Naghihintay pa ako dito sa Marilao ng iba pang pasahero. Pupunta kasi ako sa SM North. Umupo ako sa pangatlong row, tabi ng bintana.
Parami na rin ang sumasakay. May lalaking sumakay, naka-jacket na black tapos nakasabit yung headset na black sa leeg niya.
Tumabi sakin yung lalaki.
***
Nang-ha-hunting ako ng gwapo. 36 na nakikita koooo. Ang daming gwapo, yung iba nababakla na. Katulad nung nakasalubong ko, may kasama siyang bakla at mga babae. Tapis nung nagsalita si Kuyang gwapo-what the hell? Bakla yung boses.
Naisipan kong umuwi na.
Naghanap ako ng UV Express na pauwi samin. Dun ulit ako pumwesto sa 3rd row malapit sa bintana.
Nakita ko yung sticky note na nakadikit sa may bintana.
Kinuha ko iyon at binasa.
'Hi. Nakita ulit kita :)' -JPG
Sa totoo lang madalas akong makakuha ng sticky note na nakadikit sa bintana sa may 3rd row. At iisa lang ang sumulat nun.
Iniisip ko kung para kanino kaya 'to? Para sakin ba talaga o sumasakto lang na ako ang nakakakuha?
Sino kaya 'to? Kelan naman kaya kami magkikita? Kelan ko siya makikita? Nakita niya na daw ako e. Ako nga ba? JPG? Wala akong kilalang may initials na JPG. Pina-check ko na ang names ng students kung may JPG bang initials pero wala.
***
Lumipas ang ilang buwan. Ganun pa din. Nakakakuha ako ng sticky note sa UV Express.
Kagaya ngayon. Nakakuha nanaman ako.
Umupo na ako sa upuan ko, sakto namang dating ng teacher namin. May kasama siyang lalaking estudyante.
Siya yung nakatabi ko sa UV Express...
Yung gwapong nakatabi ko.
"James Paul Gomez. 17 years old." sabi niya. Di ko alam kung sakin ba siya nakatingin o ano? Nag-smile siya.
James Paul Gomez
Tumabi siya sakin, sa bakanteng upuan sa right side ko.
"Hi." siya at ngumiti ito.
Ngumiti din ako, baka sabihin FC ako.
Nagpasagot si Ma'am.
"Exchange with your seatmates." Ma'am
Nakipagpalit ako ng paper ka James.
Napansin kong parang familiar yung sulat niya.
Nakita ko na 'to eh.
Kinuha ko yung sticky note na nakuha ko kanina bago ko pumasok at kinompare sa sulat niya.
Parehas.
Yung lalaki sa UV Express na nakatabi ko.
Yung lalaking nagsulat nito.
At siya?
"James Paul Gomez... JPG."
-THE END♥
---
