Chapter 22
"You done encoding what I wrote?" tanong nito sa tabi ko.
Tumango ako at iniharap sa kanya ang laptop para ipakita. Siya ang gumawa ng outline at nag isip ng ideas tungkol sa topic. Hindi ko alam saan niya nahugot ang mga iyon, pero ang alam ko lang, kung wala siya dito malamang ay wala pa rin akong nagagawa.
Binasa niya iyon, tinitignan ata kung may mali ba sa gawa ko. Nang tumango na siya ay naka hinga ako ng maluwag. Ihinarap ko na ulit ang laptop sa akin at may konting dinagdag.
"Dagdagan ko ayos lang? Para may ambag ako." tanong ko.
"Much better." sagot niya. Mas mabilis pa ata ang pag tunog ng keyboard ng laptop niya kesa sa pag iisip ko.
Suminghot ako bago nag type. Medyo gumana naman na ang utak ko dahil pinakain na ako ni Wyatt. Baka isa rin sa iniiyak ko kanina, dahil nagugutom na ako.
Dinala niya ako rito sa mansyon nila. Dito na rin kami kumain ng hapunan, na tanghalian ko rin dahil hindi ako kumain kanina kakaaral. Nang matapos kami kumain, pinapahinga niya lang ako sandali, matapos ay nag simula na kaming gumawa ng case study.
Tumutulong naman ako, siya lang ang nag aayos kung tama at maganda ba. Hindi ko naman ipapagawa sa kanya lahat 'to no, may konsensya naman ako.
Medyo tumaas lang ang kumpyansa ko dahil kasama kong gumawa si Wyatt, imposibleng mali pa itong ginagawa ko.
Habang nagtatype ay hindi ko mapigilan ang mapalingon sa kanya. Naka suot na ito ng eyeglasses at pokus sa ginagawa. Buong araw ata siyang wala sa school dahil doon sa documentary ba 'yon, wala pa ata siyang pahinga. Hindi pa ba siya pagod? Tapos ito ako ngayon ginugulo pa siya.
"Why?" malamig niyang pukaw sa akin. Malamang ramdam niyang tinititigan ko siya, ang lakas ng radar nito e.
Kinagat ko ang ibabang labi. "Hindi ka pa ba pagod?" pag aalala ko.
Kumunot ang noo nito, at nag salubong ang makakapal na kilay. Kitang-kita iyon kahit naka salamin siya. "Your thoughts are wondering again. Focus on your case study." panenermon niya.
Inismiran ko siya, nagtatanong lang naman.
"What about you?" pukaw niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Siya ngayon ang binalingan ko at nagtataka.
"Anong tungkol sa akin?"
"Are you tired? You studied all day." sinandal nito ang likod sa upuan ng sofa. Nakaupo kami sa carpet at nakaharap sa center table. Ang ilaw mula sa laptop ay nag rereflect sa salamin nito.
"A-Ayos pa naman." wala sa sarili kong sagot.
Tumaas ang kilay nito at hindi inalis ang tingin sa akin. Bakit? Ayos lang naman talaga. Bago pa ako makapag salita, dumapo na ang kamay nito sa mukha ko, pinunasan niya ang pisngi ko at hinimas ang gilid ng noo ko.
"Wake up. Your eyes look sleepy." marahan niyang saad habang hawak pa rin ako.
"Dahil 'yan sa pag iyak ko. Mawawala rin 'yan." sagot ko.
"Don't cry like that again. You made me nervous." seryoso niyang turan.
Ngumuso ako. "Sige, mas malala na sa susunod."
Dumilim ang mata nito at hinila ang ulo ko palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil akala ko yayakapin niya ako o sasakalin dahil sa pangungulit ko. Kaya nanlaban ako at itinukod ang kamay sa braso niya.
"Papansin ka!" reklamo ko sa kanya, parang biglang nalaglag ang puso ko!
Ngumisi lang ito at parang natutuwa pang panoorin ang reaksyon ko. "Just finish the first part for today. Magpahinga ka na." pag iiba niya, pinalobo ko ang pisngi bago tumango at humarap na ulit sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
Genel KurguEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...