Chapter 26
"Ha?! Aalis ka Inah?" hindi makapaniwalang tanong ni Amiel, pati sila Pio at Dan ay gulat akong tinignan. Tumango ako sa kanila.
"Bakit? Kailan? Biglaan ata!" dugtong pa nito, matipid lang akong ngumiti, pinaglaruan ko ang daliri sa ilalim ng mesa.
Nakausap ko na sila Daddy kagabi, sinabi ko planong kong sumunod na sa kanila. Syempre ay natuwa sila, mas mapapanatag daw ang loob nila kung nandoon na ako.
Kaya agad silang pumayag, tatapusin ko lang ang last day ng school year at aalis sa ako. Sa sobrang excited ni Daddy, matataon pa ata ang flight ko sa mismo huling araw ng pasok.
Kaya planado na lahat, mabigat man ang loob kong gawin ito alam kung ito ang makakabuti.
"Kailangan ko na kasi talaga umalis...." mahina kong sagot, nakita ko nga silang tatlo rito sa cafeteria. Kaya minabuti ko nang magpaalam.
"Alam na ba ni Wyatt? Anong sabi niya?" tanong pa ni Pio.
Bakit lahat ng sinabihan ko, si Wyatt agad ang tinatanong? Ano naman kung ano ang magiging reaksyon ni Wyatt? Ikakamatay niya ba kung aalis ako?
Umiling ako. "Hindi pa, tsaka ko na sasabihin sa kanya. Pag malapit na siguro akong umalis, at wag muna sana 'tong aabot sa kanya. Ako na ang magsasabi." pakiusap ko, tumango-tango naman sila.
"Oo Inah, wag ka mag alala." paninigurado ni Pio.
Matapos iyon ay nagpaalam na rin ako, mas mabuti na rin na magpapaalam ako. At least wala akong iiwan paalis, nasabihan ko ang mga kaibigan ko.
Habang papalapit nang papalapit ang araw ng alis ko, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam, kung paano ko haharapin ang malaking pagsubok sa buhay ko. Iyon ang magpaalam kay Wyatt, umamin sa kanya at iwan siya.
Hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng lakas para gawin iyon lahat, gusto ko na lang magising isang araw at nalampasan ko na ito lahat.
I never imagined, that loving someone could be this tragic. Siguro hindi sa lahat ng tao, pero sa akin ganito ang nangyari.
"Kailan ang alis mo?" mapait na tanong ni Ford, hindi na nga ako nag sayang ng panahon para magpaalam rin sa kanya.
Nang marinig niya na aalis ako, halos nilipad lahat ng saya sa kanya. Bumagsak ang balikat nito, at parang nakarinig ng isang masamang balita.
"Sa last day ng school year, nataon kasi." sagot ko.
Mariin niya akong tinignan, mabibigat ang mga talukap ng mata nito. Naglabas siya ng malalim na hininga.
"Desidido ka na talaga? Marami namang ibang paraan para makalimutan mo si Wyatt. Kailangan mo talaga umalis? Kailangan iwan mo ang buhay mo rito?" masakit niyang saad.
Tumango ako sa kanya at nagtiim bagang. "Kailangan. Alam mo bakit? Kasi si Wyatt ang lahat-lahat ko rito, at kung kakalimutan ko siya mawawala rin naman ang lahat sa akin. Kaya bakit hindi ko pa sagadin diba? Aalis na lang ako." katwiran ko.
Gumuhit ang sakit sa mukha niya. "Ganoon mo siya kamahal?"
Napalunok ako at naramdaman ko ang sakit sa aking lalamunan. "Oo, at patuloy ko pa siyang minamahal, Ford. Kaya natatakot ako, natatakot ako na baka pag mas lumalim ito, hindi ko na talaga matututunan na hindi siya mahalin. Baka habang buhay akong hindi maka ahon."
"I-Inah..."
Humugot ako ng malalim na hininga. "Unti-unti ko pa lang nadidiskubre kung gaano ko siya kamahal. Pero ganito na ang nangyayari sa akin, sa tingin mo saan ako pupulutin kung matatagal pa ako rito? Saan kami pupulutin dalawa?"
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
Fiksi UmumEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...