TOTS 33

2.6K 70 7
                                    

Chapter 33

We slept together. I mean I slept with him. I mean, literally. I slept on his bed, beside him. It sounds so awkward but just to spit facts, yeah... Even though I saved myself from being hugged by him all night, he still won't let go of my hands. So I ended up dozing off beside him, but I made sure that there were pillows between us! Or else I wouldn't be able to sleep at peace.

Baka bigla niya ulit ayokong maisip yakapin, at hindi na ako pakawalan!

Kahit puyat ay mas nauna pa rin akong nagising sa kanya. Mabuti na lang at pag gising ko, nabitawan niya na ang kamay ko, mabilis akong bumangon at nilapitan lang siya para tingnan kung mainit pa siya. Nakahinga ako maluwag nang bumaba na ang lagnat niya.

Ni hindi na ako nag ayos pa at hindi na nag sayang pa ng oras, tulog pa naman siya at ayoko na siyang gisingin para lang sabihin na aalis na ako. Siguro naman, may dadating ng nurse ngayong araw, o kung wala man magpapadala ako galing sa ospital. Pero kailangan ko na talaga umalis, dahil may trabaho pa ako. At ang bisyo naman ni Wyatt kung aalagaan ko talaga siya buong araw!

Inayos ko ang kumot nito na naka balot sa kanya, bago maingat na kinuha ang bag sa gilid ng kama at tahimik na naglakad palabas. Ang kwarto nito ay walang kahit na anong salamin, hindi ko alam kung pinasadya niya bang wala iyon. Hindi ko tuloy alam kung mataas na ang sinag ng araw o ano, hindi ko na rin nacheck ang cellphone ko dahil nagmamadali na ako.

I carefully opened the door, before stepping out. I was so cautious that my eyes were on my feet to watch out for my steps. When I finally closed the door behind me. I started walking again but I almost shouted at the top of my lungs when I saw a couple of nurses and a doctor in front of me.

Napa takip ako agad ng bibig, kasabay nang pagtambol ng puso ko. Ngunit ang pinaka nagpagulat sa akin, ay ang matandang lalaking nakatayo sa gitna ng mga ito. Mukhang handa na sana silang pumasok sa loob ng kwarto ni Wyatt, kaso ay lumabas ako at hindi nila inaasahan iyon kaya natigilan rin sila.

Hindi ko matanggal ang mata sa matandang lalaki. "M-Mr. Tonjuarez..." kabado kong saad.

Halos sasandal na ako sa kahoy na pinto dahil sa biglang pag atras, bakas ang pagkagulat sa mukha nito at paran nakakita ng multo. Parang ako ang pinakahuling taong iisipin niyang magpapakita dito.

"Inah? Y-You're here..." shock was so evident in his voice, but there's no trace of bitterness in it.

Well I am not sure if he knows about what happened between me and his son, but I guess there's really nothing to be angry about. Baka paranoid lang ako. Hindi lang talaga niya inaasahang nandito ako.

Inipon ko lahat ng lakas para sumagot, "Yes, Sir... a-actually I am about to leave. Pasensya na po sa abala..." yumuko ako para magbigay respeto, matapos ay naglakad na ako sa tabi para makadaan na sila.

Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng tingin ni Mr. Tonjuarez, ngayon na kaharap ko ang tatay niya ay naramdaman ko ang pagkahiya sa mga nakalipas na linggong inaaway ko siya.

"Did you sleep here?" napa pikit ako ng mariin sa tanong niya, mas lalong lumala ang hiya na nararamdaman ko. Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango, ni hindi ko na siya matignan ulit.

"I'm so sorry Sir—" he cut me off by laughing, gulat ko siyang binalingan.

"No need to explain, I was just not expecting your presence here at all. I'm happy that you fixed your relationship with my son again." saad nito sa matatas na english, sa kanya ata minana iyon ni Wyatt.

Alangan ko siyang tinignan at napa ngiwi ako. "R-Relationship?"

Tumaas ang kilay nito at parang may naalala. "I mean..." he cleared his throat. "Friendship." pagtatama niya.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon