TOTS 2

3.9K 88 26
                                    

Chapter 2

Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw, Sabado na pala. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko masyadong sineryoso ang usapan namin ni Wyatt, kaya ang bilis ng araw para sa akin.

Sa sobrang prente ko nga, nawala sa isip ko na wala akong address ni Wyatt. Ang lakas pa ng loob kong sabihin na ako ang pupunta sa bahay nila. Buti nalang naisip niyang ipaalala sa akin kahapon.

Tahimik at mag-isa akong kumakain ng carbonara sa canteen, si Gabi kasi ay busy sa hindi matapos-tapos niyang group work. Kaya kumain na ako mag-isa, kaya ko naman. Habang sumusubo sa pagkain ay may umupo sa harap ko, nagtataka kong tinignan kung sino 'yon. Nang tuluyan ko siyang makilala ay mabilis kong nilunok ay nasa bibig.

"Sorry to disturb you. Itatanong ko lang sana, okay ka na bukas? Final na 'yon?" paninigurado niya sa'kin.

Maharan akong tumango. "Oo, okay na 'yon sa akin."

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" natatawang tanong niya. Natigilan ako.

Oo nga, hindi ko alam "H-Hindi?"

He chuckled. Kinuha nito ang nakasabit na i.d sa leeg at inilapit sa akin. Tinignan ko lang iyon, naguguluhan.

"Akin na lang ang cellphone mo," inilahad niya ang kamay niya, mabilis ko namang binigay dahil nasa mesa lang rin naman 'yon.

Kinuha niya ang cellphone at may pinindot, matapos ay itinapat niya ang i.d sa camera at nag-picture. "Here." pag-abot niya ng cellphone sa akin.

"I took a photo of my address, para hindi mo makalimutan." paliwanag niya.

Tumango-tango ako, mas convenient nga 'yon. "Sige, salamat. Pupunta ako bukas." paninigurado ko.

"Sure, see you!" tumayo na siya at nagpaalam na.

Luminga-linga ako sa canteen, mabuti at wala masyadong tao. Baka mapag-usapan pa kaming dalawa, ayoko pa naman ng gano'n. Binuksan ko ang gallery ko para icheck ang kuha niya at nakalagay nga doon.

J Prime Village , block 108

Iniscroll ko ulit ngunit kumunot ang noo ko dahil sa likod lang naman ng i.d iyong address. Kaya 'yon lang kailangan ko. Bakit pati harap ay pinicturan niya?

Tinitigan ko iyon. Ano 'to gusto niya bang i-flex sa akin na gwapo rin siya sa i.d picture niya?

"Dito nalang po!" para ko sa taxi, kanina ko pa hinahanap ang block 108 dito sa loob ng J Prime.

Kinse minutos na ata kaming naghahanap, umabot na ata kami ng dulo ng Village bago nahagip ng mata ko ang nakalagay ng 108 sa gilid ng gate.

"Salamat po," iniabot ko na ang bayad at bumaba na.

Nang malingon ko ng maayos ang bahay ay hindi ko mapigilan ang mapasinghap. Sanay naman ako makakita ng mga malalaki at pang mayayamang bahay. Kahit naman ang bahay namin ay kalakihan rin, pero itong nasa harap ko ngayon, mansyon ito.

Hindi lang basta mansyon, isang malaking mansyon. Sa mismong harap ko ay ang malaking wooden style na gate, sa lagay ko ay automated ito. Mukha high class na gate palang.

Sa mga gilid ay may malalaking halaman, dark green lahat iyon. Siguro sa sobrang alaga at lusog nila, baka pati fertilizer ng mga 'yan, galing pa ng Europe ha. Alam ko kasi doon ang main office ng kompanya nila.

Pinindot ko na ang doorbell.

Alam ko namang mayaman talaga sila Wyatt, pero hindi ko lang mapigilan ang mamangha. Lalo na't isa ang pamilya nila sa pinaka-maimpluwensya pagdating sa business dito sa bansa, malamang ang mga ganitong mamahaling bagay, normal lang sa kanila.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon