Chapter 1
Have you ever heard of a trophy boyfriend? Noong bata ako, hindi ko alam na may nag-e-exist na ganoong bansag. Lumaki akong mag-isa, wala akong kapatid na lalaki at hindi rin ako nagkaroon ng mga malalalim na encounter sa mga kaklase kong lalaki.
I am not always fond of them, kahit naman ngayon. I don't hate them, I am just really not interested. Siguro dahil rin bata pa, hindi pa paghanga ang focus ng mga estudyante. Pero lahat ng iyon ay nagbago nang lumipat ako ng school ng highschool.
Kumagat ulit ako sa mansanas habang walang ganang nakaharap sa malawak na field ng school. Katulad ng mga bored na estudyante ay nakaupo akong mag-isa sa bench, naka-ekis ang mga binti, suot-suot ang backpack, habang nanunuod ng mga naglalaro ng football.
Nanunuod ba ako? Hindi ko alam, baka palusot ko lang 'yon para naman hindi ako awkward dito.
"Nice one, Wyatt!"
"Galing! 'Wag ka na mag-out ha? Para manalo tayo!"
Inapir ni Dan si Wyatt na pawis na pawis, tsaka ito tumakbo at bumalik sa laro. Pero imbis na si Dan ang sundan ko ng tingin, ay nanatili ito sa lalaking nakatayo sa 'di kalayuan ko. Parang nagpapahinga at hinahabol ang hininga. I stared at him for too long trying to examine him.
Nakapamewang ito at halos yumuko na sa pagod, his jet black hair was already damped because of sweat, beads of it ran from his face down to his body. Face as white as paper, but his cheeks are pinkish maybe because of the sun earlier. His lips were parted because of loss of breath and he crunched his high bridge nose because of that.
I looked down and his chest is already moving up and down. Halatang-halata 'yon dahil kumapit na ang gray na t-shirt nito sa katawan niya dahil sa pawis. Revealing the muscles and shape of his body, maliban sa magandang mukha ay maganda rin ang katawan nito.
I don't know if he goes to gym, but his body is just good enough for his age. His muscles are in the right places, his biceps were bigger than my other classmates, and he's also a bit taller than them.
Dahil hindi naman masyadong malayo sa akin, at hindi ko naman itinago ang pagtitig sa kanya, napalingon ito sa akin, naramdaman niya ata na may nakatingin sa kanya. Our eyes met, his deep alluring eyes felt like it was staring into my soul because of his prominent brow bone overshadowing his gaze.
Hindi ko siya pinupuri, sa dami ng sinabi kong magaganda sa kanya, tunog nga na pinupuri ko siya.
Pero iyon talaga ang description niya. He is famous for his strong and alluring visual. Nasa dugo ata nila, kaya marami ang nagkakagusto. Pero hindi lang siya sa pisikal anggat, dahil kung basehan lang ng talino ay hindi siya matatalo dito sa school namin.
He is also very famous when it comes to academics, always requested by the school to join quiz bees, mind contests, he is even our student president. And he does all that, like all at the same time, he excels in math, science, literature and more. He is a genius, they say.
Mabilis rin niyang iniwas ang tingin sa akin at tumakbo na pabalik para maglaro. He ran fast, and I noticed his shoes, nanlaki ang mata ko. Hindi ako mahilig sa sapatos, pero pamilyar iyon dahil bumili ng gano'n si Daddy last week, I think it's around fifty thousand?
At ano? Pinanglalaro niya lang? Pinangtatakbo sa field na marumi, pinangsisipa lang ng bola. Like he doesn't care if it gets ruin or what.
Pero hindi na rin nakakagulat 'yon, the whole school was aware that his family is rich. Like, rich-rich, they owned a car company that ships around the world. Hindi naman sikreto iyon, dahil pati ang background ng mga pinsan niya ay gano'n.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
Ficción GeneralEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...