C.T.C 8

708 21 2
                                    


"YOU MATTER."

_______________________

YSA'S P.O.V

MATATAPOS ko sana nang maaga ang misyon ko kung ’di lang sumingit itong babaeng ito. Mukha talagang nakita n'ya ’ko sa ginawa ko. Hindi p'wede, hindi s'ya puwede mabuhay. Kailangan ko s'yang patayin agad!

Isang kurap kong kinuha ang baril ko na nasa hita ko't natatakpan sa loob ng dress kong suot, saka papuputukan sana ang kalaban pero mas nauna n'ya akong binaril gamit ang pesteng electric gun n'ya. Napadaing ako at dahan dahan na napahilata sa sahig dahil sa sobrang sakit na bumabalot na kuryente sa katawan ko. Minuto rin ang lumipas bago nakabalik sa dating ayos ng aking katawan na aaminin kong hindi naman ako. Hindi ako gan’to kahina. I know my body is well trained when it comes to this.

Medyo nakakuha ako ng lakas sa paghugot ko ng malalim na paghinga. Hindi ako nagpapahalatang nasa kondisyon na ako para hindi n'ya ako mapansin. Nakatalikod ang babae kanina at batid kong magtatawag s'ya ng mga back up dahil hawak n'ya ang walkie talkie radio n'ya. Pero bago pa man s'ya makapagsalita doon ay tinulak ko ang nakatalikod na babae sa binti nito nang malakas gamit ang paa kong may suot na heels at habang nakahiga. Agad akong tumayo at binigyan nang paikot na sipa ang kalaban sa ulo pababa sa dibdib nito. Hindi ko s'ya tinigilan atakihin hangga’t sa mapasandal s'ya sa pader.

I heard her groaning in pain, kaya mas lalo ko pang tinodo ang pag-sipa sa kan’ya. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay nahablot n’ya ang binti ko sa huli kong atake. Nataranta ako nang ipinakot-ikot ng agent na babaeng 'to ang katawan ko hanggang sa hinagis n'ya 'ko at napunta ako sa gawi ng bartender-an. Doon na rin bumagsak ang mga bote ng alak at mga babasaging baso sa puwesto ko. I scream in pain.. in so much pain. Napuruhan kasi ang likod ko. Subrang sakit ng pagka bagsak ko pero mas pinilit kong bali-walain 'yun at harapin ang kalaban. Kinuha ko ang maliit na baril na naka-blaranda lang sa sahig at walang palyang binaril ang babae na handa na rin akong barilin uli.

Pero. . . .

Bang!!!

Mas nauna ako.

Hindi ako makapaniwala. Nakahilata na at nangingisay ang babae.

S-shes dead. I-i killed her.

Nanginginig kong nabitawan ang baril. Nanatili ang titig ko sa babae na tila ba’y nawawala na ako sa sarili.

"Delilah," Nahimasmasan ako nang may narinig akong nagsalita sa suot kong earbuds sa kabilang linya. Ang mga tinuturing kong mga kapatid ay nag-aalala sa akin.

THIRD PERSON P.O.V

"Delilah, please tell me you're okay," ulas nang may pag-aalala ni Alice sa kaibigan habang pinapalipad na ang helicopter.

"Pupuntahan ka namin, delilah. Diyan ka lang." isa pang nag-aalala na si Rein.

"Delilah, nandiyan ka pa ba? bakit hindi ka sumasagot!?" sigaw nito ng bunso ng grupo na si Evalyn kay Ysa dahil sa panic habang tumatakbo sina Rein papunta sana sila sa kan’ya ngunit natigilan sila nang...

"I-i’m okay," medyo garalgal na boses ni Ysa sa kabilang linya.

"Thank goodness!" Sabay sabay na s’abi ng tatlo.

"Bakit ba lagi n'yo kami pinapakaba!? Nakakainis ka, Ysa! Muntik na ’kong umiyak dito!" Sa lubhang pag-aalala ni Evalyn ay nasabi n'ya ito. Mahinang tumawa tuloy si Ysa.

CROSSING THE CRIME [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon