Chapter Seven

16 0 1
                                    

Weeks had passed and I can't still consume what had happened that day. Pagbalik naming sa school ng araw na 'yon ay pilit pa akong inusisa ni Faith kung anong nangyari ngunit sinabi ko na lang din na wala naming ginawa si Sir Leander sa akin. Sa nagdaan na lingo ay wala na din kaming nagging halos interaksyon ni Sir Leander, minsan ay nagkakasalubong kami sa kusina o di kaya ay sa sala ngunit wala naman ng iba, lalagpas lang s'ya at wala na.

Nanatili pa din ako na kay Sir Enzo nasabay sa t'wing papasok sa school, pinilit ko pa din s'ya n'ong nakaraan na magccommute na lang ako para hindi ako makaabala sa kanya ngunit hindi pa din pumayag ang nakababatang Del Prado sa akin.

"Mabuti pa Bella ihain mo na sa lamesa ang kanin sa hapag, ikaw naman Anny at Mila ayusin n'yo na ang lamesa kami na ni Rowena ang bahala dito sa kusina, maaga ang alis ng mag-asawa kaya kailangan makapaghain agad tayo ng pagkain bago sila makaalis." Utos sa amin ni Manang Elena.

"Opo Manang Elena." Saad ko at kinuha na ang bandehado ng kanin.

Ngayon ang alis ng mag-asawa patungo sa Taiwan, balita ko pa ay matatagalan ang mga ito dahil may aasikasuhin na business sa ibang bansa. Nakapagbilin naman na ito sa amin tungkol sa mga anak nila kaya't alam na din naming ang gagawin pag-alis nila.

Pagkahanda ko ng kanin sa lamesa ay pumunta na akong muli sa kusina para kunin ang iba pang putahe, pagkadating ko ay hawak na ni Manang Elena at Ate Rowena ang iba kaya't kinuha ko na ang natitira sa kusina. Pagbalik ko sa dining room ay nakaupo na ang mag-asawa maging dalawa nitong mga anak kaya't inilapag ko na asa lamesa ang dala kong pagkain, pansin ko ang ibang aliwalas ng mukha ni Sir Leander ngayon.

"Good morning ma'am, sir." Bati ko sa kanila pagkalapag ng pagkain, nginitian naman ako ng mga ito si Sir Enzo naman ay bumati pa sa akin maliban kay Sir Leander na nagsimula nang kumain.

"Uhm, Bella." Babalik na sana ako sa kusina ng bigla kong madinig ang pagtawag sa akin ni Sir Enzo.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito sa akin.

"Tutulong lang ako kina manang Sir dito sa Bahay." Ani ko, di ko pa din maiwasan na tawagin si Enzo na sir sa harap ng mga magulang kahit sinabi nito na tanggalin na ang sir, baka mamaya ay isipin pa ng mga ito na wala akong galang sa anak.

"Manang Elena p'wede ko bang hiramin si Bella mamaya." Paalam ni Enzo kay Manang Elena

"Nako, okay lang naman Sir Enzo wala naman masyadong gawain dito sa mansion." Nakangiting saad naman ni Manang Elena.

"Oh, Bella bawal ka nang tumanggi naipagpaalam na kita kay Manang." Nakangiting saad ni Sir Enzo, tumango-tango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Nang mapadako naman ang tingin ko kay Sir Leander ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ang maaliwalas nitong mukha kanina ay nagkaroon ng kunot sa noo.

Ilang sandal pa ang lumipas ay natapos nang kumain ang pamilya, nagbilin lang sandal ang mag-asawa bago nagpaalam na at umalis. Pagkaalis ng mag-asawa ay nagtulong-tulong na kami na magligpit ng pinagkainan ng pamilya.

"Bella hintayin kita mamaya here sa living room ng 10, okay?" Nakangiting sabi ni Sir Enzo na tinanguhan ko lang.

Ngunit bigla na lamang akong napapitlag nang malakas na tumayo si Sir Leander sabay nang pagtunog ng inuupuan nito, mabilis naman nitong nilisan ang dining room, nang mapatingin ako kay Enzo ay nagkibit-balikat lamang ito at umalis.

"Bella sa tingin ko ay malakas ang tama sa iyo n'yang panganay ng mag-asawa." Nagulat na lamang ako ng bigla iyong sabihin ni Ate Anny.

"Huh? Anong ibig mong sabihin Ate Anny?" Naguguluhang tanong ko.

"Simula noong nakaraang linggo ko pa napapansin ang malagkit na tingin sayo n'yang si Sir Leander." Tila nalunok ko naman ang sariling laway dahil sa sinabi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warming Up His Frigid SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon