Chapter Two

24 4 0
                                    

Hindi ko alam kung paano pa ako nakababa ng hagdan ng maayos dahil sa mga nangyari kanina. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa kapalpakan na nagawa ko, unang araw ko pa lang dito ay ganon na agad ang nangyari. Dumiretso agad ako sa kusina at nadatnan doon si Manang Elena.

"Okay ka lang ba Bella? May ginawa ba si Sir Leander?" Tanong agad nito ng mapansin akong hinihingingal, nakakapagod din tumakbo pababa sa mahabang hagdan.

"M-manang nagalit po sa akin si Sir." Nahihiyang tanong ko at yumukod.

"Naku Bella, ano bang nangyari?" Nag-aalalang sabi nito at lumapit sa akin.

"Nagalit po sya ng pumasok ako sa kwarto nya, akala ko po kasi ay walang tao, kaya't inisip kong iwanan na lamang ang pagkain." Nahihiyang sabi ko sa matanda.

"Ganyan talaga si Sir Leander masanay ka na Bella, madalas ay masigawan nyan ang ibang katulong, masasanat ka din sa kanya." Saad ni manang at hinagod-hagod pa ang likod ko.

"Pero pinaiimpake nya na ako manang, umalis na po daw ako." Nahihiyang saad ko pa, wala naman akong ibang mapagsasabihan dahil si manang ang malapit sa akin dito.

"H'wag mo nang isipin iyon Bella, wala naman magagawa ang batang iyon dahil sina Sir at Ma'am lang ang may karapatang magpaalis sa bahay na to." Saad ng matanda pagkatapos ay nginitian ako, hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin kung wala si manang dito.

"Nahihiya po ako Manang Elena, unang araw pa lang ay pumalpak na ako." Saad ko pa.

"Ano ka ba Bella, lahat naman tayo ay nagkakamali wag mo na lamang isipin ang nangyari at ako na ang bahalang kumausap sa mag-asawa sa nangyari. Mabuti pa ay kumain ka na tapos ng kumain ang pamilya nakakain ma din ang ibang katulong" Nakangiting saad ni manang pag katapos ay iginiya ako sa maliit na lamesa sa kusina.

"Maraming Salamat manang, sumabay na po kayo sa akin." Alok ko dito pagkaupo ko.

"Naku okay na ako Bella, kumain at magpakabusog ka dyan at ako'y matutulog na, bukas naman ay kakausapin ko ang mag-asawa tungkol sa nangyari." Saad ni manang tumango naman ako. Matapos iyon ay nilisan nya na ang kusina.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at ibinalik sa lalagyan, kinuha ko muna ang toothbrush ko at nagsipiliyo bago muling bumalik sa silid. Mag-aalas dyes na ng gabi ngunit hindi pa din ako inaantok, siguro ito ay dahil nakatulog ako kanina. Ilang beses pa akong bumalibalikwas ngunit hindi pa din ako dalawin ng antok.

Muli ay sumagi sa isipan ko ang panganay na anak nina Ma'am Cassidy, galit ito sa ginawa ko at alam kong may bad impression na ako dito, mukhang mahihirapan nga ako sa isang yon kung sakali kaya gagawin ko na lang ang makakaya ko para iwasan sya. Kala ko ng sabihin ni Manang na tigre ay ang nagbibiro lang sya, kung tutuusin ay parang leon nga ito na nagalit ng sumabog kanina.

Napabuntong hininga na lamang ako, ano kaya ang magiging reaksyon nya pag nalaman na nandito pa din ako, tama naman si Manang, sina Ma'am Cassidy at Sir Romualdo lang may karapatan sa akin at hindi ko hahayaan na mawala sa akin ang trabaho ko ng dahil lang sa panggayaring iyon.

Pilit kong iwinaglit ang mga naiisip sa utak ko, ilang bese pa akong nagpabalibalikwas bago tuluyang dalawin ng antok. Bukas ay magsisimula na ang tunay na trabaho at kailangan kong magkaroon ng lakas, sigurado akong marami ang gagawin bukas sa laki ba naman ng bahay ng mga Del Prado kukulangin ang isang katulong sa paglilinis pa lang.

Nagising ako ng tumunog ang alarm ko alas sing y media na ng umaga at sigurado ako na kumikilos na ang mga katulong, inayos ko lamang ang sarili ko at ng masiguradong maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Saktong pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko na ang ibang katulong na nagsimula na sa paghahanda ng almusal.

Warming Up His Frigid SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon