CHAPTER 11(S2)

58 4 0
                                    






Halos nakalabas na ang ibang aplikante sa portal at nakompleto na unang test.Ang mga hindi pa nakalabas ay siguradong naligaw na sa loob at baka di na makapasa. 20 minutes nalang bago matapos ang unang pagsubok at kung sino lang ang mga nakalabas sa portal ay sila lang ang magpapatuloy sa ikalawang pagsubok.

3 grupo na tig tatlo o apart katao palang ang nakalabas sa damit n aplikante siguradong marami ang malalagas sa unang pagsubok.

Hindi alam ni Demetrius kong ano ang ginagawa niya at kung bakit hinahanap niya sa mga aplikante na nakapasa ang dalagang nakita niya kanina na para bang gusto niyang makapasa ito.

"Father are you okey? You're not yourself today." Tanong sa kanya ni Amylis.

Get yourself together Demetrius! What you're thinking is impossible to happen.Gustong isampal ni Demetrius sa sarili niya ang mga salitang iyon.Mariin siyang napapikit at napahilot sa ulo niya.A mere thought of Estelle coming back or not is making his head confuse,and worried,and at the same time happy.
If only Estelle would really come back and see him,but the idea will only be a dream.


"Telly,wait for me! Aren't we friends?"

Napailing nalang si Demetrius at di nag-abalang tignan pa ang bagong labas sa portal na aplikante.He only took a glance but the he immediately look back again.A smile suddenly appeared in his lips as if he finally saw hope.

Kumunot naman ang noo ni Amylis sa ama niyang gulat ang mga mata na nakatingin sa dalawang babae na kalalabas lang na aplikante sa portal.Nakatulala lang ang ama niya sa babaeng itim ang buhok,mga tingin na akala mo ay may natagpuan itong yaman sa gitna ng dagat.Mas lalong nagtaka siya ng isang ngiti ang gumuhit sa labi ng ama.




*HORN SOUND*



Humudyat ang pagtatapos ng pagtatapos ng unang pagsubok at agad naman na binalik ang mga aplikanteng natira sa loob ng maze pabalik sa labas at iginiya sila palabas.Sa napakaraming aplikante ay halos 20 nalang ang natira at nakapasa.

Sinulyapan ni Estelle ang ibang mga aplikante at kita niya ang ilang talaga namang malakas at ang iba naman ay siguradong nakaswerte dahil nasalinsila sa isang grupo,sa lahat ng aplikante ay silang dalawa lang ni Ezra ang dalawa ang grupo.Pero Wala naman itong problema Kay Sucette,kung gugustuhin niya lang ay kaya niya namang lagpasan lahat ng pagsubok ng mag-isa ang problema ay tila walang pag-asa na humiwalay pa sa kanya si Ezra.


Ilang minuto pa ay pinaliwanag naman ng commander ang susunod na pagsubok.

" Your second test is to enter the Forest of Deception and find the exit,You have 1 hour to complete the test." Pahayag ng Commander at nagbukas ulit ng portal papunta sa Forest of Deception.

Nang maghudyat ang umpisa ng ikalawang pagsubok ay isa-isang pumasok sa loob ang mga aplikante pati na sina Estelle at Ezra.Pagpasok na pagpasok nila ay Isang pulang usok ang sumalubong sa kanila na nakabalot sa buong gubat.

Naging alerto naman silang lahat ng biglang umihipnang malakas na hangin tangay ang mapulang usok.Nawala ang paningin ni Estelle sa ibang aplikante na para bang agad silang nilagay sa iba't ibang bahagi ng gubat,sa puntong ito ay walang silbi ang maggrupo-grupo.

Naglakad-lakad si Estelle pero Hindi niya makita ang dulo ng nilalakaran o ang mga nadaanan niya masyadong makapal ang usok at medyo nahihilo siya dahil dito.

Forest of Deception,siguradong siyang Hindi iyon an pinangalan dito para lang sa wala.Ibig sabihin ay malalagay sila sa isang panlilinlang na susubok sa tibay ng kanilang isip.

"Tch.useless tricks." Nilabas ni Estelle ang espada ay pinutol ang kahit anong Puno na madadaanan niya pero pakiramdam niya ay pinaglalaruan Siya ng gubat ay pabalik-balik parin siya sa isang parte ng gubat.

Nilibot ni Estelle ang tingin ang paligid niya kahit na puro usok lang ang nakikita niya.Nagulat naman siya ng makita ng mumunting ilaw mula sa di lang kalayuan sa kinaroroonan niya.Posibli ba na may nagpadala pa ang ilaw sa loob? O baka may isa sa mga aplikante na may ganitong kapangyarihan?

Naglakad si Estelle papalapit sa pinagmumulan ng lumikiwanag na apoy Hanggang sa wakas ay narating niya din.

Naestatwa siya ng makita ang pinagmumulan ng liwanag.Kahit gaano man katagal ang nakalipas ay hinding-hindi niya makalimutan ang Lugar na ito.

Sa harap niya ngayon ay Isang Camp ng mga hukbo ng Isang kaharian.Ito mismo ang Camp na tinupok ng apoy ng mga taong kumitil ng buhay niya bago Siya mapadpad sa Ascian Empire.Paanong nakikita niya ngayon ang dapat ay naiwan na sa una niyang buhay?


"Ahhhhh!!!!!aaaaaaa!!"

Mga sigawan ng sundalo ang tanging naririnig ni Estelle.At bago niya pa mapansin ay nakasuot na siya ng isang uniporme at may hawak siyang espada.
Tinignan niya ang sarili sa talim ng espada at nanlaki ang mata niya nang makita ang dating siya.

DUKE ESTELLE DE SILVIA,

ang dating siya na pinagtaksilan ng sariling pinaglingkurang kaharian,binalik nanaman sa mata niya ang pangyayaring ito.

Nasusunog na Campo at mga lalaking nakaitim na pinadala ng sariling kaharian para lupigin siya.Mga sigawan ng dati niyang mga tauhan at amoy ng mga nasusunog na tent,at amoy ng dugo at tunog ng espadang nakikipagtagisan.

At bumalik nanaman siya sa sitwasyon kung saan pinalibutan Siya ng mga lalaking nakaitim habang nakatutok ang mga espada nito sa kanya.

At sa ikalawang pagkakataon ay pumasok ang dalawang katanungan.

LALABAN BA SIYA O HINDI.

Alam niya na Isang illusion ang lahat ng ito at sinusubukang lamang ang isip niya.Subali't para sakanya Hindi lang isip niya ang sinusubukan kundi pati ang damdamin niya.

Mga memoryang labis niyang nilibing upang kalimutan ang dating siya.Dating Siya?

Kung iisipin niya,ano ba ang pinagkaiba ng ng dating siya ang ngayon? Hindi ba at nasira din ang pangako niyang Hindi na umapak sa lupa ng Digmaan? Pero nasira din dahil parang bumalik lang din Siya sa dating buhay na kinamuhian niya.

Ang dating siya at ngayon.
Muka lang ang nag-iba pero Siya parin si Estelle De Silvia na naging Isang Estelle Alastor.

Ang pakiramdam na gusto niya nalang na sumuko at wag nang lumaban ay tila Isang nakalimutang memorya na bumalik sa isip at puso niya.

Oo gusto niya naring sumuko,maging Estelle De Silvia man o Estelle Alastor ay gusto na niyang maglaho.
Hindi niya makita ang buhay na para sa kanya o ang reason kung bakit pa siya nabubuhay,bumabalik sa kanya ang mga katanungan na sinigaw niya noon bago Siya mamatay.

Ano ba ang pinagkaiba ng dating siya at ngayon na pwede niyang ipaglaban at gawing reason para mabuhay?


My Dad is the Demon Lord [Season 2]Where stories live. Discover now