Chapter Six

18 2 0
                                    

Dumaan ako sa cr punasan ang stain ng kape sa damit ko, pilit ko ng kinakalma ang sarili ko para naman di nila mahalata na umiyak ako. It's my first day pero ganito na agad ang nangyari. Sir Leander is so cruel, wala talaga s'yang awa Kahit makita nya pa ako na mapahiya sa harap ng iba. Nang masatisfy na ako sa ay tinigilan ko na ang pagpupunas sa sarili ko wala na din naman akong magagawa kundi tiisin na lang na ganito ang itsura ng damit ko maghapon. Napabuntong-hininga na lamang ako at marahang ngumiti.

"Kaya mo 'to Bella." Saad ko sa sarili ko, kailangan kong tatagan ang loob ko para makatapos ako ng pag-aaral.

"Omg Bella, anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Faith ng makita ang uniform ko na may stain ng coffee, nakatingin na din sa akin ang iba naming kaklase ng makita ang itsura ko pagpasok sa classroom.

"U-uhm wala nadulas lang ako." Ani ko ngunit parang di naman kumbinsido si Faith sa dahilan ko.


"And wait umiyak ka ba?" Sunod na tanong pa nito. Hindi naman ako makasagot dito hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Si Kuya Leander ba ang may gawa nito sayo?" Tila naman desidido na ito na si Sir Leander ang may gawa nito sa akin ng hindi ako makasagot kaya tumango na lang ako, mukhang hindi ko rin naman ito maitatago kay Faith.

"My gosh! Hindi ako papayag na gano'n na lang yon Bella isusumbong ko sya kay Tito Romualdo." Kita ko ang inis sa mukha ni Faith.

"No, 'wag na Faith hindi mo naman kailangang gawin 'yon tsaka ayoko naming mag-away kay ng dahil sa akin." Kumbinsi ko dito, ayoko na din na lumaki pa 'to malamang ay mas lalo nya lang akong pag-iinitan pag nagkataon.

"Anong no Bella, hindi natin dapat itolerate 'yang ginagawani Kuya Leander sayo." Saad naman ni Faith at bahagya pang nakakunot ang noo.

"Please Bella ayoko na din na lumaki pa to tsaka okay naman na ako." Nag-mamakaawang sabi ko dito.

"Are you sure Bella?" Tanong pa nito na tinanguhan ko na lang.

"Okay kung hindi lang dahil sayo, mabuti pa magpalit ka muna ng uniform, may extra ako sa locker." Saad nito at hinila na ako palabas ng classroom mabuti na lamang at wala ang prof naming para sa first subject kung hindi ay malamang napagalitan na ako.

Mabilis naman akong nakapagpalit ng ipahiram sa akin ni Faith ang extra uniform nya, kung hindi dahil kay Faith ay malamang mukha akong basura maghapon dahil sa dumi ng uniform ko. Medyo maluwag ng bahagya marahil ay medium ang size ng uniform ni Faith.

"Glad na nagkasya naman sayo ang uniform ko." Nakangiting saad ni Faith pagkalabas ko ng cr.

"Thank you Faith ah, lalabhan ko na lang ng maayos ang uniform mo at ibabalik ko din sayo bukas." Nakangiting saad ko kay Faith.

"No worries Bella, remember magkaibigan na tayo diba? bawal ng tumanggi kase nagtatanim ako ng sama ng loob 'pag tinatanggihan ako." Saad naman ni Faith at bahagya pang umirap napatawa na lamang ako.

"Sino ba naman ako para tumanggi diba." Natatawang-saad ko naman,

Kanina ko pa lang nakilala si Faith ngunit napapalagay na ang loob ko sa kanya. I felt how genuine is she to me, I thought wala akong makakasundo just like sa dati kong school but Faith is really a blessing to me.

We head back to our classroom and wait for our next prof pero puro pa lang introduce yourself and konting chikahan sa classroom ang naganap dahil first day of school pa lang naman more on class orientation lang at hindi pa nagkklase wala pa rin namang pinapagawa sa amin kaya so far wala pa naman iisipin na school works. The hours passed and walang katapusang orientation lang ang nangyari.

Warming Up His Frigid SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon