Georgina's POV
Nandito kami sa isang party. Kami ni mama ang nag-ayos ng venue at the same time kami rin ang kumukuha ng mga pictures.
Ang pag-aayos namin ng venue nakadepende na 'yon sa mga clients kung gusto nilang kami na mag-ayos pero 'yung pagkuha ng pictures, 'yun talaga gusto ng mga clients.
"Ma, ganda oh." Showing her picture that I took.
"You took a picture of mine while I'm busy."
"Ganda mo kaya, ma." I smiled.
"I know right."
Ang ganda ng garden dito kaya dito nila pina-set up ang celebration or wedding.
Si mama ang busy sa pag-picture sa mga tao habang ako minamarites lang siya.
"Ma, kinasal ba kayo ni papa?"
"What? Bakit naman bigla mong naisip ang tatay mo?"
"Wala lang. Kasi 'yung clients natin kinasal sila, eh kayo po ba ni papa?"
"Well, honestly, hindi. Nung nalaman nga niyang nabuntis ako he left. Iniwan niya ako sa ere. Wala naman din na akong balita ro'n and wala akong pake kung nasaan man siya."
"Ano po pangalan?"
"Mamaya mo na ako i-marites, Georgina, busy pa ako."
Hayyy, ayan na naman si mama sa pag-iwas na sabihin ang pangalan ng tatay ko.
Few moments later...
Natapos na kami ni mama mag-take ng pictures at umuwi rin kami agad.
Pagdating namin sa bahay naghain si mama ng makakain.
"Ma?"
"Hm?" Malapit na matapos sa pagluluto si mama.
"Pwede ba ako magtanong tungkol kay papa?"
"Kung 'yan lang din ang pag-uusapan natin, huwag mo ng alamin."
"Kahit mga basic details lang, ma. Yung pangalan, kung ano'ng mukha niya, kung saan siya nakatira."
"Bakit ka naman naging interesado kung saan siya nakatira?"
"Gusto ko lang siya makilala."
"Kumain na muna tayo at baka mawalan pa ako ng gana. And please, have some respect to me."
Kumunot ang noo dahil 'di ko maintindihan kung ano'ng meaning ng sinabi niya.
"May respeto ako sa'yo, ma. Curious lang ako kung sino yung lalaking nambalewala sa atin. Hindi mo naman deserve na maiwan sa ere. Hindi niya tayo deserve."
"Tama ka, hindi niya tayo deserve. Kaya huwag ka ng mag-aksaya ng panahon para alamin ang pagkatao ng taong nang-iwan sa atin."
"Wala ba kayong pictures nung araw na masaya kayo?"
"Kung meron man, sinunog ko na lahat 'yon."
"May balak ka pa bang mag-asawa, ma?"
Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain.
"Honestly, hindi. Dahil kung mag-aasawa ako tapos katulad lang din siya ng tatay mo, aba'y mabuti ng hindi. I don't want to hurt with different guys but same scenarios."
"Ma, kahit tayong dalawa lang masaya na ako. Kaya habang bakasyon ko sinusulit ko yung time na magkasama tayo at para matulungan din kita sa trabaho mo bilang freelance photographer. Nag-eenjoy din kasi ako ro'n. Ma, isang taon na lang graduating na ako. I will make you proud."
"I'm always proud of you, Georgina."
"Ma, ako na magliligpit ng mga pinagkainan natin. Pahinga ka na sa kwarto mo."
"Sige, salamat."
"Huwag ka magpasalamat sa'kin ma. Normal lang naman 'yun na tulungan ka."
"I'm just blessed to have you." She kissed me on my forehead.
"Good night, sweetie. I love you."
"I love you too, ma."
Jack's POV
"Oh, tonton, malapit na pasukan, malapit na rin graduation ah."
"Oo nga po tito.
"Pero habang wala pang pasok sasamahan mo muna ako rito sa farm. Katapos non, babalik na tayo sa Quezon."
"Bilis nga po ng panahon, 'di ko akalain ng 4th year college na ako."
Naalala ko tuloy na may anak nga pala ako na kasing edad ni tonton. Siguro, dalaga na anak ko.
Kung hindi ako naduwag sa obligasyon ko sa mag-ina ko hindi sana inilayo sa'kin ni Claire ang anak namin.
Pero saan ko naman sila hahagilapin ang isang taong tago ng tago?
Sana, kung may pagkakataon na magkita kami, sana, bigyan niya ako ng pagkakataon para makapagpaliwanag at sana hindi pa huli ang lahat para mapatawad niya ako.
Ang sama ko nga naman kasi. Sino bang hindi magagalit sa nagawa ko.
Sa totoo lang, grabe 'yung pagsisisi ko kaya nilaan ko na lang ang atensyon ko sa pamangkin ko tutal ulilang lubos na siya.
"Ahhh, tito, magpipitas na muna po ako ng mga prutas at gulay habang hindi pa tirik ang araw."
"Sige. Aalis na muna ako. Ide-deliver ko lang 'yung mga prutas na nandito."
"Ingat na lang po kayo sa biyahe."
Claire's POV
"Enrollment na pala, nakapag-enroll ka na ba?"
"Syempre naman, ma. Ako pa?"
"Umalis ka ba? Parang hindi naman."
"Sa online na lang ako nag-enroll ma katamad lumabas."
"Hindi ka na lang nag-enroll sa mismong campus para nakagala ka pa."
"Ma, sinusulit ko lang ang mga araw ng bakasyon ko. Dahil kapag nagbalik school na ako, sa dorm na naman ako uuwi at hindi rito. Namimiss kaya kita."
Sweet talaga ng anak ko.
"Ah gano'n ba? Ako rin eh. Bukas ibibili kita ng gusto mo. Mag-bonding tayo okay?"
"Sureee!"
Kinabukasan, dinala ko si Georgina sa isang mall para bilhan ng gamit para sa pag-aaral niya.
Bagong uniform, shoes, at mga damit pang-alis na rin.
"Ma, para sa'yo." Inabot ang paper bag.
"Ano 'to?" I just smiled.
"Buksan mo, bilis!"
Red dress at camera ang laman ng paper bag.
"How sweet naman, Georgina. Thank you, pero bakit binili mo pa ako? Nagpunta nga tayo rito para ikaw i-treat ko tapos sinurprise mo pa ako.
"Ma? Deserve mo 'yan. Gusto ko hindi lang ako 'yung masaya. Gusto ko pati ikaw. Love you, ma."
"Thank you and I love you."
"Mamimiss ko talaga 'tong moment na 'to 'pag nasa Quezon na ako."
"Huwag mo munang isipin 'yon. Mag-enjoy at relax muna tayo."
YOU ARE READING
One Word to Forever
Fiksi PenggemarKung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin siya? Para sa kapakanan at ikakaligaya ng anak mo, handa ka bang sumugal ulit sa iisang tao na nagparamdam sa'yo ng sakit at pighati?