C.T.C 4

1K 23 4
                                    

    

      "You will find peace not by trying to escape your problems, but by confronting them courageously. You will find peace not in denial, but in victory." -J. Donald Walters




___________________

PAGKARATING nila sa kung saan ay nakahanda ang maraming pagkain ay kanya kanya silang kuha ng plato't kubyertos saka pinuno ang plato nila nang pagkaing nakahain sa malaking mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PAGKARATING nila sa kung saan ay nakahanda ang maraming pagkain ay kanya kanya silang kuha ng plato't kubyertos saka pinuno ang plato nila nang pagkaing nakahain sa malaking mesa. Halos mabulonan na ang apat na dalaga sa kasusubo nang sunod sunod na pagkain sa bibig nila, dahil wala ba naman silang kain ng maayos ng ilang taon. Tira tirang pagkain ba naman ang laging binibigay sa kanila. Para silang asong gala kung tratohin ni Leon.

Sa kabilang banda, Natutuwang pinagmamasdan naman sila ni Oprah. Nasa gilid lamang ito at binabantayan sila. Si Oprah ay matagal ng nagtatrabaho kay Leon. Siya ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Leon. Nasa edad tatlumpu't siyam na ito, ngunit hindi maipagkakaila na maganda pa rin ang hubog ng katawan at mukha ng ginang. Hindi aakalaing tatlumpu't siyam na ang edad nito.

"Dahan dahan, hindi kayo mga sundalo para gan'yan kayo kung kumain." nakangiting sabi ni Oprah sa apat.

Nagulat naman ang apat na dalaga dahil sa pagkakataong iyon ay kinausap sila ni Oprah. Sa ilang taon kasi na nakakulong sila sa lugar na iyon ay ni minsan ay hindi kinausap ng ginang ang apat.

Medyo nainis si Evalyn sa isinaad sa kanila ni Oprah, kaya..

"Tama ka, hindi kami mga sundalo o sa madaling salita ay tagapagligtas, dahil mamatay tao kami at kagagawan ninyo iyon lahat! Isa ka rin sa kanila, hindi ba?! kanang kamay ka nga ni Leon, eh, so don't act like you freaking really care!" sigaw nito nang bunso ng grupo na may pagbubuhos na galit kay Oprah.

"Evalyn," mahinahong sita ni Ysa dahilan para tumingin sa kan'ya si Evalyn. "'wag mo na lang siyang pansinin. Kumain na lang tayo."

Ngunit si Evalyn ay hindi pa rin naikakalma ang sarili dahil sa galit na namumuo sa kan'yang damdamin na matagal na panahon.

"Bakit?! totoo naman, ah! biruin n'yo, nasa trese pa lang ako, kayo nasa kinse disi saes pa lang 'di ba nang dinukot nila tayo? Ang babata pa natin para kunin nila ang kalayaan natin na dapat ay nag-aaral tayo. . . hindi 'yung ganito na ilang taon na tayo rito at paulit ulit lang ang ginagawa natin sa buong araw!" para bang ilang taon na kinikimkim ni Evalyn ang mga salitang iyon na gustong gusto nang sumabog para lumabas sa dibdib nito. Hindi rin n'ya mapigilang maiyak habang sinisigaw itong sabihin.

CROSSING THE CRIME [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon