Twenty one

119 5 0
                                    

Georgina's POV

@school

Kasalukuyan kaming nagvo-volleyball.

Kalaban namin ang group ni Anton.

Ako ang setter sa team namin.

Pagpalo ko ng bola, hindi ko inaasahan na mapapalakas at matatamaan sa ulo si Anton.

I promise hindi ko sinasadya.

Nahimatay si Anton at dinala siya sa clinic.

"Let's have a break, guys! Next week na lang natin itutuloy ang sports natin. Georgina, follow me."

Like what? Bakit?

Sinundan ko na lang siya hanggang kinausap niya ako sa lugar na walang tao.

"Ano pong ginagawa natin dito?"

"Bakit mo ginawa 'yon? You did not even sorry to Anton for what you did."

"Hindi ko naman po sinasadya 'yung nangyare."

"Hm! I don't think so."

"It's part of the game. Natural lang po na may masaktan."

"And you meant to do it. Kaya bukas, I want to talk to your guardian."

"What?! Bakit po? Wala naman po akong ginawang masama at hindi ko po intensyon ang nangyari kay Anton. It was an accident."

"Bring your guardian tomorrow. That's it." Then he left.

Ang babaw ha?

Sabagay, kung ako 'yung natamaan ng bola, iisipin ko rin na sinasadya 'yon.

Few moments later...

Kausap ko si mama ngayon at sasabihin ko na sa kanya kung bakit ako napatawag.

"Napatawag po ako dahil pinapatawag po kayo ng PE teacher namin."

"Bakit ako pinatatawag? May nagawa ka ba?"

"Actually, naglalaro po kami ng volleyball at natamaan ko po ng bola yung kalaban tapos ayun na po. Kailangan daw po na pumunta ka bukas."

"Ganun lang pinapatawag na ako?"

"Wala eh. Basta pumunta na lang po kayo tapos hintayin niyo na lang po ako sa dorm ko para sabay na po tayong umuwi. Friday naman na po bukas."

"Sige. Ano'ng oras ba kailangan na pumunta ako? May schedule kasi ako para bukas. Pero mga hapon pa."

"Umaga na lang po kayo pumunta, ma. BTW, saan po ba location mo niyan?"

"Sa may Novaliches daw yung location."

"Oh Quezon lang din po 'yun ah? Gusto mo po samahan na kita roon? Tayong dalawa po magpipicture."

"Sure!"

Few hours later...

Jack's POV

Pauwi kami ni Anton sa Taytay para mag-ani na ng mga prutas bukas.

Nang makita ko si Laurence sa gilid ng highway na may kasamang tatlong lalaki na mukhang may gagawing hindi mabuti.

Pero bakit mukhang mga amerikano 'tong mga 'to?

Kinuhanan ko sila ng pictures tutal malapit lang ang kotse sa kinatatayuan nila.

"Anton. Ikaw na muna bahala sa mga pananim. May mahalagang bagay lang akong gagawin."

"Ako po magdra-drive rito?"

"Oo. Sige na."

Nag-commute na lang ako papunta sa bahay nila Claire.

Few moments later...

Malapit ng sumapit ang gabi nang makadating ako sa kanila.

"Claire? Are you there?!" Ang tawag ko sa kanya mula sa labas.

Sinubukan kong abutin ang lock ng gate at nabuksan ko naman ito.

Hindi rin naka-lock ang pintuan pero nakasara naman kaya pumasok na ako.

"Claire?"

Hinanap ko si Claire sa iba't-ibang parte ng bahay at nahanap ko siya sa kusina.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mukhang katatapos lang magluto.

"Listen to me. May nakita akong tatlong lalaki na kasama ni Laurence kanina kaya nagmadali akong pumunta dito dahil masama ang kutob ko.

"What are you trying to say?"

"Na si Laurence is pinuno ng mga taong gustong pumatay sa'yo."

"Teka lang ha? Nakainom ka ba?"

"No, Claire."

"Nagpunta ka lang ba rito para siraan si Laurence sa harap ko at sa pamamahay ko?"

"Hindi 'yon paninira. Sinasabi ko lang kung ano'ng nakita ko."

"How sure are you na masamang tao si Laurence? Nasaan ang proweba mo?"

Pinakita ko sa kaniya yung larawan na nakuhanan ko kanina.

"Here they are."

"Hindi sila ang mga taong naghahanap sa 'kin. Kung pwede, makakaalis ka na."

"And how sure are you na hindi nga masamang tao si Laurence?"

"I don't know. Basta mabait siya para sa akin."

"I'm warning you. Be careful with that man."

"Ako actually ang dapat mag-ingat sa'yo. Dahil sa inyong dalawa, ikaw ang pwedeng may gawing masama.

"Ah talaga?"

"Yes."

Lumapit ako ng mabagal papunta sa kanya.

"Iyon ba ang gusto mo na may gawin akong masama sa'yo?"

Now she looks uncomfortable.

"Siyempre hindi. Pwede ba, umalis ka na lang?"

"I've warned you. Kaya kung may mangyari man sa 'yo na may kinalaman si Laurence, hindi ko na kasalanan. Kasalanan mo na 'yon dahil hindi ka nakinig."

"Umalis ka na lang. Marami pa akong gagawin."

"May kotseng nakapark sa labas. Gusto kitang bantayan."

"Are you out of your mind? Kung ano man mangyari sa 'kin, kaya ko na 'yon. Kaya umalis ka na lang."

"Bakit mo ba ako pilit na pinaaalis?"

"Dahil ayo'ko na nandito ka."

"Dito ako sa ayaw at sa gusto mo."

"May trabaho pa ako bukas hindi ako pwedeng mapuyat ng dahil lang sa'yo."

"Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka saka ka matulog. Hindi ako aalis dito kahit ipagtabuyan mo pa ako."

"Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Ikaw ang matigas ang ulo dahil ayaw mong makinig. Tingin mo kung wala akong nakitang dahilan para pagdudahan si Laurence, gagawin ko ba ito? Hindi naman 'di ba?"

"Bahala ka na nga."

"BTW, ako nga pala ang nagpapatawag sa 'yo sa school ni Georgina. Na-realized ko na hindi naman talaga sinasadya ni Georgina ang nangyari."

"Ikaw? At kailan ka pa naging professor?"

"Nakisuyo lang talaga yung kaibigan ko na ako muna ang pumasok sa PE nila. Basta gano'n, huwag ka ng pumunta roon dahil okay na ang isyu."

"Okay. Makakaalis ka na."

"No."

"Bahala ka nga." She looks upset at nilayasan ako.

Claire's POV

Iniwanan ko siya sa kusina at pumasok sa kwarto ko. Matutulog na lang ako dahil nawalan na ako ng gana.

Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya kaysa mapagod lang kakapaalis sa kanya.


One Word to Forever Where stories live. Discover now