CHAPTER 24: THUNDERBOLT

20.4K 594 115
                                    

Clio's POV

"Mom, we have drivers. Pwede naman siyang magpahatid." Wika ko habang nakasunod kay mommy na naghahanda rin sa pagpasok sa trabaho.

"Why bother the drivers if you can go to school together?" Mom counters.

Nauubusan na ako ng rason. Gusto ni mommy na sumabay sa'kin si Cora pero ayoko. Paano kung makita kami ni Vianca na sabay papasok? Hindi pa niya alam ang tungkol kay Cora, and I don't want her to overthink again.

"Mom, it's their job." Pagmamatigas ko. My mom glared at me so I looked down.

"You don't answer me like that, Clio." Mom said in authoritative tone. "Papasok kayo nang magkasama at uuwi kayo nang magkasama." She said with finality before leaving me inside their room.

Kainis. Padabog akong lumabas. Nasa sala si Cora, naghihintay. Sumunod din agad siya sa'kin.

"What's wrong?" Concerned na tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Sumakay ako ng kotse at hinintay ang pagpasok niya.

I started the engine and drove off. Tahimik sa byahe. I think Cora knows I'm in a bad mood so she stopped initiating a conversation, bagay na ikinatuwa ko. The least thing I want to do right now is to talk to her. Kung may gusto akong makausap, si Vianca.

Nakarating kami sa school nang walang nagsasalita. I'm waiting for Cora to move pero para siyang tuod habang nakatingin sa labas. Sinundan ko ang tingin niya. Nagulat ako nang makitang nakatingin siya kay Vianca.

"Gosh, she's pretty." Cora blurted out, mesmerized.

She is. Pero kakaibang kaba ang naramdaman ko nang marealize kung bakit nakatingin sa kotse ko si Vianca. Siguradong hinihintay niya akong lumabas.

"She staring at your car? Do you know her?" Tanong ni Cora.

How can I tell she's my professor and my future girlfriend?

Pauunahin ko bang lumabas si Cora, o ako dapat ang mauna? Mukhang hindi aalis si Vianca hanggang hindi ako nakikitang lumalabas ng kotse. Bahala na.

Lumabas ako ng kotse. Biglang nagliwanag ang mukha ni Vianca pero agad ding nawala nang lumabas ng kotse si Cora. Her eyes landed on mine with confusion. Napalunok na lang ako nang umalis na siya. I'm doomed.

"What was that?" Naguguluhang tanong ni Cora sa inasal ni Vianca.

"I don't know." I shrugged. Sinundan ko ng tingin si Vianca na mabilis ang yapak.

Naglakad na kami papunta sa building namin. My eyes widen when I saw Vianca already sitting on her chair. Ang aga naman niyang pumasok ngayon? At ngayon pa talaga. Shit.

Pinagmasdan niya kaming maglakad ni Cora. As usual, Cora sat beside me. Siya ang umukupa sa isang bakanteng silya sa tabi ko. Napaiwas nalang ako ng tingin kay Vianca. I will explain later.

"Uy, uy. Ano 'yan?" Kantyaw agad ni Briar.

"Makiki-sit in ka?" Quinn asked Cora.

"Hindi. Transferee." Nakangiting sagot naman ng isa.

"I see. Magkaano-ano kayo nito?"

"We're childhood friends."

"Oh." Usal ni Quinn na may halong pang-aasar ang tono. Nakatingin pa sa'kin na animo'y may kababalaghan siyang iniisip. Napailing nalang ako.

"Okay, class. We have a transferee. Please, kindly introduce yourself." Vianca said with her usual professor tone.

Tumayo naman si Cora at nagpakilala. While she's talking, Vianca's eyes landed on mine. What can I do? Nasa classroom kami. Kung kaming dalawa lang dito, kanina ko pa siya nilapitan para makapagpaliwanag. Napalunok nalang ulit ako saka nag-iwas ng tingin.

Caged [RWS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon