Umupo ako at nilapag yung order ko sa mahabang table na may mataas na upuan. Wala akong ibang kasama sa table na 'to bukod sa lalaking katapat ko, hindi naman talaga kami magkatapat pero parang ganun na din.
Mabilis kong tiningnan yung mukha niya. Ay gwapo si Kuya! Hahahahaha. Kaso ang awkward ._____.
Hindi ko na ulit siya tiningnan kasi baka mailang siya at iwan ako dito, leche mukha naman akong kawawang loner. Umalis na din yung mga tao sa ibang table na nakapalibot samin. Tingin din ako ng tingin sa phone ko kasi ang awkward talaga.
Inalog niya yung ballpen niya. Napatingin ako sa plastic ng National Bookstore sa ibabaw ng lamesa. Kakabili ko lang ng G-Tech kanina. Hindi kaya manghihiram——
"Uhm, miss? May ballpen ka?" tanong niya. Kinuha ko yung black ballpen at inabot sa kanya.
"Thanks, pahiram ha." sabi ni Kuya at tumango lang ako.
"Mei, tara dito, samahan mo ako." sigaw nung kaklase ko. Lumapit nalang ako. Ayoko pa ngang iwan yung lalaki kasi kawawa naman. Nagkatinginan pa kami bago ako umalis. Ano ba yan ang hirap naman bumaba sa upuang to?!!
"Yiiii. Ang gwapo nung lalaki. Actually, kanina pa ko kinikilig sa inyo. Kakilala mo ba?" Anne
"Luh? Hindi ah. Kilig ka diyan. Walang nakakakilig no!" sabi ko sa kanya.
"Teka, ikaw lang mag isa?"
"Ay hinde! May kasama ko! Kasama kita diba?" Anne
"Loko——"
"Wala nga kong kasama, pauwi na din ako. Ikaw ba?" tanong niya.
"Ganun din. Nakakaboring naman dito sa Mall. Naubos kasi pera ko kakabili ng cute stuffs sa National at Dept. Store." sabi ko.
"At bibili pa nga pala kong SB. Wait lang, saglit lang ako." sabi ko sa kanya. Umalis ako at tiningnan si Kuyang kasama ko sa table kanina. Sana nandun pa siya pagbalik ko. Hala? Anong trip ko?
Pagkabalik ko sa Mcdo. Saktong tapos na siya at tumayo na din. Nagkatinginan pa nga kami. Aww. Aalis na siya.
Nagkasalubong kami at siyempre alangang magbye pa ko. Tsaka sa kanya na yung ballpen, remembrance. Hahaha!
Pagkaupo ko sa tabi ni Anne. Mukhang kinikilig ang loka!
"Hihihi.."
"Nabubuang ka nanaman, Anne."
"Nye. Wala! Kinikilig ako sa inyo nung lalaki kanina!" sabi niya at nanghampas pa. Bugbog sarado nanaman braso ko mamaya.
Lumabas na kami ng Mall at pumunta sa terminal ng jeep pauwi sa amin. Wala kasi si mommy para sunduin ako ngayon dahil weekdays ngayon at every sunday lang siya umuuwi a bahay.
Medyo malapit lang naman bahay namin kela Anne, kaya nagsabay na kami.
Pagkasakay at pagkaupo ko sa jeep, nagulat ako sa lalaking katabi ko. Si Kuyang kasama ko sa table kanina? Gulat din siyang tumingin sakin.
"Hi. Thank you pala." sabi niya sabay abot nung ballpen ko.
"Uhh. Thanks." tinabi ko yung ballpen at eto namang si Anne parang uod na nilagyan ng asin. Kanina pa sinusundot yung tagiliran ko.
Dumami yung pasahero at sinisiksik ako ni Anne dito kay Kuya! Luuuuh?
"Hoy Anne! Wag mo nga kong siksikin." bulong ko sa kanya.
"Iiihh! Nagiging mabait lang ako, walang uupuan si Lola oh." Anne
"Mabait ka?"
"Oo naman!" Anne
