EPILOGUE

50 5 0
                                        

HINDI MANHID si Eunice para hindi maramdaman ang gusto ng asawa. Natatakot siya. Ayaw niyang bumalik sa dati, lalo na ngayong natutunan na niyang ayusin ang sarili. Pero kahit sa bagay na iyon, tila tutol pa rin ang langit.

Ilang linggo na siyang palaging nahihilo at nagsusuka. Madalas din siyang mairita sa tuwing kasama ang asawa. Minsan nga, naiiyak siya sa mga maliliit na bagay.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka wala na talaga siyang pag-asang gumaling pa. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at nagpasya siyang kumonsulta sa doktor.

"I see no reason to panic. You see, ilang buwan ka na ring hindi umiinom ng gamot, hindi ba?" ani Doc Gregant habang tinititigan siya. "But I recommend you to go, Eunice. Just to make sure. Last month nakita kong may hickey ka. Maybe that Andrade of yours had shoot you three points."

Bahagyang nakangisi ito, halatang nang-aasar. Unfortunately, it's working. Nahihiya siya at sabay kinabahan.

Pero deep inside, gusto rin niyang malaman ang totoo. Kaya kahit nanginginig ang dibdib niya sa kaba, sinunod niya ang suhestiyon ng psychiatrist.

"Congratulations, you are three weeks pregnant," nakangiting saad ng doktor sa kanya.

Pero hindi niya magawang matuwa. Natatakot siya. Paano kung hindi ito tanggapin ng asawa? O, mas masahol pa, paano kung kunin nito ang bata sa kanya? Hindi niya alam ang gagawin.

Lalo na ngayong naghihiwalay na sila, mas pinili niyang ilayo ang sarili. May kasalanan din naman siya. Puwede naman niyang pigilan noon, pero hinayaan niya pa ring may mangyari. Kaya wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili.

Sa bawat hakbang ng asawa palapit sa kanya, siya naman ay humahakbang palayo.

But the man never gave up. Hindi ito sumuko, hindi ito napagod sa kakasuyo. Hanggang sa unti-unti siyang natauhan. Nakita niya sa wakas na totoo ang intensyon nito. Dahil kung hindi, baka tuluyan na niyang ipinagkait sa anak ang pamilyang hindi rin niya naranasan.

"Please don't hurt me anymore," aniya, bago niya sinuot ang pangalawang singsing na binigay nito. At bago pa makapag-react ang asawa, nilahad na niya ang isang pregnancy test kit.

"Let's finally fix our broken vows."

Sa mga salitang iyon, hindi na mahulaan ni Keus ang nararamdaman. Sa huli, isang mahigpit na yakap lang ang kaya niyang gawin.

"I love you! I love you!" paulit-ulit niyang bulong, puno ng saya at luha.

Napangiti si Eunice. Paunti-unti, natatanggap na rin niya ang lahat. Walang perpektong tao. At sa mga nakaraang buwan, nakita niya ang totoong intensyon ni Keus na baguhin ang lahat para sa kanila.

Kahit pilitin pa niyang itago, alam niyang unti-unti na ring nalulusaw ang pader na itinayo niya para ilayo ang sarili sa asawa. Ang totoo, balak niya sanang itago ang pagbubuntis. Takot siya na baka maulit ang lahat ng nangyari noon. Pero naisip niya, kung gagawin niya iyon, hindi ba't parang ipinapamana lang niya ang parehong sakit at takot sa anak?

And that's something she cannot allow to happen. Ayaw niyang maranasan din nito ang hirap na pinagdaanan niya. Kaya kahit walang kasiguraduhan, kahit may pangamba, pipiliin niyang sumugal para sa kapakanan ng anak nila.

At nang makita niyang umiyak si Keus dahil sa saya, napanatag rin ang puso niya.

"Thank you... thank you for not giving up on me," mahina niyang saad.

"No. It's thanks to you. You made me complete. I love you," mahinang bulong ni Keus habang yakap-yakap siya.

DAYS PASSED. Mas napapadalas na nasa bahay lang si Keus. Gusto man ni Eunice ang ganitong set-up, alam niyang may malaking responsibilidad pa rin ang asawa sa kompanya.

Sa huli, hindi na niya pinilit si Keus na bumalik agad sa trabaho. At para naman maging kampante ang asawa, pinili niyang huwag nang magtrabaho ulit sa ngayon.

"Sama ako," nakangiti niyang sambit isang umaga. Hindi na niya matiis ang maiiwan sa bahay. Six A.M. pa lang naman, kaya may oras pa siyang maghanda.

Gaya ng inaasahan, pumayag din si Keus. Hinagkan pa siya nito sa noo.

Mula nang araw na iyon, marami ang nagbago sa kanilang dalawa. Hindi na kailangang magduda si Eunice, at mas naging maingat si Keus sa lahat ng bagay na tungkol sa kanya.

Kaya napagdesisyunan niyang lumipat na sa kwarto ng asawa. Nagulat pa siya nang makita na maayos at buo pa rin ang gamit niya doon, hindi man lang ginalaw. Kung paano niya naiwan dati, gano'n pa rin.

Medyo awkward nga lang nang matutulog na sila. Hindi alam ni Eunice kung paano siya kikilos. But Keus patiently waited for her to get comfortable.

Mula noon, maganda na ang tulog niya gabi-gabi. At gaya ng dati, ramdam niyang ligtas siya sa tuwing yayakapin siya nito sa pagtulog.

"I readied your bath, love. You can go now," ani Keus mula sa CR.

Tahimik na sumunod si Eunice at naligo.

"Love, iiwan ko sa kama ang damit mo. Sa baba lang ako. I'll ready our breakfast," paalam nito.

Simple lang ang niluto ni Keus; hotdog, fried rice, ham, at itlog. May kasambahay naman sila, pero gusto ni Keus na siya mismo ang mag-alaga sa asawa. Marami siyang pagkukulang noon, at ngayon pinangako niyang hinding-hindi siya mapapagod.

At ngayong nagdadalang-tao si Eunice, mas naging maalaga ito. Sakto pa, pagbaba ni Eunice, nagtitimpla na si Keus ng gatas para sa kanya.

Bumisita rin sila sa ospital kamakailan. Healthy ang baby, pero pinayuhan silang mas mag-ingat. Kaya mas naging hands-on si Keus.

"It's good that you're done. Come here, let's eat," sabi niya matapos magtimpla.

Habang nakatitig sa asawang masiglang kumakain, wala nang ibang hihilingin pa si Keus.

"Stop staring at me. Kumain ka na, male-late na tayo," natatawang ani Eunice.

Natawa rin si Keus, at doon nila masayang pinagsaluhan ang agahan, simple pero puno ng pagmamahal.


THE END

Shattered VowsStories to obsess over. Discover now