Georgina's POV
Hayyy! Pasukan na... I'm sad and happy. Sad kasi... Maiiwan ko na naman si mama mag-isa rito sa bahay. Masaya kasi... Malapit na graduation. Tiyaga lang, sakripisyo lang, matutulungan ko rin si mama in the near future.
"Ma, mami-miss kita."
"Ano ka ba? Hindi ka pa nga nakakaalis miss mo na ako?"
"Eh pa'no, 'pag alis ko rito school at sa dorm lang ako. Tsaka miss ko moments natin."
"Hindi bale, hayaan mo kapag nakapunta ako sa Quezon, pasyalan kita."
"Talaga?"
"Oo naman. Sige na, bumyahe ka na para makapagpahinga ka agad."
"Ingat ka riyan, ma. Lagi kitang ivi-video call."
"Oo. Ikaw din, ingat. Love you!"
"Love you too, maaa." Niyakap ko siya ng mahigpit dahil mamimiss ko talaga 'tong mama ko.
"Sige na, baka wala ka ng masakyan."
Hinalikan ko na siya sa noo saka na ako umalis.
Claire's POV
It's kinda sad but it's all for her. Konting panahon na lang at malapit na siyang mag-graduate. At least masaya ako na may pupuntahan ang lahat ng pagod ko.
Jack's POV
Nakauwi na kami sa Quezon ni Anton dahil pasukan na kinabukasan.
"Handa na ba lahat ng mga gamit mo sa pasukan?"
"Opo, tito kumpleto na po lahat."
"Okay, good."
Georgina's POV
Finally!!!! Back to school na ako hihi. New classmates, new friends and new profs.
Konting tiis na lang ga-graduate na ako.
Honestly, pangarap ko talaga 'tong maka-graduate ako ng college tapos kapag graduation na kasama ko sina mama at papa sa stage. Kaso mukhang malabong mangyari 'yon. Anyways, move on na tayo.
Jack's POV
Naisip ko na hanapin ang social media ni Claire baka sakaling may makita akong mahalaga.
Ang daming Claire Francisco ang pangalan.
Tiningnan ko isa-isa.
Nakuha nito ang atensyon ko dahil camera ang profile picture niya. Siya na nga kaya 'to? Wala akong makitang impormasyon tungkol sa kanya dahil naka-lock ang profile. Ano ba naman 'yan?
I-message ko kaya?
O kaya gumawa ng account?
Bago ako gumawa ng fake account, nag-search muna ako sa Facebook baka may makalap.
Then, I saw something interesting. Freelance photographer na pala siya ngayon. She pursued her dream.
May page rin siya para sa mga clients na gustong magpakuha ng mga larawan sa kanya. Nakalagay din do'n ang contact number.
Sinubukan kong tumawag sa number na 'yon.
Luckily, sumagot.
"Hi, this Claire Francisco, how may I help you?"
"Where are you located? I just want to ask you if you can do photography here in Quezon?"
Claire's POV
The voice sounds familiar huh?
"May I know your name, please?"
"Jack Fernandez."
Pinatayan ko ng tawag ang kausap ko. He doesn't deserve my time.
Jack's POV
Pinatayan ba naman ako ng tawag?
Matawagan nga ulit
Haaay! Mukhang naka-block na number ko.
Georgina's POV
Kagagaling ko lang sa library at kumuha ako ng mga gagamiting libro.
Busy ako sa pag-tingin sa mga pictures na sinend sa'kin ni mama.
Ang galing niya talaga kumuha ng mga larawan. So, proud of you, mom.
Sa paglalakad ko may nakabanggaan ako kaya nabitawan ko lahat ang mga libro na hawak ko.
"Nako! Miss, sorry, hindi ko sinasadya." Tinulungan niya akong damputin ang mga libro saka inabot sa akin.
"Okay lang, hindi naman din ako nasaktan. Sige ha? Aalis na ako. Salamat."
Few moments later...
Nasa loob na ako ng classroom at nakita kong kapapasok lang nung lalaking nakabanggaan ko kanina.
"Nandito ka rin? Magka-klase pala tayo... By the way, I'm Anton Rodriguez."
"Ako nga pala si Georgina Francisco."
"Pwede bang diyan na ako sa tabi mo?"
"Sure. Sige."
Mag-start na ang klase for a minute. Nagpapakilala pa isa-isa.
Jack's POV
Wala ng ibang paraan para makausap ko si Claire kaya gumawa na lang ako ng dummy account.
Claire's POV
May nagpaparamdam mula sa past. Nagmumulto ang loko.
Calling from unknown number...
"Hi, this is Claire Francisco, how may I help you?"
"We have birthday party for my daughter. I just want to ask if you're available to photograph the party?"
"Uhmmm, where are you located?"
"Dito lang sa Makati. I'll send you the complete address and details."
"Okay, sir, I'll wait you to send it. Thank you."
So, the costumer send the whole details.
Few days later...
I'm here at Makati, what a wonderful birthday party...
May chocolate fountain, balloons are everywhere, daming handa nagutom tuloy ako.
"Kumain ka muna bago mag-take ng pictures, Ms. Claire."
"Ah sige, salamat."
Galing 'di ba? Busog na naman ang tiyan! Dami pa naman favourite rito ni Georgina sayang 'di nakasama.
Pagkatapos kong kumain nag-take na ako ng pictures.
Isa-isa ng nagpakuha ng letrato ang pamilya ng celebrant. They look so happy. Sana all na lang ako but that doesn't mean na malungkot kami ng kami lang ni Georgina.
YOU ARE READING
One Word to Forever
FanfictionKung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin siya? Para sa kapakanan at ikakaligaya ng anak mo, handa ka bang sumugal ulit sa iisang tao na nagparamdam sa'yo ng sakit at pighati?