Halaga
~Ringgo
Bakit ba pag nagpupunta ko dito sa park, lagi nalang siyang umiiyak? Tsk.
"Umiiyak ka nanaman? Panyo oh."
"*Sniff* Thanks." Donna
"May collection ka na ng panyo ko ha."
"Bakit kasalanan ko bang binibigyan mo ko nang panyo? *sniff*"
"Ang taray mo pa din." sabi ko tsaka ngumiti, kahit na masakit na nakikita ko nalang lagi, yung babaeng mahal ko na umiiyak.
"Sinaktan ka nanaman niya? Di ka ba nagsasawa?"
"Mahal ko siya eh."
Apat na salita.
Apat na salita, na naririnig ko sa kanya tuwing tinatanong ko siya nun.
Apat na salitang, masakit marinig sa babaeng mahal mo.
Wala eh. Ganyan naman buhay diba?
Isang cassanova, na saktan dahil sa babae.
Nakakatawa lang isipin. Cassanova na ang umiiyak? Cassanova na ang nasasaktan?
Baliktad na ba mundo?
"Mahal ka ba niya talaga? Kung mahal ka niya, dapat pahalagahan ka niya! Kung mahal mo ang isang tao, papahalagahan mo yun, hindi mo hahayaang mawala ata masaktan."
Natahimk naman siya.
"Ganun mo ba siya kamahal? Di mo makayang hiwalayan siya? Hindi lang siya ang lalaki sa mundo Donna. Madami pang lalaking mamahalin ka at di ka lolokohin. Pero bakit nagtatiyaga ka sa kanya?"
"Bakit siya pa? Pwedeng ako nalang Donna?" bulong ko.
"Ano bang pake mo? Wala kang karapatang sabihin yan sakin?! SIno ka ba sa buhay ko?! Layuan mo nalang ako!" Donna
"Hahaha. Oo nga noh? Sino nga ba ko sa buhay mo Donna? Bestfriend mo na tiga-punas at tiga-bigay ng panyo pag-umiiyak ka? Bestfriend nga lang pala!"
"Hahaha. Sorry ha. Sorry. *sniff* kasi ang tanga ko! Nagpakatanga ko sa bestfriend ko! Nahulog ako sa bestfriend kong may mahal ng iba! *sniff* Nasasaktan din ako pag nakikita kitang umiiyak ng dahil sa kanya, alam mo ba yun ha?! Hinde diba?! Kasi puro yang problema mo lang ang naririnig ko, problema niyo ng boyfriend mo, tungkol sa boyfriend mo! Lumalapit ka sakin pag may problema kayo! Eto akong tanga! Nagsasacrifice para sa kasiyahan mo! Sorry Donna ha! Kasi mas gusto kong ako nalang yung masaktan at makita kang masaya. Kaso anong nagyari? Nasasaktan tayong dalawa! Ako, nasasaktan dahil nakikita kang umiyak. Ikaw, nasasaktan kasi sinasaktan ka ng boyfriend mo! Sorry Donna ha! Mahal kasi kita eh!" Nagsimula nanamang tumulo ang luha niya. Takte! Nahaahwa na ko.
"Layuna ba? Sige, gagawin ko yan. Kung yan ikasasaya mo."
"RInggo, i'm---"
"Pag nag-snap ako, act like we're just strangers."
"Ringgo nama----" sabi nia tsaka ko hinawakan sa braso.
*snap*
"Sorry miss. But, do I know you?"
Natulala naman siya.
Ginusto naman niya yan eh.
Umalis na ko tsaka pinaharurot yung sasakyan ko.
Letcheng buhay 'to!
Minsan ka na nga lang magseryoso, ganito pa.
Tsk!
~Donna
'Hahaha. Sorry ha. Sorry. *sniff* kasi ang tanga ko! Nagpakatanga ko sa bestfriend ko! Nahulog ako sa bestfriend kong may mahal ng iba! *sniff* Nasasaktan din ako pag nakikita kitang umiiyak ng dahil sa kanya, alam mo ba yun ha?! Hinde diba?! Kasi puro yang problema mo lang ang naririnig ko, problema niyo ng boyfriend mo, tungkol sa boyfriend mo! Lumalapit ka sakin pag may problema kayo! Eto akong tanga! Nagsasacrifice para sa kasiyahan mo! Sorry Donna ha! Kasi mas gusto kong ako nalang yung masaktan at makita kang masaya. Kaso anong nagyari? Nasasaktan tayong dalawa! Ako, nasasaktan dahil nakikita kang umiyak. Ikaw, nasasaktan kasi sinasaktan ka ng boyfriend mo! Sorry Donna ha! Mahal kasi kita eh!'
A-anong ibig sabihin nun?
Naguguluhan ako.
Ma-mahal niya ko?
*FB Notification*
Ringgo
3 minutes agoMinsan na nga lang ako magseryoso, nagkaganto pa? Tsk.
---
To be continued...
