabay hatak sa kanya papasok.

Pagdating nila, nandoon si Dwayne. Seryoso, walang tulog, at halatang nag-aalala.

"KUYA! Huwag mong takutin ang kaibigan ko!" sigaw ni Diana.

"Shut the fuck up, Diana!" balik sigaw ni Dwayne.

Tahimik na naupo si Eunice, nangingimi. Rinig na rinig ang bigat ng bawat buntong-hininga ni Dwayne.

"Eunice, alam mo namang parang kapatid na kita, 'di ba?" malumanay nitong sabi.

Napayuko siya. Wala naman talagang obligasyon ang magkapatid na ito sa kanya, pero lagi silang nandiyan.

"I cherish both you and Diana. I don't want anything bad happening to either of you. Can you promise me na hindi mo na uulitin ang ginawa mo kahapon?"

Sumikip ang dibdib ni Eunice. Paano siya naging ganito ka-selfish?

"I'm sorry," mahina niyang sagot.

Ngumiti si Dwayne at ginulo ang buhok niya. "Don't be sorry. Just don't forget to love yourself, too. And whatever happens with Keus, remember, we've got your back."

He really is a brother figure. Napangiti siya kahit papaano.

Pero natigilan si Eunice nang mapansin ni Dwayne ang marka sa leeg niya.

"Wait, what's this?"

Nataranta siya. Mabilis ding sumingit si Diana.

"That's a bite from mosquitoes!" mabilis na sagot nito.

Pero hindi na nakalusot. "THAT MOTHERFUCKING KEUS!" sigaw ni Dwayne bago nagwalk-out.

Nagkatawanan silang mag-best friend.

"Alam kong marupok ka, Eunice. Kaya mag-impake na tayo," sabi ni Diana, hinila siya papasok.

"IT IS my son's office! What rights do you have to stop me from entering here?" sigaw ng ina niya.

Pinauwi niya muna ang secretary bago lumapit. "Is that all you came for? You can leave now."

Pero hindi nagpatinag ang ina niya. "I want you to stop the case."

Mariin siyang pumikit, pinipigilan ang galit.

"Mom, anak ko ang namatay dahil sa kagustuhan mo. Sa tingin mo hahayaan ko na lang iyon?!"

Isang malakas na sampal ang natanggap niya.

"I am your mother, Keus Andrade! You wouldn't be who you are without me! Wala kang utang na loob!"

Natatawa na lang siyang napailing.

"For me? In exchange for my children's life? Wake up, Mom! You killed your own grandchildren. And now you want me to stop seeking justice?"

"Get out."

"Yo—"

"I SAID, GET OUT!"

Humugot siya ng malalim na hininga nang makaalis ang ina. Pinilit niyang kalmahin ang sarili.

Tama. Kailangan kong maging maayos. Para kay Eunice. Para hindi na siya lumayo sa 'kin.

Tumingin siya sa singsing na ilang taon nang nasa daliri niya. Napangiti siya.

Shattered VowsStories to obsess over. Discover now