Naaalala mo pa ba?
Yung panahong nawawala ako? Bago lang kasi ako sa eskwelahang pinapasukan natin. Ikaw ang tumulong sakin noon. Lumapit ka sakin at sinabing,
"Miss, bago ka lang ba? Mukha kasing nawawala ka. Saan ba section mo? Ihahatid na kita," nakangiting sabi mo sa akin noon. Nahihiya akong tumango. Hindi naman kasi ako sanay na may kumakausap sakin, dahil nga nerd ako. Wala naman may gustong makipag kaibigan sa mga katulad ko. Kaya nasanay na 'rin akong mag-isa lang.
Pero ikaw, hindi ka nag-dalawang isip na lapitan ako. Tinulungan mo pa 'rin ako kahit na ganito lang ako.
"Ako nga pala si Ian, ikaw?" nakangiting tanong mo sakin at inilahad mo ang iyong kamay. Napansin ko nga lagi kang nakangiti. Hindi pa kita nginingitian noon, dahil nahihiya ako sayo. Ang gwapo mo kasi lalo kapag nakangiti, parang hindi ko deserve na lumapit sa isang katulad mo.
"Mica." nakayukong sabi ko at inabot ang kamay mo.
Inaya mo ako, sabi mo sabay na tayong kumain. Wala kang pakielam sa mga taong nakapaligid satin kahit na pinagtitinginan na tayo at pinag-uusapan. Basta nakangiti ka lang habang sabay tayong naglalakad.
Hindi ko alam kung bakit sa loob loob ko ay natuwa ako. Siguro dahil may mga mababait pa palang kagaya mo. Pero bakit may takot sa loob ko?
"Wag kang mahiya. Hayaan mo lang sila." sabi mo sa akin. Ewan ko ba kung bakit kapag kasama kita kaya kong balewalain lahat ng sinasabi ng iba.
Lumipas ang ilang taon, third year na tayo. Mas lalo tayong napalapit sa isa't isa. Sabay tayong nagbabasa ng mga libro, nanonood ng anime, at kumakanta. Simula non, nahulog na yata ako sayo.
Iyon nga siguro ang bagay na kinakatakot.
Naaalala mo pa ba?
Nung araw na wala akong masagot sa exam, dahil hindi ako nakapag-review. Puro problema kasi sa bahay ang pino-problema ko?
Pinagpalit mo yung test papers natin, sinagutan mo yung akin kaso biglang pinapasa na yung test paper kaya ayun, bumagsak ka nang dahil sakin. Pinatawag pa ang magulang mo at napagalitan ka pa ng daddy mo.
Naalala mo pa ba?
Tuwing may group project tayo sa malayo, ikaw ang nagpapaalam para sakin para lang payagan ako. Hinahatid at sinusundo mo pa nga ko para siguradong safe ako. Na-trauma kasi ako nung unang alis ko at umuwi ako ng gabi. Muntikan akong ma-rape nung mga lasing sa kanto. Buti na lang at nahanap mo ko.
Naaalala mo pa ba?
Nung namatay yung alaga kong pusa. Iyak ako ng iyak kasi mahal na mahal ko yung pusang 'yon. Bigay sakin ni Papa bago niya kami iwan. Pero nandun ka, sabi mo sakin. "Papalitan ko nalang. Ibibili kita ng katulad non."
Tinupad mo yung sinabi mo at bumili ka ng kahawig 'non.
Naalala mo pa ba?
Nung araw na sinabi mong may liligawan ka? Masakit para sa akin. Kasi alam kong nahulog na ako ng tuluyan sayo.
Tinulungan kita sa panliligaw mo. Kahit na nasasaktan ako. Ilang linggo lang naging kayo na. Ang sakit para sakin na lagi ko kayong nakikitang masaya. Ang sama ko ba? Diba dapat maging masaya din ako para sayo kasi kaibigan kita? Pero bakit ganon? Nasasaktan ako? Ang sakit lang kasi kailangan kong ngumiti para itago yung sakit na nararamdaman ko.
