Seven

106 2 0
                                    

Georgina's POV

@School

"Georgina!" Tawag ni Anton habang hinahabol ako kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Oh bakit?"

"Niyayaya ka ni tito Jack. Gusto ka kasi niya makilala at nakwento rin kita sa kanya."

"Para saan?"

"Para nga makilala ka."

"Hindi ako sigurado kung makakapunta ako eh. Pero titingnan ko, aalis kasi si mama this week, walang magta-tao dun sa bahay."

"Eh wala ka pa lang kasama roon bakit ka pa uuwi?"

"Baka kasi maglinis na rin ako ng bahay."

"Pero, ano, sasama ka ba?"

"Kailan ba 'yan? Magagalit si mama eh."

"Wala ka namang ginagawang masama kaya hindi magagalit 'yon."

Claire's POV

So, I'm ready to go. Nakaabot na pala sa ibang bansa ang talento ko sa pagkuha ng mga larawan.

BTW, ilang araw na lang pupunta na ako sa NYC pero sandali lang naman 'yon kaya wala akong dapat ipag-alala.

As of the moment 8 pm na. This is my rest time habang naka-pending pa ako going to New York.

Scrolling on my screen habang nagka-kape.

Jack's POV

May lakas na ako ng loob para kausapin si Claire tungkol sa anak namin.

So, I decided to call her.

"Hello?" -Claire.

"Can I speak to Ms. Claire?"

"Speaking and who's this?"

"Claire, pwede ba tayong magkita? May pag-uusapan lang tayong mahalaga."

"Who's this?"

"Ako 'to si Jack. Ite-text ko na lang kung saan tayo magkikita. Kapag hindi ka sumipot, ako ang pupunta sa'yo. Don't worry nasa Makati ako kaya mabilis lang ang biyahe mo."

Claire's POV

"Kapal naman ng mukha ng lalaking 'yon. Parang sinabi niya na wala akong choice kung 'di sumipot."

He already texted me kaya nag-ayos muna ako at nagpunta na sa isang restaurant dito sa Makati.

Few moments later...

Kaharap ko na ngayon si Jack. Sumakit na agad ang ulo ko nang makita ko siya. Paano pa kaya sa sasabihin niya?

"Okay... So, what do you want?"

"Gusto kong makilala ang anak natin."

"Wow... So, naisip mo na pala na may anak ka. After 23 years ha? Himala."

"I know malaki ang naging kasalanan ko kaya nandito na ako para punan ang mga pagkukulang ko sa inyo."

"And you think na kailangan ka pa namin?"

"Kailangan ng anak mo ang pagmamahal ng isang ama."

"Dati kailangan niya. Pero ngayon hindi na. 23 years siyang walang kinikilalang ama tapos ayan ka bigla kang babalik? Para saan?"

"Calm down. I'm very sorry sa nagawa ko. Hihintayin ko na mawala ang galit mo sa'kin pero sana huwag mong ipagkait sa'kin ang anak ko."

"Ikaw mismo ang lumayo kaya paanong ipinagkait ko siya sa'yo? Inilalayo ko lang siya sa'yo dahil ayo'ko na umasa siya."

"Kung hindi kita mapapakiusapan, siguro kailangan na dahil ito sa husgado para malaman kung sino ang may karapatan."

"Ang kapal naman ng mukha mo! Seriously? May lakas ka pa ng loob na dalhin sa korte ang issue? Sige, para magkaalaman na. Pero para sabihin ko sa'yo, napalaki ko ng maayos ang anak ko ng wala ka at hindi ka namin kailangan. Kaya sige, magkita tayo sa korte."

Umuwi na lang ako dahil nasira na ang gabi ko dahil sa kanya. Ang kapal talaga.

Kinabukasan...

Nagising lang ako sa ring ng cellphone ko dahil sa tawag ni Georgina via video call.

"Good morning, ma. Kagigising mo lang po yata."

"Yeah, 'cause I wasted my time to a stupid client last night."

"Ano pong nangyari?"

"Eh hindi kami nagkasundo sa price na gusto niya. Ang yaman yaman tapos kuripot."

"Hayaan mo na 'yon, ma. Remember, may trip to America ka."

"I know. Kaya ingat ka riyan ha? Saglit lang ako roon pero mamimiss kita."

"Palagi rin naman po kitang miss. Kung wala lang po akong pasok sasama talaga ako."

"Marami pa naman next time."

"Ah, ma? May ipagpapaalam lang po sana ako."

"Ano 'yon?"

"Si Anton, kilala niyo po si Anton 'di ba? Niyayaya raw po ako ng tito niya sa bahay nila para makilala ako."

"What are you gonna do?"

"Pwede po ba akong pumunta?"

"Sige, pero once lang ha? Focus on your school."

"Opo, ma. I love you."

Georgina's POV

Magkatabi kami ng upuan ni Anton.

Exam namin ngayon kaya nagre-review ako.

"Kamusta? Okay ba sa'yo na makilala ka ni tito?"

"Oo naman."

"Saan ba siya nakatira?"

"May bahay siya rito sa Quezon."

"Ah, ok. Sige, mag-review na ako."





One Word to Forever Where stories live. Discover now