SPECIAL CHAPTER II

63 5 0
                                        

TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of parental guilt, emotional breakdown, and a scene involving minors being detained at a police station.

"I'M SORRY, MOMMY!" Mahinang saad ni Keince, ang bunso nilang anak, kay Eunice na halos hindi na maipinta ang mukha.

Paano ba namang hindi sasama ang loob at itsura niya, nang malaman niyang ang bunso niyang anak ay nasa presinto pala.

"Mom, it was actually my fault. I let Keince use the car kahit sinabi niyo pong hindi muna pwede. You can scold me instead." Kaince, ang panganay, admitted softly.

Napahilot si Eunice sa sentido niya. Minsan, hindi niya alam kung paano pa kakayanin ang mga pasaway niyang anak. Mabuti na lang, narinig niya na ang busina ng kotse ng asawa sa labas. Kung hindi, baka tuluyan na siyang mawalan ng lakas sa sobrang stress.

Paglapit ni Keus, agad siyang sinalubong ng asawa. "Ikaw na ang kumausap sa kanila. I'm just going to rest." Nanghihinang ani ni Eunice bago ito tumalikod.

Kung may pinakamahirap sa pagiging magulang, iyon ay ang pagpapalaki ng mga anak. Walang kasiguraduhan, walang manual na nagsasabi kung paano sila magiging perpekto. Ang pagkakamali ng anak, minsan ay parang salamin ng kabiguan ng magulang.

At iyon ang pinakamasakit kay Eunice—ang paniwala na she somehow failed as their mother.

"Both of you saw your mommy, right?" Simula ni Keus habang nakaharap sa kambal.

Sa totoo lang, nagalit din siya nang tawagan siya ni Eunice kanina, umiiyak at nagsasabing nasa presinto ang mga anak nila dahil hinuli ng mga pulis. Violation daw, speeding at driving without complete papers.

Pero ang galit niya, napalitan ng takot. What if something bad happened? What if hindi na niya naabutan ang mga anak niya nang buhay? Kaya alam niyang gano'n na lang din ang reaksyon ng asawa niya. Hindi galit ang pinagmumulan, kundi takot at sobrang pagmamahal.

Huminga nang malalim si Keus bago muling nagsalita.

"You should always think of the consequences of your actions. Nakita niyo kung gaano nasaktan ang mommy niyo, right? She's blaming herself now, thinking she failed as a parent, dahil kayo, mga anak niya napunta sa presinto. Are you happy with that, Kaince, Keince?"

Parehong napayuko ang mga bata. Tahimik ang panganay habang tahimik namang umiiyak ang bunso.

Alam ni Keus na mababait naman ang mga anak nila, pero bata pa. Hindi pa gano'n kalawak ang pang-unawa. Kaya naroon siya para alalayan sila. Alam niya ring si Eunice, mas madaling madala ng damdamin kaya siya ang kailangang magpuno.

"You know how soft your mommy is when it comes to us, lalo na sa inyong dalawa. So let's not do this again, okay?" dagdag niya.

Tumango ang kambal at sabay na yumakap sa kanya.

"H-Help us say sorry to m-mommy, please, D-Daddy?" sabi ng bunso, umiiyak pa rin.

Napangiti si Keus. Mga bata pa nga talaga sila.

Sabay-sabay silang tatlo umakyat sa kwarto. Pagkapasok, nakita ni Keus na kahit nakatabingi ang kumot sa mukha ni Eunice, ramdam niya ang mahihinang hikbi ng asawa.

Huminga nang malalim si Keus bago lumapit. "Love, come on. Let's talk. The kids have something to say."

"C-Can I t-talk to them t-tomorrow? I'm not feeling well..." humikbing sagot ni Eunice.

"Go on," bulong niya sa mga anak.

"Mommy, I'm sorry po... p-please don't cry na po," sabi ni Keince habang tuloy-tuloy pa rin ang luha.

"I-I'm not crying." Pilit na ngiti ni Eunice habang pinupunasan ang mga mata niya.

"Y-You are, Mommy. P-Please forgive me. I-I won't do it again. Just don't cry po."

Napahigpit ng yakap si Eunice. "Mommy's not mad, baby. I was just hurt. Because I felt like I failed you. But it's okay now. Don't cry, hmm?"

"It's not your fault po, Mommy. It's ours. Sorry po," dagdag ni Kaince, seryosong nakatingin sa kanya.

Lumapit na rin si Keus at pinunasan ang luha ng kanyang pamilya. "Love, they promised na hindi na nila uulitin."

"I promise, Mommy!" mabilis na dagdag ni Kaince. "I'll look after Keince na po. So stop crying, okay? Or else, both Dad and I will cry too. We'll be a crying family!" biro niya.

Napatawa si Eunice kahit papaano. Kahit hindi kalakasan ang joke, sapat na para gumaan ang bigat sa dibdib niya.

"Your joke's horrible, Kuya," singit ni Keince.

At doon na tuluyang bumigay ang lahat sa tawa.

"So, who wants pizza?!" malakas na sabi ni Keus.

"Me!" sabay sigaw ng kambal.

"Ang mahuli sa pagbaba, siya ang maghuhugas ng plato!" pahabol na biro ni Keus, dahilan para mag-unahan ang mga bata palabas ng kwarto.

Naiwan si Eunice na nakasandal sa dibdib ni Keus.

"I love you," bulong ni Keus habang mahigpit ang yakap.

"I love you, too," sagot ni Eunice, ngayon ay may ngiti na sa labi.

Shattered VowsStories to obsess over. Discover now