One-sided si Miss Author!

31 4 0
                                    

Writer/s - silang yung gumagawa ng mga stories na sa imagination lang nag-e-exist, kadalasan mahilig ang mga writer sa romance na genre. Pero paano kung ang love story naman ni writer ang mabasa mo? Ano kayong klaseng love story meron ang isang writer? Have you ever wonder kung anong buhay ng mga writers sa likod ng mga librong sinusulat nila? Masasabi mo nga ba na nakabase din sa buhay nila ang mga ilang scenerio na sinusulat nila? Ang love life din kaya nila ay kagaya din ng mga love stories na sinusulat nila?  

---

Kadalasan sa mga writers, kung anong nakalagay sa stories nila, may mga part dun na nangyari talaga sa pang-araw-araw na buhay nila. Pero ako, kung anong hindi nangyayari sakin, yun yung nilalagay ko sa sinusulat ko.

"Hay. Ang hirap naman nito." Tumigil ako sa pagtatype. Bigla nalang may pumasok sa isip ko.

===================================

"Oo sige Daixelle, tayo nalang magkapartner." sabi ni Reijel sakin at hinila yung upuan sa tabi niya. "Dito kana. Sayo nalang 'tong page na 'to para hindi ka na mahirapan."

====================================

Tumigil ulit ako sa pagtatype. Huhuhu. Naaawa ako sa sarili ko. Kung sana kagaya ako ni Daixelle na hindi one-sided. Oo, one sided ako, kaya nga yung mga hindi nangyayari sakin kagaya nalang ng mga scenario na mabait at sweet yung bidang lalaki. Dito ko nilalagay sa mga sinusulat ko. Bakit ba kasi ang suplado nung lalaking gusto ko!

Tinabi ko na yung laptop ko nung dumating yung teacher namin. Ako nga pala si Midori Perez. 17 years old,4th year high school. Ang sabi ng mga kaklase ko, 'Green' daw ang ibig sabihin ng 'Midori' sa Japanese. Kaya nga inaasar nila ko dati nung second year kami ng 'Midori Minded'. Mga siraulo 'tong mga 'to! Pagtripan daw ba yung pangalan ko!

"Miss Perez! Are you listening?" Nakataas ang kilay na sabi ni Ms. Wako, hindi yung pagkain ha, pero yun talaga yung surname niya, so irespeto natin.

"Of course, Ms. Wa!" proud na proud kong sabi kahit hindi ko naintindihan yung pinagsasabi niya dahil dinadaldal ko yung sarili ko.

"Sige, paki sagutan yung example # 4 sa blackboard. Pinag-aralan na natin yan last year, so dapat masagutan mo yan." Sabi ni Ms. Wa at inabot sakin yung whiteboard marker.

'Jusko Lord! Bakit po 'Arithmetic Series' pa?! Wala nga po kong naintindihan sa tinuro ni Ms. Wa last year eh. Alam niyo naman po, nung nagpasabog kayo ng katalinuhan, tulog ako kaya walang natira sakin.' sabi ko sa isip isip ko.

*gulp*

Humarap ako kay Ma'am, "Ma'am, ang ganda mo talaga! Mas maganda ka kay ano-kay Pokwang Ma'am!"

"Bwahahahahahahaha!!'

"Wahahahahahaha!!" Namula naman si Ma'am.

"Yiiiiieee! Si Ma'am, nagba-blush." sigaw ko.

"Ms. Perez! Bumalik ka na nga sa upuan mo!" Sigaw ni Ma'am, bumalik naman agad ako sa upuan ko. Hindi naman kasi pokwang sasabihin ko eh! Carmina dapat!

"Tss. Maganda nga, tanga naman." Bulong ni Crush na seatmate ko. Ouch. Tagos bone marrow.

***

P.E Class.

"Midori!" Sigaw ng team mates ko! Senyales na saluhin ko yung bolang papunta sakina pag hindi ko sinalo, tatama sa mukha ko! Agad akong tumakbo para tirahin sana ito kaya lang.

One Shot Collection by ahliassiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon