Six

105 3 0
                                    

Claire's POV

Ano'ng gagawin ko? Ang swerte naman talaga ni Jack gustong-gusto siya makilala ni Georgina.

Kung ako lang hindi ko sila ipapakilala sa  isa't-isa pero tama rin naman siguro si Georgina na nagiging selfish na ako.

Gagawin ko ang gusto niya pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako handa.

"Good morning, ma."

"Good morning."

"Bakit parang ikaw naman po yata nagtatampo ngayon?"

"Huh? Hindi naman ah."

"May work ka po ba ngayon? Sasamahan po sana kita habang nandito ako."

"So far wala. Busy lang ako sa mga ine-edit ko."

"Sorry po pala kung napipilitan ka na gawin ang bagay na ayaw mo. Gusto ko lang po talaga makilala si papa."

"I understand. After all kailangan mo rin talaga siyang makilala. Hintayin mo lang ako na maging ready para makausap siya."

"Hindi naman po kita minamadali. I'm giving you time para maging prepared po kayo na makaharap si papa."

"Salamat naman kung ganoon."

"Ma,may tumatawag po sa phone mo. Baka client na 'yan, naka-silent pa cp mo."

I answered the phone call...

"Hello?"

"Can I speak to Ms. Claire Francisco?"

"Speaking? What can I do for you?"

"Uhmmm, my friend saw all the pictures that was taken by you. So, she has interest with your performance and she wants you to capture the happiest moment in her life. In her wedding."

"May I know you first and can you tell me where is the address of your friend and some details about her?"

"Honestly, she lives in New York City. Well... She'll message you so, you can talk to her."

"You mean... I'll be going to attend her wedding in NYC?"

"Absolutely!"

"Oh! I'm so sorry but I can only do photography here in Philippines."

"She badly wants you to be her photographer. Please?"

"I'll wait her message and I'm going to inform her," then someone popped up on my screen.  "Oh, I think she's the one who sent me a message now."

"Her name is Sabrina Austin."

"Oh, yeah. I see. I'll talk to her."

"Okay, byeee!"

"Sheesh! Ano'ng gagawin ko?"

"Ma! Go for it! International na lumalapit sa'yo. Ibig sabihin, nakarating na sa ibang bansa yung galing mo as photographer. Kaya grab the opportunity."

"Grab the opportunity eh paano ka?"

"Ma, matanda na po ako. I can handle myself. Saka saglit lang naman po 'yun 'di ba? Malay mo mas lalo pang dumami mga kumukuha sa'yo as photographer."

"Sabagay tama ka. Pero kasi wala kang kasama eh."

"Ikaw din naman po eh. Ako bukas aalis na babalik na sa Quezon City tapos maiiwan ka lang dito. Oh 'di kung tatanggapin mo po yung offer sa ibang bansa edi bongga."

"Sayang hindi ka pwedeng sumama."

"Sa susunod po na sa abroad ka magta-take ng pictures sinisigurado ko po na magkasama na tayo."

"Talaga lang ha? Sige, entertain ko muna. Kanina pa nagcha-chat eh."

"Sige po ako na po ang magluluto ng almusal natin."

"Okay, thanks..."

Jack's POV

"Death anniversary pala ngayon ng mga magulang mo hindi ba tayo bibisita sa puntod nila?"

"Ah sige po, daan po tayo."

So, pumunta kami sa puntod ng mga magulang niya.

Para na rin mabisita ko ang nakababata kong kapatid na babae. Mama ni Anton.

Few moments later...

Dinalhan namin ng bulaklak at kandila ang mga magulang ni Anton.

"Ma, Pa, malapit na po ako mag-graduate. Sayang lang po wala na kayo. Pero alam ko po na proud kayo sa'kin. Si Tito Jack hindi niya po ako pinapabayaan. Para na nga ho akong nagkaroon ng pangalawang tatay sa kanya." -Anton.

"Hinabilin ka na sa'kin kaya tinuring na kita na parang tunay kong anak. Besides, pamangkin naman kita. Kaya alam ko na panatag na ang loob nila kung nasaan man sila ngayon."

"Salamat po sa lahat tito."

"Oh tara na. Magbi-biyahe pa tayo."

Umalis na kami sa memorial para makabiyahe na.

Claire's POV

"Kamusta po 'yung nakausap mo?"

"She sent me all the details and... next week na ang wedding. Binigyan niya ako ng oras to go there."

"Mag-absent po kaya ako?"

"Iyan ang huwag mong gagawin."

"New York City kaya 'yon."

"May pasok ka kaya hindi pwede."

"Damot." Sad face.

"Damot ka riyan. Sige na matulog ka na."

"You don't need any help?"

"Hindi na kaya ko na 'to. Patapos na."

"Okieee. Good night, ma. I love you."

"I love you too!"

Pagpasok ni Georgina sa kwarto tiningnan ko ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang contact number ni Jack na nasa block list.

Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko siya or i-text to have communication about Georgina.

Hindi na muna. Saka na.

Tinapos ko na ang pag-eedit ko sa mga pictures at ipri-print out tapos deliver bukas.

Nakaramdam na ako ng antok kaya niligpit ko na lahat ng mga gamit ko at natulog na.

One Word to Forever Where stories live. Discover now