Just One Day

64 6 1
                                    

Sana naalala mo pa - Part 2

Kung mabibigyan lang sana ako ng isang araw para magkasama kang muli. . .

**

Mica's POV

Kung may pagkakataon lang sana. . .kahit isang araw lang.
Isang araw lang, Ian.

Kung may pagkakataon lang.

Hindi kita ipagpapalit sa career ko. Kung alam ko lang na ganun yung mangyayari satin. Hindi na sana ako makikipaghiwalay sayo. Hindi kita dapat sinukuan agad. Hindi sana magkakagulo ang lahat. Edi sana tayo pa din hanggang ngayon. Sana masaya tayo.

Kung may isang araw ako para magkasama ka,

Gusto ko sanang makasama ko buong araw. At magpanggap na okay lang ang lahat. Na okay pa tayo. Na masaya pa tayo. Okay lang naman yun diba? Okay lang naman siguro? Gusto ko ulit maranasan na ikaw lagi yung kasama ko. Gusto ko ulit maramdaman na mahal mo ako. Parang kahapon lang, sakin lang umiikot yung mundo mo. Ako pa yung mahal na mahal mo. Kung may pagkakataon lang sana, kahit isang araw lang.

Kung may isang araw lang ako para magkasama ka,

Gusto kong makasamang maglakad habang magkahawak yung kamay natin. At balikan yung mga araw kung paano tayo nagkakilala. Masaya pa tayo non diba?
Kung may pagkakataon lang sana, kahit isang araw lang.

Kung may isang araw ako para magkasama ka.

Magkasama tayong bubuo ng bago at masasayang memories. Kahit simple lang basta memorable. Alam mo bang gusto kitang magkasama sa paglilibot sa buong mundo? Kaso hindi sapat ang isang araw para malibot ang mundo. Gusto ko sanang makasama ka sa pagsalubong ng bagong taon. Kung may pagkakataon lang sana, kahit isang araw lang.

Kung may isang araw ako para magkasama ka.

Ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Kagaya ng sabi mo noon, parang ikaw lang yung nag eefort sa relasyon natin. Hihingi ako ng tawad sayo dahil hindi ko naipakita sayo noon kung gaano kita kamahal. Hindi ko napalitan yung hirap at effort mo sa relasyon natin. Hindi man lang kita naipaglaban kagaya ng ginagawa mo sakin dati.

At sa pagtatapos ng araw kung saan kakailangan na nating maghiwalay.

Yayakapin kita ng mahigpit. Yung tipong hindi ka na makakawala. Ayaw na kasi kitang palawalan. Kung pwede lang sana, hinding hindi na kita bibitawan. Hinding hindi na kita papakawalan, kahit kailan.

"Ian, mamahalin pa din kita kahit na sabihin pa ng buong mundo na hindi tayo bagay para sa isa't isa. Mahal kita, higit pa sa salitang 'Mahal Kita'. Mamahalin kita, mas matagal pa sa forever. Mahal kita, kahit na ipagtabuyan mo ako. Mamahal pa din kita, kahit sa iba ka na masaya.Kahit na masaya ka na sa kanya."

Just one day. Kahit isang araw lang.

One Shot Collection by ahliassiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon