Chapter Fifteen

686 44 7
                                    

"YOU'RE TAKING ME to your room?" nababaghang sabi ni Zoe kay Hermi habang hila-hila siya nito papasok sa master's bedroom. Sa loob ng dalawang linggo na naroon siya ay hindi siya nangahas na pumasok sa loob niyon. It was Hermi's private space.

Madalas sila sa great room at sa silid ng kambal. Maging ang kawaksi ay hindi pumapasok doon. Si Manang Rose lang ang nakakapasok pero para kunin lang ang mga labahin.

"You would love the closet space," tugon ni Hermi na ikinatawa ni Zoe.

Iniikot niya ang paningin pagpasok sa loob. The master's bedroom had a massive space. Walang gaanong furniture sa loob kundi kama, isang munting bedside table at isang recliner. Wala ring gaanong abubot sa pader kundi isang malaking flat-screen TV. The room needed some good paintings.

Dahil nabanggit ni Hermi, sinilip na niya ang walk-in closet. She gasped. Malaki at malawak nga iyon. Sa sobrang laki ay wala pa sa kalahati ang may laman. Kaunti lang ang mga damit ni Hermi pero maraming sapatos. Ipupusta niya na marami sa mga iyon ay limited edition.

"We all have something in common," naliligayahang anunsiyo ni Zoe. "We all love shoes. It's going to be a riot when we all shop together."

Natawa si Hermi. Ipinaikot nito ang mga bisig sa kanya. "What do you think?

"It's amazing. Kung sinuman ang gumawa nito, kailangan ko ng numero niya. I love it."

"I'm hoping isa sa mga araw na darating ay makikita ko ang mga gamit mo sa mga bakanteng shelf. Kung hindi kakasya ang lahat, puwede akong magpagawa ng panibago."

Natigilan si Zoe. Hindi niya sigurado kung tama ang dinig at intindi niya sa sinabi nito. "Hermi..."

"On board ako sa gusto mong slowing down a bit. Pero gusto kong maging malinaw ngayon pa lang na umaasa akong maninirahan ka na rito nang permanente sa hinaharap. Umaasa ako na maging maayos ang lahat, na kakayanin natin ang lahat ng mga pagsubok na darating. Aaminin kong natatakot pa rin ako sa ilang bagay, pero hindi ko na hahayaan na mahadlangan ng takot na iyon ang kaligayahan nating dalawa. Susugal ako. Lalaban. Pagsusumikapan kong maging mabuting lalaki para sa 'yo. Pagsusumikapan kong maging tamang lalaki na mamahalin at kakailanganin mo. I want us to be a family someday."

"I want that, too," naluluha niyang tugon.

"I had this house after my wife died. Everything in here is new. I've always been alone here."

"It's okay, Hermi. You loved her and you had a wonderful time with her. I'm thankful for her. Kung wala siya, wala ang kambal. She's a part of our lives. She will always be an important part of our lives."

Hinagkan uli nito ang kanyang sentido. "Thank you. Pero I'm trying to tell you about this closet. Wala sa plano kong lagyan ng ganito kalaking closet ang master's bedroom. I won't need it. Pero sayang naman kasi ang space at wala na akong ibang maisip na paggagamitan kaya hinayaan na lang. Sige, gawin ng closet. Hindi ko naisip na makakakilala ako ng isang babae na mangangailangan ng ganito kalaking closet. Do you think it's fate?"

Zoe giggled. She truly adored this man. "Ang closet na ito talaga ang pinakabentahe mo. I can imagine my stuff in here already."

"You should start stocking up." He looked so serious.

"Slowing down a little bit, my love." Hindi niya hinayaan na matensiyon ang katawan nang mabatid kung ano ang nanulas sa kanyang mga labi.

"I have something for you."

Nadismaya si Zoe sa ganoong tugon ni Hermi pero hindi niya hinayaan na makita nito iyon. Hindi niya sigurado kung iyon ang tamang panahon para pag-usapan ang L word. Iyon ang huling gabi niya sa bahay nito. Bukas ng umaga ay babalikan na niya ang magulong mundo.

Something Wonderful (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon