Nine

105 3 0
                                    

Claire's POV

Nandito na kami sa bahay at kausap ko ngayon si Georgina na nasa school.

"Mukhang hindi na ako babalik sa America."

"Ho? Bakit naman po?"

"I had a horrible experience in New York City."

"Gaya po ng ano?"

"Napadaan kasi ako roon sa parang iskinita yata yon. Napatayo ako roon kasi may tatlong lalaki na pinagtutulungan 'yung isang lalaki. Napicturan ko saktong binaril yung lalaki. Hindi ko nga alam kung namukhaan ba nila ako o hindi."

"Nakakatakot naman po 'yan, ma. Dapat kasi hindi mo na tiningnan eh. Kinakabahan tuloy ako baka mapano ka riyan."

"Don't worry anak, may tumulong sa 'kin."

"I'll go less than an hour. Am going to visit my grandma's house in Manila." -Laurence

"Tanda mo pa ba ang daan papunta sa Manila? Mukhang matagal ka ng hindi nakapunta ng 'Pinas."

"Tanda ko pa naman."

Nakita ko ang tingin sa akin ni Georgina na many ibang ibig sabihin.

"Ma? May... Kasama ka?"

"Actually, oo. Siya 'yung tumulong sa 'kin. Laurence meet my daughter, Georgina."

"Hi, Georgina! It's nice to see you."

"Hello..."

"Wala kang pasok ngayon?"

"Meron po. Wala pa po prof namin kaya tumawag po muna ako. Nakauwi ka na po pala hindi mo man lang sinabi."

"Sinabi ko naman ah."

"Bakit hindi mo po sinabi na may kasama kang iba?"

"Ganito kasi 'yan. Nakilala ko si Laurence that time na may nakita akong pinatay sa U.S. Luckily, nakita niya ako. Si Laurence, secret agent siya ni Sabrina Austin. Remember her? 'Yung pinunta ko rito para nag-photographer."

"Eh bakit po hanggang sa bahay kasama mo siya?"

"Just to make sure raw na nakauwi ako ng ligtas. Malinis ang intensyon niya, okay?"

"Okay. Ma, nandito na po si prof, bye na."

End of convo...

"Claire, I have to go. Bibiyahe pa kasi ako."

Tumayo ako para magpaalam sa kanya.

"Oh! Take care and thank you for your guidance. Hope to see you again soon."

Kinamayan ko siya at nagbeso kami.

"You should be the one who needs to take care. Just call me when you need help."

"Okay, okay."

Sinamahan ko siyang lumabas at sinilayan ko siyang hanggang sa makaalis na siya ng tuluyan.

Pagpasok ko sa loob nakita ko na ang daming missed calls ni Jack at tumatawag ulit siya.

"Claire, magkita tayo. May mga katanungan ako na dapat mong sagutin."

"Kailangan pa talagang magkita? Para ano? Para sabihin mo na dadalhin mo sa korte ang issue na 'to?"

"No. Babae ba ang anak natin?"

"Jack, hindi ako pwede ngayon. Kagagaling ko lang sa America at pagod pa ako sa biyahe."

"Galing kang America?"

"Oo. Bakit?"

"Magkita tayo sa isang bar diyan sa Makati. Kung ayaw mo naman, ako ang pupunta sa'yo."

One Word to Forever Where stories live. Discover now