Twenty two

91 3 2
                                    

Claire's POV

So, hindi nga talaga umalis ang mokong!

Everything is set. Kailangan ko pang magpunta sa school ni Georgina...

"Saan ka pupunta?"

"Kailangan ba na lahat ng lakad ko alam mo? Baka nakakalimutan mo, tatay ka lang ni Georgina kaya tayo magkausap ngayon. May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na, aalis na ako."

"Sasamahan na kita."

"Hindi na. Ano ba?"

Kinuha ko lahat ng gamit ko at umalis na para bumyahe. I left him dahil hindi ko kailangan ng sagabal sa trabaho ko.

Habang palabas ako sa bahay ay napatawag si Georgina.

"Hello, anak?"

"Nasaan na po kayo ma? Malapit na po mag-start ang klase wala pa po kayo."

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na hindi na ako pinapapunta. Okay na raw."

"Sino po nagsabi niyan sa'yo?"

"Edi ang tatay mong magaling."

"Diretso ka na po ba sa trabaho, ma?"

"Oo. Actually, I'm on my way para hindi ako ma-late sa event."

"Sige po, ma ingat ka po. Sayang hindi ako makakasama."

"Okay lang 'yon. Marami pa namang pagkakataon."

"Bye, ma! Start na po klase namin. I love you."

"I love you too."

Few hours later...

Nag-start na ang birthday party.

22nd birthday ng client ko. Pili lang siguro ang mga bisita.

Laurence POV

Kailangan kong makausap si Claire dahil nanganganib ang buhay niya ngayon. Kailangan ko na rin sabihin ang totoo sa kanya kung ano ang totoo kong pagkatao.

Hindi ko alam kung nasa bahay siya kaya pinuntahan ko muna para personal kaming makapag-usap.

Pero pagdating ko sa bahay nila, walang tao kaya tinawagan ko siya.

Tinawagan ko siya ng maraming beses mukhang busy yata siya.

Walang sagot sa mga tawag ko ni isa. Kaya sinubukan ko rin na tawagan si Georgina. Sana sumagot.

Same as Claire, hindi rin sumasagot si Georgina. May klase pa siguro.

Few hours later...

Gabi na ng tumawag sa akin si Claire.

"Hello, Laurence? Bakit ang dami mong missed calls? Is there anything wrong?"

"Kailangan natin magkita. May importanteng bagay lang akong sasabihin sa 'yo."

"Kakauwi ko lang kasi galing work."

"Sige, ako na pupunta riyan."

Claire's POV

Parang kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Sino'ng tumawag?" Jack.

"Si Laurence. May kailangan daw siyang sabihin."

"Pupunta siya rito?"

"Oo."

"Kapal din talaga ng mukha. Kunwaring may sasabihin makapunta lang siya rito."

"Eh ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Hinihintay si Georgina."

"Hindi ka niya dapat makitang nandito lalo na kung tayo lang dalawa."

One Word to Forever Where stories live. Discover now