NAGING MAAYOS NA sa wakas ang paghinga ni Zoe nang makalayo siya kina Jonathan at Hermi. What was that? Iyon ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang naging epekto sa kanya ni Hermi. Her heart was beating like crazy. She was attracted to him as though she had never seen a tall and handsome guy before.
She knew of him. Si Hermi ang maituturing na pinakakilalang atleta sa panahon ngayon. Hindi lang sa husay nito sa paglalaro kundi dahil na rin nakapaskil ang mukha nito sa kahit na saan.
Herminigildo Kalaw was a brand everyone trusted. Maikabit lang ang pangalan nito sa isang produkto ay siguradong bebenta sa masa, mapababae o lalaki, mapabata o matanda.
Kailangan niyang aminin na kahit na alam niya ang tungkol sa lalaki, hindi pa rin niya ito gaanong pinagtutuunan ng pansin dati. Para kasing magkaibang-magkaiba ang kanilang mga mundo. Hindi rin siya nagkaroon ng dahilan para mag-abala na kilalanin itong talaga.
Nang magkaharap sila ay hindi inasahan ni Zoe ang atraksiyon na nadama. Bigla ang salakay niyon. Hindi siya naging handa at nahirapan siyang itago ang totoong nadarama. The attraction suddenly hit her and she was not ready for it. She didn't know what to do with it. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoon sa isang lalaki. She usually took her time. Hindi instantaneous ang anumang nadama niya sa lahat ng kanyang mga naging ex.
She wanted to stay and talk some more but she had no idea how to deal with this unfamiliar feeling. Isa pa, mukhang hindi sila pareho ng nadarama. Ang sama ng mukha nito na para bang hindi talaga masaya na makilala siya.
Kahit na lukot ang mukha, hindi nabawasan ang appeal nito sa kanya. Para ngang mas sumisidhi ang nadarama niyang atraksiyon. Ano nga ang sabi ng kanyang ina? She was attracted to things and people she couldn't have. She might have been right.
Kaya naman naisip niya na mas magiging wise siguro kung lalayo na muna siya at huwag magpatangay sa atraksiyon. She was in no place to be attracted to someone at this point in her life. She had given up on finding love. Kailangan niya iyong ipaalala sa kanyang sarili.
Nakita ni Zoe ang ilang kaibigan na nagkakasiyahan sa kanilang private cubicle. Natigil siya sa paglalakad at pinagmasdan lang ang mga kaganapan sa kanyang harapan. It was her birthday celebration and some of her friends arranged this kind of fun get-together for her.
Aware siya na hindi lahat ng naroon ay mga totoong kaibigan niya. Dahil kung kaibigan talaga niya ang mga ito, alam ng mga ito na hindi na siya aktibo sa club scene. Two years ago, she would have appreciated this gesture. Hindi pa kasi malinaw sa kanya ang ilang mga bagay-bagay.
Maybe she was just getting old and partying like this got tiring for her. It wasn't as fun as it used to.
Bumuntong-hininga si Zoe. Maybe she was getting tired of not just partying, but generally with the way things were going in her life.
Allowed naman siguro siyang mapagod. She had been working in the showbiz industry since she was a teen. Alam niya na hindi siya dapat magreklamo dahil wala namang pumilit sa kanya. Hindi niya kinailangang magtrabaho. Ginusto niya iyon. Ipinilit niya sa mga magulang.
Ginusto niyang maging artista. Pangarap na niya iyon mula nang magkaisip siya. Gusto niyang matampok sa mga pelikula at palabas sa TV. Gusto niyang maging sikat.
Mababaw na mga pangarap siguro para sa ilang tao, pero ano ang inaasahan sa isang trese anyos? Alam niya na hindi siya katulad ng ilang nakasabay sa pagsisimula. Some of them were breadwinners at young age. May ilan na nagsabi na hindi na siya dapat pang nag-aabala dahil hindi naman niya kailangang maging artista.
Hindi alam ni Zoe kung paano ipapaliwanag ang sarili noon. Masama ang loob niya na madaling nasasabi ng ibang tao ang mga ganoong salita sa kanya at hindi naman talaga alam ng mga ito ang sitwasyon niya. Yes, she was lucky than most. Yes, she didn't need the money.
BINABASA MO ANG
Something Wonderful (Complete)
RomanceThey were two different people from what seemed to be two different worlds. Kumbinsido sina Zoe at Hermi na hindi sila ang laan para sa isa't isa. Pinagbigyan nila ang mga sarili sa isang gabi pero nagpasya na maghiwalay na nang landas pagkatapos. T...