MAY DALANG driver si Hermi. May katamaran siya sa pagmamaneho minsan. Madaling mag-init ang ulo niya sa traffic at siya ang nasa likod ng manibela. Ayaw niyang nadadala ang inis o init ng ulo sa practice o laro. Kaya niyang maging kalmado kahit na bad trip siya talaga pero magiging off ang paglalaro niya. Kaya naman pinagbigyan niya ang sarili sa luxury ng pagkakaroon ng driver. Gusto niya na relaxed siya pagtuntong sa court. Gusto rin talaga niyang mabigyan ng trabaho ang isang pinsan mula sa probinsiya.
Nagpasya siyang buksan ang kanyang social media habang nasa daan. Wala siyang intensiyong maging aktibo sa social media pero sinabi sa kanya na ganoon na ang kalakaran sa mga panahong ito. Parte na ng buhay ng bawat tao ang social media. Mayroon siyang "brand" sa ayaw man niya o gusto, nauunawaan man niya ang term o hindi. Kasama sa trabaho niya ang social media.
Ang kanyang PR company ang madalas na nag-a-update ng mga account niya. Hanggang sa maaari ay ayaw niyang nailalagay ang litrato ng kanyang kambal. Off limits ang kanyang mga anak, nilinaw niya ang bagay na iyon sa simula pa lang. Hindi niya i-exploit ang kanyang pagiging ama o single parent. Hindi rin niya tinanggap ang kahit na anong offer na commercials kasama ang kanyang kambal. They could exploit him in any way they wanted, but his kids would always be off limits.
Trending pa rin si Hermi. Gusto niyang mapaungol kahit na sabihin ng kanyang PR na magandang bagay ang mga nangyayari. Ayon sa kanyang manager ay inihahanda na nito ang sarili sa pagdagsa ng mga offer. Kailangan daw nilang samantalahin ang pagkakataon. Hindi niya sigurado kung ano ang iisipin. He wanted work, hindi siya magsisinungaling. Kailangan niyang mas makapag-impok para sa kinabukasan nina Dreasia at Denisia. Pero talagang hindi komportable ang kanyang pakiramdam. Umasa siya na may mangyaring mas kapana-panabik sa ibang celebrity para kaagad siyang maibaon sa limot.
Isang article ang bigla na lang nagpapreno sa mga daliri ni Hermi sa pag-scroll. Hindi niya sigurado kung dininig kaagad ang dasal niya. Hindi rin niya sigurado kung ikatutuwa niya ang bagay na iyon. Binuksan niya ang article at sinimulang basahin.
Zoe Arcilla filed a case against a trusted friend who stole millions from her...
Magsisinungaling si Hermi kung sasabihin niyang hindi niya inisip o patuloy na iniisip ang dalaga. Halos hindi mawala si Zoe sa kanyang isipan. Maging sa kanyang panaginip ay kasa-kasama niya ang dalaga minsan.
He had wanted to reach out. Maraming beses na niyang kamuntikan na ginawa at halos hindi niya mapigilan ang sarili. Madalas niyang sabihin na magkaiba silang dalawa. Hindi uubra ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya handa sa isang relasyon. Hindi niya alam kung kaya niyang maging bahagi ng mundo nito, o kung kaya nitong maging bahagi ng kanyang mundo.
Also, they had an agreement.
Ayon sa artikulo ay nagtiwala si Zoe sa maling tao. Her finance manager and also a friend stole millions from her. His heart ached for her. Nainis pa siya sa ilang insensitive comments sa artikulo. May ilan na nagsabing walang anuman naman daw ang mga milyon na nawala dahil mayaman na masyado si Zoe. Isang heredera. Baka hindi man daw nagkaroon ng dent ang kayamanan nito sa mga milyon na nawala.
Hindi talaga maintindihan ni Hermi ang takbo ng pag-iisip ng ibang mga tao sa panahon ngayon. Kahit na ano ang estado ng isang tao, hindi iyon dapat na pinagnanakawan. Kahit na gaano pa kahirap ang buhay, hindi dapat nagnanakaw.
Walang gaanong detalye ang nakalagay sa artikulo. Hindi rin nagbibigay ng anumang komento si Zoe. Siguro ay dahil nakasampa na ang kaso at pinayuhan ang magkabilang panig na huwag magsalita sa media tungkol doon.
Naramdaman na naman ni Hermi ang kagustuhang kontakin si Zoe. Parang nagkaroon siya ng dahilan para mag-reach out. Maaari siyang mangumusta. Maaari rin siyang mag-alok ng tulong kahit na hindi talaga niya alam kung ano ang maaari niyang maitulong.
BINABASA MO ANG
Something Wonderful (Complete)
RomanceThey were two different people from what seemed to be two different worlds. Kumbinsido sina Zoe at Hermi na hindi sila ang laan para sa isa't isa. Pinagbigyan nila ang mga sarili sa isang gabi pero nagpasya na maghiwalay na nang landas pagkatapos. T...