Chapter 21
Hindi ko alam, na isang parte lang ng katawan ng tao ay kayang-kayang pahinaan ang buong pagkatao ko. It was just skin, a skin to skin contact. But I've never experienced this before, kaya kahit sabihin kong wala na ito at hindi big deal. Hindi nakikisama ang katawan ko, dahil kung may itatawag ako sa nararamdaman ko ngayon, iyon ay naranasaran ko nang makuryente simula ulo hanggang paa.
Hindi lang dahil halik ito, kundi dahil si Wyatt Taddues lang naman ay nahalikan ko! Tuod na lang ang hindi manghihina at mawawala sa katinuan! It was quick, just a split of seconds, but it was the most melting seconds of my life. Nang idilat niya ang mata ko, ay doon lang ako bumalik sa katinuan at parang nabuhusan ng malamig na tubig.
Agad akong umatras, at bumitaw sa halik. Nalimog ang mata ko, lalo nang maramdaman ang init ng pisngi ko na umabot pababa sa aking leeg. Lumipat ang tingin ko sa kanya, at para siyang nanigas sa kinauupuan, ni hindi siya gumalaw manlang! Ang mata ay nasa blanket at parang naglalakbay na ang isip sa kung saan.
Napalunok ako at lumingon sa paligid, para makita kung sino ang saralin ng lahat ng ito! Nanlaki ang mata ko nang makita si Topi at na ikot-ikot sa aking likuran.
Ibinalik ko ang tingin kay Wyatt ang ganoon pa rin siya! Natrauma ko ata siya!
Hinila ko si Topi at hinarap sa kanya, "T-Topi halika dito!" ginamit ko ang natitira kong lakas para tuluyang mahila ang malaking aso. Hinawakan ko siya sa batok, habang nakatingin kami kay Wyatt na tulala pa rin.
Ibinaba ko ang ulo ni Topi kasabay ng akin, tatlong beses kaming yumuko. "Sorry! Sorry Wyatt! Mag sorry ka Topi kasalanan mo 'to! Sorry daw!" paulit-ulit naming ginawa iyon.
Patay ako kay Wyatt Taddues! Ang mahal pa naman ng halik niya tapos ay nanakawin ko lang. Naiiyak kong kinagat ang ibabang labi ko, habang ang puso ko ay halos lalabas na sa dibdib ko. Dumapo na ang labi ni Wyatt sa leeg ko, halos malagutan ako ng hininga nun. Ano pa ngayon na umabot na ang labi niya sa labi ko?
Ubos na ata ang oxygen ko sa katawan!
"Hey, hey. Stop that." lumapit siya sa amin ni Topi at hinawakan ang tuktok ng ulo ko para pigilan ako sa pag yuko ulit.
Umangat at ulo ko at nagtama ang mata naming dalawa, mukhang nakabawi na siya at nagawa niya pang lapitan ulit ako. Tinanggal niya na ang hawak ko sa leeg ni Topi at nagtatakbo ito palayo sa akin.
"S-Sorry..." paumanhin ko ulit, hindi ko alam saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob harapin siya. Parang kahit anong oras lalamunin na ako ng hiya.
"It's not your fault Eanah, you don't have to apologize." aniya at inayos ang buhok kong nagulo dahil sa pag yuko-yuko ko kanina. Inilagay niya iyon lahat sa likod at isinabit ang iilang takas kong buhok sa likod ng aking tenga.
Pinagdikit ko ang dalawang labi, pinipigilan ang pag tulo ng luha ko. Baka magalit kasi siya sa akin, tapos ay itaboy niya ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Ayaw pa naman niyang na-iinvade ang personal space niya.
Ito ba 'yong singil ko sa pag yakap niya sa akin kagabi sa kama? Grabe naman pala ako maningil! Hinding-hindi na ako magpapautang!
"'Wag kang m-magalit sa akin..." halos ibulong ko iyon, parang aapoy na ang pisngi ko sa init.
Natawa ito ng bahagya, yumuko ito saglit bago ibinalik ang mapupungay na mata sa akin. Parang natutuwa pa siya sa mga nangyayari. "You can steal a kiss, my heart, my sanity, my money. I'll never be mad at you."
Lumakbay ang kamay nito galing sa likod ng aking tenga, patungo sa aking pisngi at hinaplos iyon. "What's mine is yours..."
Pabagsak akong humiga sa aking kama, ipinikit ko ang mata at hinayaan na maramdaman ang kaginhawaan ng pahinga. Ang sakit ng likod ko sa buong araw na klase, kaya ayoko ng lunes e. Tadtaran kung magpaklase at magpaquiz. Masakit na ang likod ko, masakit na rin ang ulo ko kagagamit ng utak ko kanina.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
Aktuelle LiteraturEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...