Rain

96 7 2
                                    

Rain ©

---

Ulan/Tag-ulan - yan na yata ang pinakamasayang pangyayari sakin. Ang laki ng galit ko sa mundo. Iniwan ako ng mga magulang ko at basta pinamigay nalang na parang flyers lang. Gusto kasi nila ng lalaking anak, kaya pinamigay nalang ako. Nag-iiwan lang sila ng 1 million kada buwan para sa pang-araw araw na pangangailangan. Hindi ko kailangang ng pera nila, sila ang kailangan ko! Sinaktan ako nang walang hiya kong boyfriend at ng bestfriend ko. Iniwan ako ng mga kaibigan ko matapos nila akong perahan. Mga gold digger.

Pero, pag-umuulan masaya ako. Kahit na galit sakin ang mundo, (Oo, patas lang, galit ako sa mundo, galit din yung mundo sakin) at tuwing umuulan natatalsikan ako ng putik o hindi kaya tinatangay ang payong ko dahil para mabasa ako. Masaya pa rin. Bakit? Diyan ko kasi nakilala yung lalaking hindi ako iniwan, yung lalaking hindi ako ginamit para lang sa pera. Yung lalaking kahit pagtripan ako ng mundo sa mga kamalasang nangyayari sakin, nandiyan parin siya. Kahit na yung mga tao lumalayo na sakin, dahil sa 'Ang lakas dawn g kapit ko sa kamalasan' siya nandiyan pa din...

○●◌

Lucky's POV

Tag-ulan nanaman pala. Hay. Goodluck Lucky. Naglalakad ako, kung san aba marunong akong mag-drive diba? Oo, ginamit ko pa din yung pera ng mga magulang ko. No choice eh, ano choosy pa ba ko?. Tsaka hayaan niyo na, ang hirap kayang lumaki ng walang magulang! Ayun, patuloy lang ako sa paglustay ng pera nila, tapos sila, padala ng padala ng pera sa bank accounts ko.

May dumaang truck ng baboy. F*ck. Tumakbo na agad ako. Kasi alam ko na mangyayari pag lumakad pa ko ng may poise diyan sa daan. Nagtatakbo na ko kaso sa kasamaang palad. Nadapa lang naman ako sa putikan! Great. Tumayo ako at naglakad na muli dahil wala naman na yung truck ng baboy. Sunod na nangyari, muntikan pang bumagsak sakin yung bunga ng chico. Sabi nila, masakit daw yun pag bumagsak sayo. At nung umiwas ako, muntikan akong mahagip ng sasakyan. "Ano ba yan Miss?! Bakit ka ba nasa gitna ng kalsada?!" sigaw nung lalaki. Humingi ako ng tawad at naglakad nalang muli.

Nandito na ako sa may bridge. Ano naman kayang kamalasan mangyayari sakin dito? Nung nakaraan, muntikan akong mahulog sa ilog diyan sa bridge nay an ng dahil sa mga batang naghahabulan. Tinulak lang naman ako. Halos mamatay-matay na ako nun. Akala ko walang tutulong sakin, buti naman at meron.

*lakad lakad*

*wooooooossshhhh*

*hinto*

*tinaggay yung payong*

*tingin sa tinanggay na payong na nahulog na sa ilog*

*pokerface*

"Hah! Akala mo sususko na ako sa ganyan ganyan mo?! Kung yung muntikan nga kong mahulog sa ilog na yan, buhay pa ko. Yan pa kayang tinanggay yung payong?!" Yung pangalan ko talaga, kabaliktaran sa lahat ng nangyayari sakin ngayon. Mag-da-driving lessons na ako sa susunod.

Huminto ako sa isang shed. Hay nako. Bakit ngayon pa umulan ng sobrang lakas, hindi pa ko nakakarating sa school eh!

May humintong sasakyan sa harap ko. Bumakas yung pinto at may lumabas na lalaki na may hawak na payong. "Miss, sa SJU ka din ba papasok?" tanong niya. Tumango ako.

"Kanina pa kita tinitingnan, basing-basa ka na, muntikan ka pang masagasaan tapos tinaggay ng hangin yung payong mo." Sabi niya. Sige lang Kuya, ipamukha mo pa.Pinatong niya sa ulo ko yung tuwalya. "Sabay ka na sakin, malelate na tayo oh." Sabi niya. Nagdalawang isip ako.

"Bahala ka, alam mong may punishment pag late ka." Sabi niya. Sumakay na agad ako. Umikot siya sa kabila at umupo sa driver's seat. Siya lang pala mag-isa dito. Pagkababa naming at pagkadating sa SJU. "Salamat." Sabi ko at agad na tumakbo kaso tinawag niya ko. "Miss!"

One Shot Collection by ahliassiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon