When You Let Her Go

89 5 1
                                    

When You Let Her Go

"Kapag hinayaan mong umalis ang isang tao sa buhay mo, dun mo lang malalaman na importante pala siya sa buhay mo."

Wala naman talaga akong pake sa kanya e... Sabihin na nating meron pero bilang kapatid at kaibigan lang. 

People change, feelings fade. Napapagod din ang tao kakahintay sa wala, nagsasawa. Kakayanin mo ba na wala siya sa tabi mo? O hahanapin mo siya at ikaw naman ang mag-eeffort ngayon?

--

Peter's POV

"Peter, saglit naman oh! Ang bigat bigat kaya ng dala ko!" nakasimangot na sigaw nung babaeng makulit na palagi nalang nakasunod sakin. Grade eleven siya at ako naman ay grade 12 na.

Palagi siyang nanonood ng game namin. Binibigyan ako ng pagkain, letters, at palagi siyang nakabuntot.  Kagaya ngayon.

Hindi ko alam kung seryoso ba siyang gusto niya ko kasi hindi ako naniniwala. Tingin ko sa kanya isang batang paslit na hindi pa pwedeng magka love life dahil para ko lang siyang kapatid.

Nilingon ko siya at nakita ko namang nadapa siya kaya natapon sa sahig yung mga bitbit niya.

"Tss, ang lampa mo naman. Akin na nga 'yang gamit mo." sabi ko sabay pulot sa mga nalaglag at tinulungan siyang tumayo.

"Huhuhu, ang sakit!" daing niya at sinubukang tumayo pero dumaing ba naman siya, "Aray ko naman! May galit ka ba sakin? Wag mo kong hilahin!"

"At grabe ka naman maka-lampa? Ang bigat lang talaga ng gamit ko! Kita mo 'tong mga libro ng Physics?"

"Mag-bag pack ka kasi para hindi hassle." naiinis na sabi ko sa kanya. Ngumuso naman siya at mukhang hindi nakikinig sakin. Nilagay ko yung libro niya sa bag ko at bigla siyang tumayo pero napahawak sakin, "Puuuuuuuuuuuutakte!!!"

Natawa ako ng bahagya noong dumaing siya, "Nadapa lang naman ako bakit parang malulumpo na ko?"

Bubuhatin ko siya kahit na tinataboy niya ko. Namula kasi siya bigla at umiwas ng tingin habang sinasabing okay lang siya kahit mukhang hindi.

"Nahiya ka pa sakin." sabi ko at napatitig siya bigla sakin kaya bigla ko siyang binuhat. Nanlaki yung mata niya, "Uy, san mo ko dadalhin?"

"Sa tingin mo? San dinadala ang napilayan? Sa engineer?"

"Tatawa na ba ko? Ha-ha-ha, wala ka talagang sense of humor." sabi niya at inirapan ako. Ngumisi ako noong nakita kong namumula siya dahil pinagtitinginan kami.

Okay naman yung xray niya pero namamaga yung ankle kaya nilagyan lang ng cold compress yung ankle niya for 15 minutes.

"Nicole, alis na ko. May training pa kami." sabi ko sa kanya kaso tulog na pala. Naghihilik pa siya kaya natawa ako, "Sleepyhead."

Nagpunta ko sa gymnasium at nakita ko ang mga team mates kong nagwa-warm up na. February na next week. Next week na din ang Intrams at sa susunod na, ang laban sa kabilang school pagkatapos at malapit na ang graduation.

"Hi Peter!"

Kahit na hindi ako nakatingin ay alam ko na kung sino ang tumawag sakin. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong paakyat si Nicole papunta sa kinauupuan ko. Kasali nga pala siya sa women's volleyball.

"Gusto mo?" tanong niya sakin sabay abot ng gatorade na hawak niya. May bawas na 'yon at tiningnan ko siya, "Okay lang ba?"

Tumango naman siya, "May isa pa naman ako sa ibaba. Gusto mo ba yun nalang sayo?"

One Shot Collection by ahliassiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon