KAHIT NA GUSTONG kaagad na bumalik ni Hermi kay Zoe, hindi niya magawa dahil sa trabaho at commitment. May practice siya at laro. Medyo distracted siya at hindi iyon nakalampas sa ilang coaches. They had asked what was wrong with him and had told him he should get over it as soon as possible. Bahagya niyang ikinainis ang ganoong treatment. Parang masyadong harsh. Pero naunawaan din naman niya na ginagawa lang ng mga ito ang trabaho at kailangan niyang gawin ang kanyang trabaho.
Kahit na napakahirap gawin, pilit niyang itinuon ang buong atensiyon sa mga kailangang gawin. He had to be at his best. They needed another championship. It didn't matter that they had won so many already. They needed a grandslam.
Pagkatapos ng bawat practice at game, tinatawagan niya si Zoe. Hindi nito sinasagot ang mga tawag na iyon. Lalo siyang nag-aalala. Hindi niya gustong mag-isa ang dalaga. Hindi niya gustong isipin nitong pinabayaan na niya ito at hindi siya tumupad sa pangako. Lalo niyang naramdaman ang pagiging helpless.
Sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makahinga pagkatapos ng tatlong araw na kaabalahan. May dalawang araw siyang off. Nagpasya siyang dumaan kay Zoe bago siya umuwi pagkatapos ng game niya nang gabing iyon. Hindi siya mapapakali sa pag-aalala. Habang nasa daan ay sinubukan niyang tawagan ang dalaga.
May sumagot sa phone sa pagkakataon na iyon. Sandali lang siyang nakahinga nang maluwag nang marinig ang tinig ng isang babae na sigurado siyang hindi kay Zoe.
"Hello? This is Zoe's number," aniya, puno ng pagtataka ang tinig.
"It's Charlotte," anang nasa kabilang linya. "Zoe's friend. Do you remember?"
"Yes." Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para sa proper introduction pero naalala niya ang kaibigan ni Zoe. Nagpapasalamat siya na hindi pa ito umaalis. Hindi niya gustong mag-isa si Zoe. "How is she? Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko."
"She's..." Bumuntong-hininga si Charlotte bago nagpatuloy. "She's not okay. She's not eating and sleeping. Nasa kama lang siya palagi, madalas na umiiyak. Normally, hindi ako nagdi-disclose ng mga ganitong info sa isang taong hindi ko gaanong kilala. But you are—were the baby daddy and I saw you're concerned about her. I need to go. May kailangan akong ayusin tungkol sa trabaho. Inako ko ang ilang responsibility sa kompanya. I have to deal with the lawyers and the lawsuits. I don't want to leave her alone. Sa ngayon ay ayaw niyang makasama ang mga dating yaya at staff niya. She doesn't trust any of them. She can't be alone. I think you're the only person she can tolerate to be with right now. I'm so sorry for dumping this on you."
"I'm on my way."
"Thank you."
Kaagad na nakabuo ng pasya si Hermi. Hindi niya sigurado kung iyon ang tamang dapat na gawin pero wala siyang gaanong pakialam. Saka na siya gaanong mag-iisip. Ang mahalaga sa ngayon ay si Zoe.
Si Charlotte ang nagbukas sa kanya ang pinto.
"Nasa kuwarto siya."
Sinimulan ni Hermi ang paghakbang patungo roon. "Help me pack a bag. Iuuwi ko si Zoe sa bahay ko."
"Wait, what?" bulalas ni Charlotte.
Naudlot ang pagkatok ni Hermi sa pinto ng silid ni Zoe. "I'm taking her home with me," sabi niya sa marahan at seryosong tinig.
Umiling si Charlotte. "Magandang ideya ba iyon?"
"Hindi ko alam. Pero alam kong gusto ko siyang maalagaan. Hindi siya puwedeng mag-isa. She's being too hard on herself right now. Hindi natin masiguro kung ano ang magagawa niya. Patuloy niyang pababayaan ang sarili niya. Tapos na siya sa pagiging mag-isa. We can't leave her alone."
"Agreed. Pero parang hindi pa rin magandang ideya ang gusto mo. Hindi ka niya kilala. Hindi ka—"
"I will take good care of her."
BINABASA MO ANG
Something Wonderful (Complete)
RomanceThey were two different people from what seemed to be two different worlds. Kumbinsido sina Zoe at Hermi na hindi sila ang laan para sa isa't isa. Pinagbigyan nila ang mga sarili sa isang gabi pero nagpasya na maghiwalay na nang landas pagkatapos. T...