CHAPTER 6(S2)

71 4 0
                                    


                 

                 -ASCIAN DOMAIN-




Dalawang katok ang umagaw sa Atensyon ni Esmael bago pumasok si Dena sa loob.6 years ago ng bumalik sa Ascian sina Ryuu at Dena,saying that lady Estelle disappeared or more precisely, Lady Estelle left Dena and Ryuu and run off somewhere alone.

" Milord, Your tea." Dena at nilapag ito sa mesa.

"Did you find something?" Mahinang tanong ni Demetrius kay Dena.

" Still the same, Milord." Malungkot na sagot ni Dena.

"Ok." Demetrius

Matapos nun ay lumabas na ulit si Dena.Lumapit naman si Esmael sa mesa ni Demetrius sabay patong ng kung ano sa mesa nito.

"Milord, when was the last time you slept?" Esmael.

"I don't know." Demetrius

Napabuntong hininga naman si Esmael.Demetrius is having a hard time sleeping.Hindi ito makatulog at lagi nalang nagigising matapos makatulog ng 2 o 3 oras pagkatapos ay ilang araw nanaman siyang magpapakalunod sa trabaho.

It happened since the young lady left the Ascian Domain....because Princess Amylis returned.

But after almost 11 years since Lady Estelle left the Domain, many things happened.At hindi nagsisisi si Demetrius na pinalayo niya si Lady Estelle sa Domain.

Hinawakan ni Demetrius ang Tea cup at humigop,pero bago niya pa malapag ang tea cup ay bumigay na ang kamay niya.

At first Esmael won't even believe that Demetrius is becoming like this.

He was so miserable as if he wants to run away anytime.

He was in a lot of stress because of Princess Amylis, and he can't sleep because of worries.

It's like seeing the past lonely and miserable lord of his.

Esmael always hopes that Demetrius and Estelle will finally meet again, but as long as Princess Amylis is here, he can only wish.


-ASCIAN GATE ENTRANCE-

Maingay at mataong Market ang sumalubong kay Estelle ng makapasok siya sa Entrance mismo ng Domain.
As usual abala ang mga tao dito.

Naglakad-lakad siya para maghanap ng Inn na tutuluyan sa loob ng 3 araw, kailangan niyang maghanda at kumalap ng impormasyon bago pumuslit sa loob ng palasyo.

(Green Leaf inn)

Tunog ng bell hudyat ng pagpasok niya sa pinto.
Agad naman na lumapit si Estelle sa keeper na isang Catmen.

" Welcome customer, Nya!" Saad nito.

(Nya! ->a sound made by catmen whenever they talk.)

" One room please." Sagot ni Estelle.

May takip ang buong katawan ni Estelle kaya panay naman ang silip ng Keeper na baka sakalaing makita niya ang muka ni Estelle pero nabigo siya.

Matapos magbayad ay umakyat na si Estelle sa silid na binigay sa kanya, at disente naman ito.
Maliwanag at patanghali palang kaya binuksan ni Estelle ang mga bintana para maaliwalasan ang kwarto.
Hindi niya dumungaw sa bintana sa halip ay nilapag niya ang gamit sa kanyang kama at binuksan ang nakabalot niyang gamit.

Nilabas niya ang isang bote ng pangkulay ng buhok, kulay itim ito.

Hinubad niya ang itim niyang balabal at humarap sa malaking salamin sa kwarto at hinubad ang lahat ng saplot niya.

Tumungo siya sa liguan at doon naglinis ng sarili.

Halos 4 na oras bago siya nakalabas ng paliguan.

Nang makalabas siya ay muli siyang humarap sa salamin at ang kulay rosas niyang Buhok ay naging itim.
Sigurista siya kaya bumili siya ng pangkulay na imposibling mawalan ng epekto o mabura, pwera nalang kung gamitan ito ng magic para tanggalin.

Hinayaan lang ni Estelle ang mata niya, total mas nakakaagaw pansin ang mahaba niyang buhok dahil sa kakaiba nitong kulay.

Medyo madilim na ng makababa ulit si Estelle sa lobby, may dala siyang maliit na bag na nakasabit sa bewang niya. Nakabihis na siya ng itim na damit at sabitan ng sandata na nakakabit sa katawan niya,at nakatali naman ang buhok nito.

Nakasunod ang mata ng Inn keeper kay Estelle nang lumabas ito, malamang ay nagtaka siya kung saan nanggaling ang babaeng iyon.

Malalim na ang gabi at tanaw ni Estelle ang kabuohan ng Ascian Domain muka sa mataas na tori sa gitna ng Plaza.

Ang mataas na gusali ng templo kung saan sinasamba ang mga manlilikha at mga Dragon.

Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin na tinatangay ang itim na suot ni Estelle sa tuwing iihip ito.

Itim na suot na tago lahat ng kanyang balat at makakagalaw siya ng malaya,at natatakpan ng din ang kalahati ng kanyang muka,at isang hoody jacket na abot talampakan na malayang nakakasunod sa bawat galaw niya.

Mabilis at magaan ang kanyang mga yapak ng tumalon-talon siya sa bawat kabahayan hanggang sa makarating sa mataas na pader ng palasyo.

Nang makarating sa pader ng Palasyo ay tahimik siyang tumalon papasok ng Palasyo at napunta siya malapit sa harden.

Mula sa puno ay bumaba siya, pagkababa ay tinitigan niya muna ang dating palasyo kung saan naranasan niya ang pinakamasayang mga araw ng buhay niya, mga alaala na hanggang ngayon ay hawak niya parin sa puso niya.

Nasasabik man na alalahanin ang nakaraan ay iniwas ni Estelle ang mga mata at nagpatuloy sa kanyang sekretong pagpasok sa palasyo.

Mabilis at walang hirap niyang naiwasan ang mga bantay ng hindi siya napapansin saka siya pumuslit papasok ng palasyo.

Medyo nahirapan siya dahil madalas ang pagdaan ng mga katulong at mga tauhan sa loob.

Nang makarating sa dulo ay nakarating siya sa Opisina ni Demetrius.Rinig niyang walang tao sa loon kaya pinasok niya ito.

Pagpasok niya doon ay tumambad sa kanya ang mga nagtataasang papelis.
Napailing nalang si Estelle ng maisip na malamang si Esmael ang may kapakanan nito.

Sa pag-ikot-ikot ni Estelle ay binuksan niya ang drawers sa mesa ni Demetrius. Mga papelis ang tumambad sa kanya hanggang sa mabuksan niya ang ikalawang Drawer sa kanan.Nang mabuksan ang drawer ay tumambad sa kanya ang isang itim na box. Pinalabas ito ni Estelle at binuksan.Nanlaki naman ang mata niya sa nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, ang nasa loob ng itim na box na iyon ay ang Flower wreath na gawa sa bulaklak na Chrysanthemum na ginawa niya noong bata pa siya para kay Demetrius.

Kinuha niya ito sa kahon, at may nakalagay na spell doon para panatilihing buhay ang bulaklak, kahit gaano katagal ang dumaan.

Hindi maiwasan ni Estelle na mangulila sa mga araw na iyon.
Ang flower wreath na ito ang pinakaunang regalo na binigay niya kay Demetrius.Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay tinatago pa ito ni Demetrius at maingat na nakalagay sa isang box.Kung ganon, totoo nga ang sinabi sa kanya ni Zion.








My Dad is the Demon Lord [Season 2]Where stories live. Discover now