PROLOGO & CHAPTER 1

2.6K 36 5
                                    

What does assassin do?

"Killing a target to the clients specifications. They can fullfill other rules as well, they can act as spies, detectives, thieves for hire and even covert body guards."

Do they exist in real life?

"Yes!"

             
Ingay ng yapak ng sapatos sa makinis semento. Isang makapanindig balahibo na aura ng may katandaang lalaki. Hindi maipagkakailang na kaya ka nitong patayin sa matalim na titig n'ya lamang.

Malaki ang ngisi ni Leon habang iniikotan n'ya ang apat na batang babae na nakatayo't nanginginig sa gitna ng training room ng malaking kompanya nito. May hawak itong baril, at isa- isa nitong tinututok sa kanila.

"Madali lang akong kausap, lalo na kung magpapakabait kayo at susunod sa lahat ng gusto ko, ta-tratuhin ko kayong  parang mga prinsesa ko. Pero kung magmamatigas kayo at sakit sa ulo lang, magpaalam na kayo sa pinakamamahal n'yong buhay."
Saka tumawa ng nakakakilabot si Leon na talagang tataas ang balahibo ng sino man.


Ysa Ilagan Domingo


Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para magtanong sa delikadong lalaking binabantaan ang buhay namin. Sa kuryosidad rin na malaman ang trabahong kailangan naming gawin, nakapagsalita ako.

"A-anong klaseng trabaho po 'yan?" Nanginginig na boses kong tanong sa lalaking 'yon. Natakot ako lalo nang bigla na lamang magtama ang tingin namin  saka n'ya ako nginisian. Dahil ba iyon sa itinanong ko?

Yumuko ako nang makitang humakbang s'ya papalapit sa akin. Alam kong tinitignan n'ya ako ng matalim.

"Sabihin na lang natin sa madaling salita na papatay kayo ng mga gusto kong ipapatay na tao." Inangat ko ang ulo ko at nag-panic akong tiningnan s'ya.

May kinuha ang nakakatakot na matanda sa bulsa n'ya. Isang malaking sigarilyo. Sinindihan n'ya iyon, hinipak nang malalim  saka walang hiyang ibinuga sa pagmumukha ko ang usok. Naubo ako sa tapang ng amoy ng hinihithit n'yang sigarilyo. Umaakto s'ya na parang napaka normal lang ng sinabi n'yang 'papatay kami ng taong gusto n'yang ipapatay.

Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng takot ngayon, alam kong pati ang tatlong kasama ko ay gano'n din. Patago kong nilibot ang paningin ko sa tatlong babaeng katabi ko. Bahid sa mukha nila ang tinding takot at gulat sa inilahad sa amin ng matandang lalaki na kumidnap sa amin.

Nagkuha ng atensyon ko ang isang babae na nasa dulo. Wala kasing emosyon na nakaukit sa mukha n'ya. Kung 'di aki nagkakamali ay Rein ang pangalan n'ya.  S'ya lang 'ata ang may lakas ng loob na titigan ang matanda ng diretso at walang takot sa mata. Nagpukaw naman ng atensyon ko ang panakanakang tingin ng matanda kay Rein.

Evalyn Torres Dizon

Kahit na u-utal-utal ang boses ko at gusto ng bumagsak at lumuhod sa pagnginig ng mga tuhod ko ay pinilit kong ilabas ang daing ko sa matandang lalaki na nasa harap namin.

"P-pero b-bakit ho kami ang napili n'yo?" Narinig kong pinagtatawanan ako ng iilang mga kalalakihan na may baril na nakatutok sa'min. Samantala, ang lalaking kinakatakutan namin ay binigyan lang ako ng masamang saglit na tingin. Iniyuko ko na lang ang ulo ko dahil ayaw ko ng makita pa ang ganoong klaseng titig ng kumuha sa amin.

CROSSING THE CRIME [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon