"I'M SORRY KUNG medyo napaghintay kita."
Nginitian ni Zoe si Hermi. Kababalik lang nito sa sasakyan. Inihatid nila sa eskuwela ang kambal. Wala silang driver sa pagkakataon na iyon. Pilit siya nitong isinama. Wala rin naman daw siyang gagawin. Para raw may kasama ito sa pagmamaneho pauwi. Pumayag siya sa kondisyon na mananatili siya sa loob ng sasakyan. Hindi siya maaaring bumaba habang inihahatid nito hanggang sa classroom ang kambal. Baka may makakilala sa kanya at hindi pa siya handang magpaka-artista.
Ipinaliwanag niya kay Hermi ang ibig sabihin ng "magpaka-artista" habang nasa daan sila patungo sa eskuwelahan. Abala ang kambal sa kani-kanilang iPad sa backseat. "May certain expectation ang mga tao sa mga artista. Dahil artista ka, dapat palagi kang nakangiti sa mga tao. Palaging pleasant. Kapag nasa labas, hindi pupuwedeng magmukha kang katulad ng iba. Hindi puwedeng lutang ka. Kailangan laging pleasant ang mukha mo. Otherwise, masasabihan kang masungit at snob. Minsan ay hindi ko alam kung paano in-expect ng mga tao na palagi kang nakangiti at pleasant. Parang nakakalimutan nila na tao ka rin paminsan-minsan. But this is what I signed up for. I wanted this life. So I have to live with it. Sa ngayon ay hindi ko kayang magkunwari na pleasant ang lahat. Hindi ko kayang ngumiti sa mga stranger. I don't have the energy to be a celebrity."
Naunawaan naman ni Hermi ang paliwanag na iyon. Hindi na siya bumaba sa sasakyan pero sandaling niyakap ng kambal ang kanyang leeg bago bumaba ng sasakyan. They told her they'd see her later. That sweetness just warmed her heart. Namasa pa nga ang kanyang mga mata.
Pinanood niya si Hermi habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak habang papasok sa eskuwelahan. Masaya ang kambal na maihatid ng ama.
"Hindi ka naman gaanong nagtagal," tugon ni Zoe sa sinabi ni Hermi.
Hindi nito kaagad pinaandar ang sasakyan, pinagmasdan pa nito ang preschool. "The first day they went to a proper school, I asked for a day off—I begged my coach actually. Ipinaliwanag ko na first day ng kambal sa school at dahil may mga anak din, naintindihan niya ako. It's hard for me, too. Nagde-daycare na sila pero iba pa rin pala ang talagang school. Hindi ko maipaliwanag ang worry. Inihatid ko sila sa school at nag-stay ako sa parking lot na ito hanggang sa matapos ang klase nila."
"You're a good father, Hermi."
"I try."
"Kung hindi nawala sa atin ang baby, I'm sure you'd love him."
"Zoe..."
"Hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi mong naibigay mo na ang lahat sa kambal. I think you'd love him or her just as much. On his or her first day of school, mananatili ka rin sa parking lot hanggang sa matapos ang klase."
Namasa ang mga mata ni Zoe. Nabatid niyang pinaniniwalaan niya ang mga sinabi. Walang paraan para makasiguro talaga pero malakas ang kanyang pakiramdam na mamahalin din nito ang magiging anak niya. Kahit na sandali pa lang, nakita niya ang lalim ng pagmamahal nito sa mga anak. Pagmamahal na hindi nito ipagkakait sa anak nila. Nakita niya na isang mabuting tao ang binata.
"Hindi mo 'ko pag-aaksayahan ng panahon kung wala ka nang kakayahang magma—magmalasakit. You're a good man."
"Hindi mo ba naisip na baka nagi-guilty lang ako?"
"I'm sure you feel bad for what happened. You feel bad for me. But you're still a good father. Our child would've loved you so much. He or she would love to have you as his or her daddy."
Ilang sandali na mataman nitong pinagmasdan ang kanyang mukha bago nagsalita. "You'd be a great mother. He or she would love to have you as her or his mommy."
Ganap nang kumawala ang luha sa kanyang mata. Kaagad iyong pinahid ni Hermi.
"Do you think he or she is happy? Nasa heaven siya, right?"
BINABASA MO ANG
Something Wonderful (Complete)
Roman d'amourThey were two different people from what seemed to be two different worlds. Kumbinsido sina Zoe at Hermi na hindi sila ang laan para sa isa't isa. Pinagbigyan nila ang mga sarili sa isang gabi pero nagpasya na maghiwalay na nang landas pagkatapos. T...