Kabanata 9
Reported
"No'ng nakaraang linggo pa na sa'yo ang cellphone na 'yan, Kalei, a'? Bigay na ba 'yan ni Kuya Daumier? 'Di ka na rin masyado'ng pumupunta do'n sa bangkaan? Nagtataka tuloy si Papa kaso ayaw niyang magtanong sa'yo," si Kaia habang nagkukuskos ng puwet ng kaldero rito sa lababo ng kusina. "Baka rin kasi iisipin mo'ng pinagtatrabaho ka niya. Gusto rin naman ni Papa na rito ka na lang sa bahay dahil ayaw niyang mapagod ka kakatulong sa kaniya roon."
"Binigay niya sa'kin. Hindi ko naman tinanggap pero kasi iniwan niya lang sa buhangin 'to," Binaba ko ang hawak na cellphone sa maliit na pang-apatan na mesa.
Simula noong nakaraang linggo, ang huling pag-uusap namin ni Daumier ay hindi na ako pumupunta sa bangkaan. I told my father some reasonable excuses. He did not question me. Papa let me be.
Ayaw ko naman talaga'ng tumanggap ng kahit ano mula kay Daumier pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi niya ako binigyan ng mapagpipilian. Sadly, I could not reject his kindness too. Anyhow, a thought visited my mind that if he would not support me with the profession I chose, why would he give his phone to me?
That made sense. He was still on the run. Kahit na sinabi niya at sumasang-ayon siya sa pahayag ni Sir Everardo.
For the last time, I guess, that was why I accepted his phone. Pakiramdam ko kasi ay may biglang pinagbago sa kaniyang awra at presensiya matapos kong sabihin sa kaniya na lalaki ako.
Kaia wiped her hands with the kitchen's small hand towel after washing the cauldron. Pagkatapos ay naupo na siya sa bakante'ng upuan sa harap ko. Iminuwestra niya rin ang kaniyang palad sa akin.
"Pahiram nga. Ginawan kasi ako ng Facebook account ng mga kaibigan ko. Kaso hindi ko mabuksan dahil hindi naman ako marunong talaga mag-computer pero tinuruan nila ako paano mag-cellphone."
Binigay ko sa kaniya ang cellphone na maligaya niya namang tinanggap.
Watching her enjoyed swiping, touching, typing and scrolling on the screen made me smile. "Kaka-load ko lang niyan para makapag-search ako. May natira kasi akong baon. Nagpaturo ako roon sa tindera kung paano. Puwede pala'ng unli na agad."
"Teka. . ." she paused, her small monolid eyes widened and when she shifted her look from it to me, she narrowed her eyes at me in a meaningful way. "Naka-login dito ang Facebook account ni Kuya Daumier oh! Nabubuksan mo pala ang account niya, Kalei? Pati rin Twitter account niya! Saka Instagram! Ang famous naman!"
Iyon ba ang tinatawag nilang mga app ng social media kuno? Siguro nga. Hindi ko pa naman nabubuksan iyon.
Pero hindi ba dapat ay inalis na iyon ni Daumier kung ibibigay niya sa akin ang cellphone? Hindi ba siya nag-aalala kung ano maaari ang gagawin ko sa mga social media account niya? It was his privacy that cost here.
My lips twitched. "Huh? 'Di ko alam. Google, YouTube at Oxford English Dictionary lang naman ang pinapakialaman ko riyan. Hindi ako interesado sa social media na 'yan."
Hindi na nagpapigil si Kaia sa ginagawang panghahalungkat ng kung ano sa dating cellphone ni Daumier. I did not stop her anyway. Wala naman siyang gagawing nakakasama roon, kilala ko itong kapatid ko.
"Kalei! Tignan mo 'tong mga photos niya! Ang ganda pala talaga sa Maynila! Ang tatayog ng mga gusali! Sobra'ng yaman pala talaga nila! Ay teka nga, sa Maynila ba 'to? Parang sa ibang bansa na 'to a'!" naengganyo pa ito lalo sa mga nakikita sa cellphone.
I could not be able to see what she was seeing on the phone's screen. She was across the table. Kumbaga kung may nakikita man ako sa cellphone ay baliktad din naman sa pananaw ko.
BINABASA MO ANG
The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)
RomanceCavanaugh #4 Kaleidoscope is a marine archeologist and a wreck diver. The unbothered, expressionless, and boyish girl with monolid eyes, short jet-black hair and skin of milky white. She has this personality characterizing boredom and emptiness. Wit...