Clio's POV
"Bakit ka ba kasi naaksidente? Ang tanga mo naman." Sabi ni Briar habang hawak ang scientific calculator ko at nagco-compute.
"Sinadya ko bang maaksidente?" Pabalang na tanong ko habang nagtitipa naman sa laptop para sa written report ko.
"Sumasagot ka pa?" Inambahan niya ako ng kaltok pero inawat siya ni Quinn.
"Kagagaling lang ng ulo niyan, baka maalog." Saad nito kaya natigil si umayos si Briar at tinuloy ang ginagawa.
We're at Quinn's house. Kasalukuyan naming ginagawa ang mga namiss kong outputs. Nagpatulong na ako dahil masyadong marami at kailangan ko na rin agad na makapag-comply. Mabuti na lang natanggal na rin ang cast sa kamay ko. Nakakakilos na ako nang maayos.
"Basta yung deal ha?" Quinn said while facing her laptop doing my other output.
"Yeah. Tumutupad naman ako sa usapan." I assured.
They are not my friends kung tutulungan nila ako nang bukal sa loob. Laging may kapalit, and this time, ang kapalit ay libreng dine in sa restaurant namin for a month. Ang sisiba ng mga 'to. Wala na akong nagawa because I really need their help.
While they are busy, pasimple kong chineck ang phone ko. I read the last message I sent to Miss Fabroa.
Hope you're doing okay, ma'am.
If you need someone, I'm just one
call away. :))That's my last message to her. Marami pa akong message sa kanya pero hindi siya nagrereply o nagsi-seen manlang. I can't approach her personally, lagi siyang may excuse. Siguro, talagang busy, o ayaw lang ng kausap.. o ayaw lang akong makausap.
"Hoy!" Napasigaw ako nang biglang inagaw ni Briar ang cellphone ko. Nagtatakbo ito palayo while Quinn is stopping me. "Isa! Don't read it!" Pigil ko.
Briar suddenly looked at me with straight face. Natigil din ang pagpalag ko kay Quinn.
"What the fuck ka, Clio. You're simping over Miss Fabroa!" She accused me.
"What's wrong with that.." I trailed off. Naglakad ako palapit sa kanya. Hindi na siya umangal nang kunin ko ang phone ko but she stared at me in disbelief. "She's beautiful, smart, and-" bulong ko pa pero naputol dahil sa sinabi ni Briar.
"And she's our professor-your professor." May diing sabi niya.
"Be honest, Clio." Lumapit din si Quinn sa aming dalawa. "What's between you and Miss Fabroa? May dapat ba kaming malaman?" Seryosong tanong nito.
Bihira lang maging seryoso ang mga kaibigan ko pero kapag nagseryoso sila, ibang usapan na. It means that this is not to be taken lightly. Ibig sabihin, alam nila yung damage na pwedeng maging cause ng sitwasyon.
"Wala." Agad na sagot ko. Sabay silang nagtaas ng kilay. "I promise, wala." Ulit ko pa para makumbinsi na sila. Hindi rin naman ako nagsisinungaling dahil wala naman talaga. I was rejected.. that's all.
Umiling si Quinn. "I knew it. May gusto ka sa kanya." She stated. Ni hindi nga 'yon patanong. She was sure of it.
Hindi na ako nakasagot dahil mukhang hindi naman na kailangan. Alam na nila. Dahil sa hindi ko pagsagot ay nabalot kami ng katahimikan. Nabasag ang katahimikan nang mag-ring ang phone ko. My eyes widen.
Miss Fabroa is calling on my messenger app!
Nagtinginan pa kaming tatlo. Their stares are accusing me. Mukhang tuluyan ng nasagot ang tanong ni Quinn.
BINABASA MO ANG
Caged [RWS #1]
RomanceProf x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #2 gxg