Seven hundred fifteen divided by five

16 1 0
                                    

P.S. Matagal na 'to pero nagtaka ko bakit naka-drafts pa din. Napaindot ko yata yung un-published nung panahong nag-eedit ako ng stories ko.

--

Seven hundred fifteen divided by five

Ayishia's POV (Ayisha)

"Araaaayy! Chigilan moh yung pishngi koh! Leshe ka!" bwisit 'tong lalaking 'to! Kanina pa pinangigigilan yung pisngi ko!

"Hahaha! Ang cute mo eh!" Kevin-panget. Wala lang hindi talaga siya panget, gwapo kaya niyan. Crush ko yan eh :D

Tumakbo siya palabas ng classroom.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Hinabol ko siya sa hallway. Bwiset! Buti nalang at mabilis akong tumakbo kaya nahabol ko siya. Agad kong hinila yung buhok niya at sinabunutan siya. Wahahaha : >

"Araaay! Putek! Wag yung buhok ko!" sigaw niya.

"Nya nya!" sabi ko nalang at ini-stretch yung pisngi niya. Ganun din ginawa niya sa pisngi ko.

"Bichawan mo yung pishngi koh!"

"Bichawan mo din yung akin!"

"Mr. Kevin Samonte and Ms. Ayishia Delos Reyes, please proceed to the Detention Room, NOW!" Rawr! Hahaha. Sigaw samin nung adviser namin. 4th year-EXODUS. Binitawan ko na yung pisngi ni Kevs, binitawan niya din yung akin.

"Bwiset! Kaw kasi eh!" sisi ko sa kanya.

"Ako lang? Sino ba nanghila ng buhok ko? Tagal ko pa namang inayos 'to." depensa niya at sinumulan nanamang ayusin yung buhok niya.

"Ewan ko sayooo! Bahala ka nga! Hmp!" at inunahan ko siyang maglakad.

***

Pagkatapos naming magbangayan ng dalawang oras sa loob ng detention room. Umuwi na kami.

"Bye Yish! 715 divided by 5!" sabi ni Kevs.

"Oh? Nanaman? Ano ba yun?" tanong ko. Lagi niya kasing sinasabi yun eh.Tanong ba yun?

"Sentence? Numbers?" Kevs

"Ay! Leche! Lumayas ka na nga!" sigaw ko sa kanya.

Ano ba kasing meron dun? Ano nga ulit yung sinabi niya?--720 divided by 6? Ay ewan!

Next Day...

Pumasok ako ng school. Ako lang mag-isa. Loko kasi si Kevin eh! Iwan daw ba akooo! Tapos di man lang ako ginsing ni Mama! Si Kuya din!

Nagtataka ako. Pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko habang naglalakad. Anong meron?

Alam kong dyosa ako, pero kailangan ba talaga bawat lakad ko babantayan?! Grabe ha!

Pagkadating ko sa classroom. Nagkukumpulan yung mga schoolmates namin. Mga chismosa talaga. Tsk. Bigla silang apatingin sakin. LAHAT. At nagkaroon ng daan sa gitna. Eh?

Hanggang sa dumaan ako. Nakatingin sila saken. Yung iba mukhang natatae lang.

Natatae ba yun o kinikilig?

O_____O

O____O!

=_____=

Ano ba yan?! Ang aksaya naman nung gumawa neto? Infairness, ang yaman niya sa stick note ha. Ang effort.

Para kanino naman kaya yan?

Umupo ako sa upuan ko, tumingin sa mga tao.

Oh? Anong meron? Ba't parang gulat sila? Nakakita lang ng multo? Ano ko multo?!

"Besh, anong meron?" tanong ko sa bestfriend ko na nasa right side ko at nagbabasa ng libro.

"Ay nako! Basahin mo kaya yung nasa blackboard." sabi niya habang naka-focus pa din sa binabasa niya.

Binasa ko yung nasa blackboard.

Merong nakalagay na 3 numbers na naka-form gamit ang sticky note na color pink. Napapalibutan ng blue stick notes ang pink na sticky notes.

1 4 3

"Oh anong meron dun? 143? Tapos?"

"Shete! Nakakaloko ka!" sabi niya at sinarado yung librong binabasa niya at hinila ko sa blackboard. Nabasa ko yung nakasulat. AY, may nakasulat pala? Sorry naman. Malabo mata ko eh.

'seven hundred fifteen divided by five'

Kevin...
Pumasok si Kevin.

Eh! Why so pogi?

"Ikaw gumawa...nito?" turo ko sa blackboard na puno ng sticky notes.

"Oo. Nagustuhan mo?" sabi niya at ngumiti sakin.

"Ano ba yan! Ang aksaya mo!" sabi ko sabay hampas sa kanya. Wahaha.

"Aray!" sabi niya.

"Ano bang meron dun?" tanong ko sa kanya. Napa-poker face nalang siya.

Inabot niya yung scientific calculator at yung papel. Wow! Prepared ha!

Binasa ko yung nakasulat sa papel.

-----------------------------------------------------------

AYISHIA,

SEVEN HUNDRED FIFTEEN DIVIDED BY FIVE.

KEVIN SAMONTE
-----------------------------------------------------------

Binuksan ko yung scientific calcu. at nag-enter ng number.

715/5

=143

"143?" napangiti siya at hinintay muli ang sunod na sasabihin ko. Hahaha.

"Shete! Nag-aksaya ka ng sticky note para lang ipa-solve sakin yun?!"

Napa-poker face nanaman siya habang si Besh napatampal sa noo niya.

"Augh! Slow." Besh

"143. I love you. I love you Ayishia Delos Reyes." naiinis na sagot ni kevs. Wahaha. Ang sarap niya talaga pagtripan.

"Iyak ka na niyan Kevs? I love you too Kevin Samonte!"

-FIN

One Shot Collection by ahliassiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon