Five

118 2 0
                                    

Jack's POV

Few days later...

"Anton kailangan ko munang bumalik sa farm kaya maiwan na muna kita rito."

"Kung gusto mo po sasama ako. Friday naman po ngayon."

"Wala ka bang kailangan gawin sa school?"

"Wala po. Para naman po may kasama ka sa biyahe."

"Oh sige. Tara na."

Georgina's POV

Umuwi ako sa Makati dahil Friday na at para makasama si mama kahit ilang araw lang.

Pagbukas ko sa pintuan parang may something kay mama. Ang lalim ng iniisip niya at parang katatapos lang umiyak.

"Ma?" Nasa tabi ako ng pinto.

"Oh, anak nandiyan ka na pala. Bat ang aga mo 'di ba bukas ka pa dapat uuwi?"

"Half-day po kami ngayon ma, kaya umuwi na agad ako dahil miss kita eh." Smiled at her.

May nase-sense talaga ako na hindi tama eh.

"By the way, kumain ka na ba?"

"Kanina po bago magbiyahe."

"Baka nagugutom ka sabihin mo lang."

"Hindi po ma. Okay lang po ba kayo?"

"Bakit mo naman naitanong? Ah oo, okay lang ako. Pagod lang siguro at puyat dahil need ko matapos mga ine-edit ko, i-print out ko pa tapos padala sa client."

"Kamusta naman po kayo sa pinuntahan mo? You look upset ma, naaamoy ko talaga. You're not okay. Look at your eyes, umiyak ka po ba?"

"Okay fine... I was so upset dahil may umeksena roon sa party na pinuntahan ko para mag-take ng pictures."

"Tapos? Ano pong nangyari?"

"May nakasama ako sa elevator tapos na stock kami, grabe I don't think that he's a good guy kaya 'di ako mapakali sa loob kasama siya. Buti na lang at agad kaming napuntahan."

"Naku! Ma, kalimutan mo na 'yon. Focus ka na lang po riyan sa ginagawa mo baka magkamali ka pa riyan eh."

"How's your school pala?"

"Okay naman po."

"Uhmmm, ma? Manawagan kaya ako? Hehe."

"Huh? Manawagan saan?"

"Para po kay papa. Baka sakaling bumalik po siya 'pag nalaman niyang may anak siya na naghihintay sa kanya."

"Alam mo, anak... Kung gusto niyang bumalik, noon pa man ginawa niya na at hindi niya pinaabot ng 23 years ang pagtakbo niya sa responsibilidad niya sa'yo."

"Matagal na po ba tayo nakatira rito?"

"Georgina? Stop. I don't want you to see me mad. So, please... Stop asking about him."

Hayssss! Sa gano'ng tono ng boses at pananalita ni mama dapat ng manahimik.

Kung ayaw niya sabihin sa'kin edi ako na bahala magtanong-tanong sa iba.

Claire's POV

I'm sorry for telling lies. I don't mean it. Hindi pa ako handa na sabihin sa'yo ang lahat ng nangyayari. Lalo na ayo'ko mabanggit kahit ano man ang tungkol sa tatay mo.

Bahala na ang tadhana gumawa ng paraan. Kung ako lang, ayo'ko.

Nananaig pa rin ang sakit ng nakaraan.

"Magpapahinga po muna ako."

I nodded.

Jack's POV

Saang Makati kaya sila nandoon ngayon? Mula nung marinig ko na taga Makati City sila hindi na mawala sa isip ko 'yon.

Sige, ang sign para pumunta ako roon ay kapag nagkita ulit kami ni Claire.

"Umuwi ka rito edi walang kasama yung kaibigan mo niyan?" Nag-uusap kami habang nagpipitas ng mga ubas.

"Sino po? Si Georgina?"

"Oo."

"Umuwi rin po siya. Mas nauna nga pong umalis."

"Taga saan ba yun?"

"Hindi ko pa po naitatanong hehe."

"Kamusta naman siya maging kaibigan? Mukhang siya lang kinaibigan mo roon ah? May iba ka pa bang kaibigan bukod sa kanya?"

"Wala po eh. Siya pa lang po yung nagiging kaibigan ko."

"Huwag mo kakaIBIGanin para hindi sayang friendship."

"Naku! Tito, malayong mangyari 'yon. Eh pagkakita pa lang sa'kin para na akong gustong lamunin."

"Talaga? Haha, bakit naman?"

"Maganda po yung mama niya, kaso mukhang istrikto. Nakakatakot.

"Isang araw sabihin mo gusto ko siyang makilala."

"Talaga po, tito?"

"Oo. Para naman makilala ko ng personal."

"Sige po."

"Sige. Pwede mo bang ihatid ang mga prutas sa kabilang barangay? May pupuntahan pa kasi ako."

"Ah opo. Ako na po riyan."

"Sige, salamat. Aalis na ako. Ikaw muna bahala rito."

"Ingat nalang po kayo."

Georgina's POV

Hindi ko alam kung magagalit ako kay mama o iintindihin ko na lang.

Gusto ko lang malaman kung ano pangalan ng tatay ko pero ayaw niyang ipaalam.

"Anak? Georgina?  Hindi ka pa ba kakain? Kanina ka pa hindi lumalabas diyan."

She's knocking at the door.

Hindi ko napansin 8pm na hehe.

"Hindi ka pa ba nagugutom? May nakahain na rito sa mesa kakain na tayo."

"Mamaya na po ako kakain, ma."

"Georgina? What's wrong? Can you open the door?"

"Ma,okay lang po ako. Kaya kumain ka na po riyan."

"Can you just open the door? Mag-usap tayo."

"Georgina?"

"Haysss! Fine..."

So, I opened the door.

"What's wrong with you?"

"Nothing's wrong with me, ma."

"Look at your face nga. Tapos sasabihin mong nothing is wrong with you?"

"Gusto mong malaman?"

"Of course, that's why I'm asking you what's wrong."

"Kasi ikaw po eh. Ayaw mo ipaalam sa'kin ang pangalan ni papa at yung itsura niya. 'Yun lang naman po hinihingi ko eh. Huwag mong tanggalin sa'kin yung karapatan ko bilang anak niya."

"Tinatanggalan ba kita ng karapatan? Inilalayo lang kita sa taong maaari kang saktan ulit."

"No, ma. Sa nakikita ko your being selfish. Oo, tanggap ko na hindi siya magpapaka-ama  sa'kin pero makilala lang ang gusto ko and seems like ikaw ang takot na masaktan ulit, tama po ba ako?"

"What are you saying? Matagal na kaming wala ng papa mo at wala akong balak na balikan siya."

"Yun naman po pala eh. Edi harapin mo si papa at sabihin sa kanya na hinahanap at gusto ko siyang makilala. Sa graduation ko gusto ko kasama ko kayong dalawa."

"Ni hindi ko nga alam san hahagilapin ang tatay mo tapos gusto mo maisama siya sa graduation mo?"

"Just find ways, ma. Maraming paraan kung gugustuhin mo talagang hanapin si papa. Byeee."

Sinara ko na ang pinto dahil antok na ako. Sana sa sinabi ko matauhan si mama.

Love you, ma! :>3

"

One Word to Forever Where stories live. Discover now