TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of violence, attempted murder, kidnapping, grief, and suicidal thoughts. Reader discretion is advised.
IT'S BEEN two days since Ayn got into the hospital. Pero sa loob ng dalawang araw na 'yon, ni anino ni Keus ay hindi niya nakita. And she can't help but get mad.
"You! Where the hell is Keus?" sigaw niya sa secretary ni Keus, na siya lang ang tanging bumibisita sa kanya sa dalawang araw na lumipas.
Gaya ng dati, Azrael, Keus' secretary, paulit-ulit lang ang sinasabi, busy daw ang boss niya.
Pero hindi naniniwala si Ayn.
For her, it must be that bitch of a wife keeping Keus away from her. Kaya kahit inosente si Azrael, hindi niya maiwasang magalit dito.
"Sir Lixxion..." Napaupo si Ayn nang makita ang kaibigan ni Keus sa pinto ng kwarto niya.
She wasn't expecting him at all. And honestly, she didn't like his presence.
"I know you hate me, but I promise this will be quick. Are you willing to cooperate?" tanong ni Lixxion na may kasamang taas-kilay.
She really hated his nerve. Pero hindi siya puwedeng bumigay. She can't let him ruin her name in Keus' eyes.
Masyadong malaki ang halaga ng tiwala ni Keus para sa plano nilang mag-ama. Hindi siya pwedeng pumalpak, dahil hindi lang buhay niya ang nakataya pati na rin ang buhay ng anak niya.
"W-What do you n-need from me?" matapang niyang tanong, kahit kinakabahan siya. She must think of her baby.
"Why did you and your father kidnap Keus' wife and child?"
Nanlamig siya sa direktang tanong nito.
How the hell did they know?! No! Wala akong kasalanan. What I did was just to save my baby! This can't be happening!
"A-Anong ibig m-mong sabihin?"
"I told you, if you cooperate, it'll be easier for you. Just tell us what you know, and I'll make sure that you and your baby will be safe."
All Ayn wanted was for her baby to live. Maybe she wasn't fortunate enough to have the family she once dreamed of, but at least... she can still make it with her child.
"MGA INUTIL!" malakas na sigaw ng matandang lalaki sa harap ng mga tauhan niya.
"P-Patawad po, Don Artemio. Masyadong marami pong bantay sa kwarto ni Miss Ayn. Mahirap pasuki—"
"Wala akong pakialam! Patahimikin niyo siya! Patayin niyo kung kailangan!" galit na sigaw nito. Napayuko ang mga tauhan bago sumang-ayon.
Sa laki ng suhol na natatanggap nila, kahit pagpatay ay papatusin na nila. Lalo na sa hirap ng buhay ngayon.
Pero mula nang malaman ng mga Andrade ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan, mas mahigpit na ang seguridad.
Maya-maya, kumumpas ang matanda ng kamay, senyales para umalis ang mga tauhan.
He can't let this slip away. Kung hindi, siya mismo ang hihilahin pababa sa impyernong kinatatakutan niya.
"Gawan mo ng paraan, Naia. Kung hindi... ako mismo ang papatay sa anak mo!" galit nitong bulong sa telepono bago ibaba ang tawag.
"YOU'RE FINALLY awake."
Iyon agad ang narinig ni Eunice pagmulat ng mata.
It was her doctor, Gregant. Pero hindi siya iyon ang ine-expect niyang makita.
YOU ARE READING
Shattered Vows
RomanceSTAND ALONE STORY After ten years of marriage, Eunice has lost the happiness she once carried and now struggles to escape the guilt and pain of her past. Her husband, Keus, has grown distant over the years, leaving her to face the growing emptiness...
