11

22 1 0
                                    

>CHAPTER ELEVEN<

<KATTIE MARIE SUAREZ POV>

"Mamii, what's wrong with Akeena and fafable Echizen?" tanong sa'kin ni Jillian, ang mana sa'king kagandahan na bakla kong anak anakan when I enter our room. Oo, bakla! As in bading, gay, bayot, binabae and etcetera!

"Idono, darling. Wala namang sinasabi sa'kin si Akeena." yeeh, wala talagang sinasabi sa'kin si Akeena. Pero may napapansin ako sa kanila ... Si bespren parang nagtagumpay dahil palaging masaya na ewan. At si Echizen naman ay parang pinagsukluban ng langit at lupa. Parang nagiging serious siya. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ganun, he always manage to smile naman.

"Ainaketch, Mamii. Pansin ko, parang may something sa kanila. They're like north pole and south pole. Sabi sa'min ni fafa Echizen mag-ex sila ni my dear, Akeena. Baka bitter pa sila sa isa't isa." pansin din niya? Oo, nga. Anu daw??

"Baliw! Hindi sila mag-ex. " kung mag-ex mortal enemies pwede pa. Haha!

"Maka-baliw ka naman, Mamii. Parang di mo ako junak. Kung hindi, mag-ano sila?" Excuse me, anak anakan ko lang yan baklitang yan pero wala pa akong anak. Dalaga pa me. Okay?

"Grade 5 kami nun ng magsimula silang maging Tom&Jerry. They always bump into each others' ass."

"Talaga?? Bakit? Why? What's the reasoning behind??"

"Hindi ko masyadong alam ang rason. Basta everytime na nagtatagpo sila ay nagsasalpukan talaga sila. You know naman bestfriends ang mga tatay namin. Parang may grudge sila para sa isa't isa." I think they're having they're pretty little war again.

"I find them cute, Mamii. What if sila ang magkatuluyan? Baka palaging sabog ang bahay nila. Ha-ha." si Akeena at si Echizen? Magkakatuluyan? Oh, c'mon! End of the world na.

Tumawa ako. "Baka sumabog kamu ang earth!" at Nagtawanan kami!

.

.

.

.

.

.

.

.

"Goodmorning, everyone!" si Akeena hindi late? Aba, last thursday pa siyang ganito. 2 weeks na siyang hindi nalalate.

"Hey, morning bespren. What's new? Parang hindi ako sanay ng hindi ka late." bati ko sa kanya.

"Goodmorning, my dear." bati naman ni Jillian.

"Wala namang bago, tahimik parin ang buhay ko." sabi niya at tumawa. Ganyan yang si Akeena, mahilig tumawa pero bibihirang ngumiti.

"May lagnat ka atah, dear. Hindi ka late eh." biro ni Jillian.

"Trangkaso meron ako kagabe." sabi niya. At dahil OA ako ...

Pinagalitan ko siya.

"What? Nagkatrangkaso ka 'di mo man lang ako tinawagan o 'di kaya si daddy. Akeena naman! Kami pamilya mo! What if mapahamak kana lang, tapos hindi namin alam. Sana pala 'di na ako pumayag na bumalik ka sa bahay niyo."

"He-he. Di naman malala. Napagod lang ako masyado kahapon sa dami ng ginawa ko." baliw na babae 'to!

"haay .. Mamii! Masanay kana kaya sa kanya. She's just fine."

"Fine na kung fine. Hindi yun ang punto ko." sabi ko at iniwan sila. Pumunta na ako sa upuan ko. Nagagalit ako kay Akeena. She has that attitude na feeling niya she's tough and brave enough to handle everything. Nag-aalala din lang naman ako. Sana kasi 'di namin siya pinayagang sa farm nila siya ulit tumira.

I LOVE THAT GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon