Chapter Five

650 40 7
                                    

Seven weeks later...

"THANK YOU."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Hermi sa pagbating ganoon ni Mia. "Don't run," bilin niya sa mga anak na papasok sa Haven bago niya binalingan ang kaibigan. Dreasia and Denisia didn't run but they walked really fast. Napailing-iling na lang siya.

"You're welcome. Pero para saan ang pasasalamat mo?" Nang mawala sa kanyang paningin ang mga anak ay ganap na niyang naharap si Mia.

"For playing with your nails painted on. Salamat din sa sinabi mo sa interview."

Napangiti si Hermi. "Maliit na bagay."

"Everyone is raving about you. Your interview went viral."

Ikinibit na lang niya ang balikat dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang totoo ay nailang siya sa pagiging viral niya ngayon sa social media. Naiilang siya sa mga papuri at magagandang mga salita. Parang pakiramdam niya ay hindi siya nararapat sa mga ganoong papuri. Ginawa naman kasi niya iyon para makatulong, para maging malinaw para sa iba ang isang sitwasyon. He just wanted people to stop bullying each other. He just wanted people to stop hurting other people.

Hindi niya sinabi ang mga sinabi dahil gusto niyang makita ng lahat kung gaano siya kabuti. Hindi niya gusto na halos ituring na siyang santo. Hindi na nga niya matagalan ang mga ganoong biro o minsan ay patutsada mula sa ilang teammates sa locker room. Mga teammate na pinagtawanan muna siya bago siya pinuri.

"That means so much to me. Luis painted his nails again."

Napangiti si Hermi. "I'm glad he's feeling so much better."

Anak ni Mia si Juan Luis. Kaedad ng kanyang kambal at matalik na kaibigan mula nang ipagkatiwala niya ang mga ito sa Haven, isang daycare na pagmamay-ari ni Mia. Magkaklase rin ang mga bata sa preschool. Pinili niya ang preschool na iyon para mapalapit sina Dreasia at Denisia sa mga kaibigan at para maging madali kay Mia ang pagsundo sa mga ito. Sa Haven din kasi ang hantong ng mga ito pagkatapos ng preschool.

Katulad niya ay single parent din si Mia. May ilang mga nagsasabi na kaya "malambot" daw si Juan Luis ay dahil ang ina lang ang mayroon ang bata. Sa palagay niya ay offending ang ganoong mga salita. Alam ng mga tao na mahirap maging single parent pero hindi talaga alam ng lahat kung gaano kahirap hanggang sa hindi nararanasan mismo. Mas nauunawaan niya si Mia hindi lang dahil sa pareho silang single parent kundi dahil madalas din niyang marinig na kaya "hindi mahinhin" kanyang kambal ay dahil siya lang ang nagpapalaki sa mga ito.

His daughters detested pink. Itinatapon ng mga ito ang anumang regalong sa kabuuan ay pink and girly, kagaya ng frilly dresses at tiaras. They didn't even own a pink Converse and they loved Converse. Iyon lang ang mga sapatos na gustong isuot ng mga ito. May pagkakataon na kailangan nilang dumalo sa isang kasal at ibinili niya ng magandang bestida ang mga ito. Sinabi niya na kailangang nakabestida at pinagbigyan naman siya, pero masama ang tingin ng mga anak sa kanya the whole time na pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasamang magulang sa buong mundo.

Tomboy. Iyon ang tawag ng mga tao sa kanyang mga anak. Most thought it was adorable. Some would tell him he should find someone to be their mother. Para hindi raw lumaking siga. Hanggang sa maaari ay ayaw niyang ma-offend. Ngingiti lamang siya kahit na sa totoo lang ay naiinis siya.

Some people were thinking something was wrong with his kids, kahit na hindi iyon lantaran na sinasabi sa mukha niya. Walang masama kung mas galawgaw kaysa sa ibang batang babae ang kambal. Hindi rin naman big deal kung ayaw ng mga ito ng pink at bestida. They were unique individuals who knew what they wanted. Hindi kailangang sumunod ng mga ito sa sinasabi ng society na dapat. Ang mahalaga lang para sa kanya ay maligaya at malaya ang kanyang girls.

Something Wonderful (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon