Claire's POV
"Kamusta ma? Nag-inquire ba si tito Jack?"
"Hindi na. Nagbago ang isip."
"Eh? Dapat pala tumawag muna siya, nagsadya pa talaga rito sa bahay hindi naman pala mag-iinquire."
"Ewan ko ba ro'n."
"Pero paano po niya nalaman ang address natin?"
"Hindi ko rin alam. Baka may napagtanungan siya. BTW. Kamusta ang exam?"
"Okay naman po. Mahirap pero ayos naman po pagsagot ko kaya hindi masyadong nahirapan."
"Basta mag-aaral ka ng mabuti."
"Umalis na po 'yung si Laurence?"
"Oo kanina pa. Bakit?"
"Gwapo siya. Hindi po ba nanliligaw sa'yo 'yon?"
"Ano ka ba? Secret agent siya ni Sabrina Austin, okay? Buti nga nandoon siya kung hindi baka naabutan na ako ng mga humahabol sa'kin."
"Eh matanong ko lang po, ma. Wala na po ba kayong balak magka-boyfriend or asawa?"
"Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Napalaki nga kita ng ako lang mag-isa. Basta kasama kita, you're more than enough."
"Talaga po? Sweet naman ni mama." She stood up and hugged me.
Jack's POV
Nakipagkita ako sa kaibigan ko na si Carlos. Remember him? Kung saan kami nagkita ni Lea sa isang event at na stock kami sa elevator?
Wala lang akong masabihan ng problema ko kaya siya naisip ko.
Nandito kami sa isang restaurant sa Quezon kasalukuyan naming nagkukwentuhan.
"Nakita ko na ang anak ko pare, ang ganda niya at hindi ko inaasahan na nakita ko na pala siya dahil kaibigan siya ni Anton."
"Really? What a coincidence. Mukhang pinagtagpo na kayo."
"Masaya ako na makilala siya kaso ako hindi niya kilala. I had the chance para sabihin 'yon kanina pero baka magalit si Georgina sa 'kin."
"Alam mo pare, kahit sino naman magagalit sa ginawa mo tapos bigla kang magpapakita. Si Claire ba, kamusta kayo?"
"Nag-uusap naman. Gusto ko siyang balikan, gusto kong makipagbalikan sa kanya. Pero mukhang malabo na. Hindi ko na alam."
"Ano'ng plano mo? Hahayaan mo na lang bang walang makilalang ama ang anak mo for her entire life? Hanggang kailan ka maduduwag sa responsibilidad mo? Kapag tuluyan na silang mawala sa'yo?"
"Kasalanan ko rin naman lahat kung bakit sila lumayo sa 'kin. Tama ka, duwag ako."
"Have the strength to face your consequences. Jack, it's now or never. Pag-isipan mo mga sinabi ko sa'yo. Bye, I have to go, pare."
"Ingat ka pare."
Anong dapat kong gawin?
Kung aamin ako kay Georgina, malamang magagalit si Claire.
Kung hindi ngayon, kailan ko dapat sabihin?
Tama si Carlos, hindi ko dapat hinahayaan ang mag-ina ko.
Pero dapat ko munang sabihin ito kay Claire baka kasi magkagulo 'pag bigla akong magsalita.
Pero kailan ko dapat sabihin? Kailan ba ang tamang oras?
Few days later...
Georgina's POV
@School (Garden)
YOU ARE READING
One Word to Forever
Hayran KurguKung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin siya? Para sa kapakanan at ikakaligaya ng anak mo, handa ka bang sumugal ulit sa iisang tao na nagparamdam sa'yo ng sakit at pighati?