Chapter 4
Humampas na ang hangin sa mukha ko lahat-lahat hindi ko pa siya nasagot. Nakatayo lang ako habang pinapanuod siyang pumasok sa passenger's seat.
Huminto ito sa pagbukas ng pinto at binalingan ako. "Diyan ka lang?" pilosopo niyang tanong.
Umismid ako at naglakad na. "Ito na nga," sabat ko at naglakad na sa driver's seat.
Nang makapasok na kami ay napalunok ako, ngayon lang ako umupo sa driver's seat buong buhay ko!
Nilibot ko ang paningin, sa harap ko ay ang makintab at itim na manibela. Sa may likod nun ay ang screen ng dashboard. Sa may bandang gitna ay may malaking screen katulad ng mga updated na sasakyan, at sa baba no'n ay maraming mga pindutan.
Hindi pa nagsisimula nahihilo na ako sa dami ng nasa loob, kailangan ba pindutin iyan lahat?
"Are you comfortable? O, pakiramdam mo malayo ka?" tanong niya, kumunot ang noo ko.
"Malayo saan?"
Itinuro niya ang tapakan ko, sumilip naman ako roon. Ano'ng meron?
"Naaabot mo ba ang pedal ng accelerator?"
Lalong kumunot ang noo ko, alam ko kung ano ang accelerator. Pero hindi ko alam saan dito iyon. Kinagat ko ang labi, kung exam 'to minus points na ako agad.
"H-Ha?" alangan kong tanong.
"The one at the right." turo niya.
"A-Ah... medyo malayo nga."
"Hmmm."
May pinindot ito sa gilid ng upuan ko dahilan para umabante ito ng mabagal, medyo nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata.
Pinindot niya ulit at huminto na. "Is that alright?" tanong niya muli.
Sinilip ko ulit kung aabot na ba ang paa ko, umabot naman na. "Oo." Tango ko sa kanya.
"Okay, let's start. Put on your seatbelt."
"Copy Sir!"
I proudly put my seatbelt on, ito lang kasi ang alam kong gawin.
"Now push the starter button." turo niya sa maliit na pindutan sa gilid ng manibela. May nakasulat roon na 'start'.
I mindlessly pushed it, but I gasped when the whole car started to come to life. Naririnig na rin ang engine, "Oh!" hindi ko napigilan ang pagsigaw, akala ko bigla kaming aandar! Halos malaglag ang puso ko!
"Calm down," natatawang saad niya sa tabi ko.
"Hindi mo naman sinabi na paaandarin na pala ang sasakyan! Akala ko biglang tatakbo!" reklamo ko sa kanya habang hawak-hawak ang dibdib.
"I just said 'push the starter', ano bang nasa isip mo? Malamang aandar Eanah." balik niya. I let out a sigh. "Focus." aniya pa.
"Oo, ito na." I pursed my lips and hold the steering wheel seriously. Seryoso na 'to, hindi na ako magkakamali!
"U-Uh, you're holding it wrong." sita niya sa akin, nanlulumo ko siyang tinignan.
"Saan?" nawalan ng buhay ang boses ko.
"Here," tinanggal niya ang suot na seatbelt at lumapit sa akin, bahagyang nanlaki ang mata ko at umatras ang katawan.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilipat ng hawak. Inilagay niya iyon sa may taas ng busina sa magkabilang gilid.
"There." aniya, sumulyap ito sa akin. Naramdaman niya ata ang paglayo ko kaya bumalik na siya sa dating pwesto.
Okay lang, tinuturuan niya ako. Gano'n talaga.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
Fiksi UmumEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...