CHAPTER 10

47 5 0
                                        

TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of emotional breakdown, betrayal, toxic love, and separation that may be heavy or triggering to some readers.

"I CAME to say sorry," ani Ayn.

Halos tatlong araw na ang lumipas mula nang ma-discharge si Eunice matapos ang insidente. Pansamantala siyang nanatili sa mansyon ng mga Facun.

Ayaw niya sana, dahil technically, may bahay naman siya—ang dating bahay ng mga Caseria na nakapangalan na sa kanya. Doon na lang siya pwedeng tumira pansamantala. Pero masyadong mapilit ang magkapatid. At nang pati ang mga magulang ng mga ito ay makiusap din, wala na siyang nagawa kundi ang manatili roon.

At ngayon, heto siya, nakaharap sa fiancé ng dating asawa niya.

"Your father's deeds... it wasn't something I can just let go, kahit humingi ka pa ng tawad," sagot niya sa babae.

Kahit anong pilit niyang kalimutan, kahit anong pagsubok niyang palayain ang sarili mula sa tanikala ng nakaraan, hinding-hindi mabubura ang mga alaala. Kasama roon ang pinakamahalaga sa lahat... ang mga anak niya.

Kung papipiliin siya, mas gugustuhin niyang mabaliw kaysa hindi na muling makita ang kanyang mga anak.

Ngayon, iyon na lang ang pag-asa niya. Dahil ang taong nangakong makakasama niya "sa hirap at ginhawa," iniwan siya. Para sa babaeng nasa harap niya ngayon.

"But I understand your situation. Don't think what you did was a mistake. Your child is fine and that's all that matters," dagdag ni Eunice.

Nalaman niya ang buong katotohanan mula kay Dwayne. Tungkol sa tunay na relasyon ni Claire kay Artemio Ruiz. Tungkol sa paggamit kay Ayn, sa pananakot dito na papatayin ang anak kung hindi siya susunod, lahat ng iyon ay parte ng plano ng paghihiganti. At higit sa lahat, nalaman niyang hindi si Keus ang ama ng batang nasa sinapupunan nito.

Ngunit matapos marinig ang lahat, wala na siyang maramdaman. Namamanhid na siya. Sobra-sobra na ang pinagdaanan niya kaya't wala nang espasyo para sa bagong sakit.

At sa kabila noon, malinaw pa rin sa kanya ang desisyong bibitaw na siya.

Ayaw niyang ikulong si Keus sa kasal na iyon. Ayaw niyang pati ito ay magdusa habang buhay. Gusto niyang magkaroon ito ng pagkakataong makahanap ng tunay na kaligayahan.

Noong araw na nagising siya sa ospital, doon niya lubos na naunawaan ang lahat. Lahat ng mali at pagkukulang, bawat desisyong nagdala sa kanila sa puntong ito. Napagtanto niyang pinabayaan niya ang sarili.

She had loved Keus more than herself.

At lahat ng nangyari, dahil hinayaan niyang malunod siya sa ganoong klaseng pagmamahal.

When in fact, that love was toxic. Hindi lang para sa kanya, kundi para sa kanilang dalawa.

At sa huli, nadamay pa ang mga anak nila dahil sa maling desisyon niya.

"You still love him, right?" tanong ni Ayn habang inihatid siya palabas.

Natahimik si Eunice. Walang lumabas na sagot mula sa kanyang puso. Hanggang sa tuluyang nawala ang sasakyan ni Ayn sa kanyang paningin.

Papasok na sana siya sa loob nang may mainit na kamay na pumigil sa braso niya.

Halos nakalimutan niyang huminga nang magsalubong ang mga mata nila.

"Can we talk?" mahinahong tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ayaw na sana niyang makipag-usap, pero alam niyang kailangan din. Kailangan nilang harapin ito para matapos na. Para mas mapabilis ang annulment.

Ngunit sa mismong sandaling iyon, muling nanikip ang lalamunan niya sa pait ng katotohanang hiwalayan ang hinihintay sa kanila.

This time, hindi na siya tatakbo. Hindi na siya magiging makasarili.

Huminga siya nang malalim, umiwas ng tingin. "Yes, let's talk. Let's talk about the annulment," aniya, bago pumasok sa kotse ng lalaki.

Naiwang nakatayo si Keus, walang nagawa. Kung nakita lang ni Eunice ang sakit na nakabalatay sa mukha niya. Pero kagaya ng nakasanayan, nahuli na naman siya.

Wala na naman siyang nagawa para pigilan ang desisyon ni Eunice.

Tama si Lixxion, regrets are indeed harder to mend than heartbreaks.

HUMINGA NANG malalim si Keus bago binuksan ang pinto ng kotse. Para siyang sinasakal nang mapagtanto kung gaano na siya kalapit sa huling pag-uusap nila bilang mag-asawa.

Ayaw niyang isipin na sa ilang sandali lang, matatapos na ang lahat. Na mawawala na ang titulong "asawa niya."

Dahil kahit paano, umaasa pa rin siyang may pag-asa. Na baka magbago ang isip nito.

Tahimik silang dalawa, pero para kay Keus, bumabalik ang lahat. Ang mga gabing nakontento siyang titigan si Eunice habang natutulog ito sa passenger seat ng kotse niya. Ang mga sandaling simple pero puno ng ligaya. Lahat ng iyon, gusto niyang maibalik.

Pero alam niyang hindi na pwede. Hindi mo pwedeng takbuhan ang katotohanan.

"Let's order firs—" suhestiyon niya.

"No need. Let's just... end this fast," malumanay na sagot ni Eunice.

Napalingon si Keus, at doon niya naramdaman ang tila pagbara sa kanyang lalamunan. Hindi siya makahinga.

Wala na ba talagang natira? Huli na ba talaga siya?

Dear God... is it really this painful? Pakiramdam niya, mamamatay siya sa sakit.

Namumula na ang mata niya sa pagpipigil ng luha. Gusto niyang lumuhod, magsumamo, manikluhod. Baka naguguluhan lang si Eunice. Baka may pag-asa pa.

"H-Hindi na ba t-talaga natin pwedeng... a-ayusin pa?"

At doon na siya bumigay. Isa-isang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"E-Eunice, please... let's not do this. I can't... I can't let you go. I love you too much it hurts!" mariin niyang hawak ang kamay ni Eunice, halos manlumo habang bumubuhos ang luha.

Ngunit bigla nitong binawi ang kamay.

At nakita niya, tulad niya, umiiyak din si Eunice. Pero kasabay ng luha, naroon ang mahinang tawa.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ko kailangan ng awa mo, Keus."

Mahal daw siya nito? The most ridiculous thing she had ever heard.

Matagal niyang hinintay marinig ulit iyon mula kay Keus. Pero bakit ngayong narinig na niya, mas masakit pa ito kaysa sa galit at pandidiri nito noon?

Gusto na niyang tumakbo. Lumayo. Ayaw na niyang makarinig pa.

"Please... tama na, Keus," aniya, nang muli nitong hawakan ang kamay niya.

"Tell me you don't love me anymore. Then I'll let you go."

"Nakikiusap ako... tama na! Huwag mo akong kaawaan dahil lang sa mga nalaman mo. Pagod na pagod na akong masaktan, Keus. Please, tama na."

At tuluyang bumigay ang luha ni Eunice.

"Hindi mo rin naman masasabi na mahal mo pa rin ako kung hindi mo nalaman ang lahat, 'di ba? Keus, hindi iyon ang pinangako mo sa harap ng Diyos noong pinakasalan mo ako. Pinangako mong tatanggapin ako nang buo at ginawa ko rin iyon para sa 'yo. But you didn't trust me. You betrayed me. You broke my heart. Tell me, paano pa kita mamahalin ng pareho?"

Nabitawan ni Keus ang kamay niya.

Gusto niyang sumigaw, gusto niyang itama. Gusto niyang sabihing mali si Eunice. Na kahit kailan, hindi siya tumigil magmahal. Pero para saan pa?

Eunice has already made her decision.

Mapait siyang napangiti habang nakatanaw sa papalayong bulto nito.

"I'm sorry. I failed you again."

Shattered VowsStories to obsess over. Discover now