Kabanata 5
Hangout
"Dito ang silid mo, hijo. Sa katabing silid naman 'yong sa'yo, hija."
Sabado ng umaga na may nag-aabang nang dalawang sasakyan sa kalsada. Sundo namin iyong isa papunta sa malaking bahay. Si Papa ay sumama na kay Sir Everardo sa isang kulay puting kotse matapos niya kaming niyakap at hinagkan. Ang dami niyang binilin sa amin na paalala'ng dapat ay hindi namin makalimutang gawin gaya ng pagkain sa tamang oras at ang pagtulog ng maaga, lalo na rin ang hindi magpapasaway.
Right now, Manang Sonya, as I had not forgotten her name, was guiding us to here in the guestroom's wing to deliver our things to the preferred room that was prepared for us. For our temporary and short stay here.
She was pointing two separated doors.
"Kalei? 'Di ba sinabi ni Sir Everardo kay Manang Sonya na babae ka?" Kaia mumbled beside me.
She was confused. Tinawag kasi akong 'hijo' ni Manang Sonya.
Kilala niya na si Manang Sonya. Nagpakilala agad sa amin ang mabutihing matanda pagkarating namin.
"Hindi ko alam," iling ko.
There were many maids and helpers here. 'Yon nga lang ay hindi sila pagala-gala. I could barely see some. Si Manang Sonya lang talaga ang humaharap sa mga bisita. The rest remained inside the kitchen, or anywhere else in this big house that needed to be cleaned and polished.
Kanina ay wala rin naman akong nakikitang babae'ng katulong sa malawak na bakuran. Mayroong dalawang hardinero ang kasalukuyang nagdidilig ng mga bulaklak at halaman, at dalawang lalaking nagka-carwash ng tatlong kotse na nakaparke malapit sa garahe ng malaking bahay. Iyon ang naabutan namin dito.
Bakit? Mayroon pa ba dapat akong ibang makita? Wala naman na, 'di ba? What was with me? I was not searching or finding for someone. Malalim lang ang iniisip ko kaya ganito.
"Manang Sonya, babae po 'tong kapatid ko. Ayos lang po kung magsalo na lang po kami sa isang guestroom. Nakakahiya naman po na tig-iisa pa kami."
I was dragged back to reality from my reverie when my sister confronted Manang Sonya regarding my true gender.
Napataas tuloy ako ng isang kilay dahil sa sinabi nitong 'nahihiya' raw kuno. Ayaw niya ba nito? As far as I could remember, that day we moved in our new small and simple home here in Madridejos, she wanted two rooms for each of us both.
She changed her mind? O talagang nahihiya siya talaga at hindi sanay sa buhay karangyaan?
Nang tignan ko ang matanda ay namimilog ang mga mata nito. Mukhang nanigas din sa kinatatayuan at nakatitig sa akin. Her old and wrinkled eyes were examining me.
Her reaction was not new to me. The shock was normal. It happened all the time someone would hear that I was a female.
"B-Babae?" Manang Sonya stuttered. Palipat-lipat ang tingin sa aming magkakapatid. Kalahating minuto bago ito nakabawi at sa akin na itinuon ang tingin. "Pasensya na, hija! Nako, bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?"
"Ayaw niya na kasing magsabi, Manang Sonya. Hindi rin naman daw siya papaniwalaan. Minsan binabastos pa nga siya at sinasabihang pasilip daw kung totoo ba talaga, saka para iwas tukso at asar na rin po. Kinakantsawan po kasi siya, tomboy daw kuno e' kahit 'di niya nga pinapansin 'yong mga babae sa school," si Kaia na ang nagpaliwanag at sumagot para sa akin.
Hindi na naman mapakali ang mga mata ni Manang Sonya. She was looking at me then back at Kaia and forth. "May alam ba si Sir Everardo nito?"
"Opo, matagal na po. Kahit noong kakapanganak pa lang ni Mama kay Kalei kuwento ni Papa. Parang ninong na po namin si Sir Everardo," agap ni Kaia dahilan ng pagkabawas ng pag-aalala ni Manang Sonya. "Ah! Share na lang po kami ng kuwarto! 'Di rin po kasi ako sanay na mag-iisang matulog e'! Ang laki po ng silid! Baka may multo'ng gagapang sa'kin galing sa ilalim ng kama! O baka sa loob ng malaking aparador!"
BINABASA MO ANG
The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)
RomanceCavanaugh #4 Kaleidoscope is a marine archeologist and a wreck diver. The unbothered, expressionless, and boyish girl with monolid eyes, short jet-black hair and skin of milky white. She has this personality characterizing boredom and emptiness. Wit...