Isang linggo na ang lumipas matapos ang panggayaring iyon at isang linggo ko na ding hindi nakakasalamuha si Sir Leander. Pabor naman ito sa akin dahil alam kong mainit ang dugo sa akin non, baka mamaya ay kung ano naman ang gawin non na katarantaduhan sa akin.
Sa loob ng isang linggo ay napag-isipan ko na din na magpaalam sa mag-asawa na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dito sa mansyon. Bahala na kung ano man ang maging desisyon nil, kung pumayag sila ay pabor iyon sa akin at kung hindi naman ay mag-iipon na lamang ako. Nasabi ko na din ito kay Manang at sinabi naman nito na subukan ko.
"Subukan mo ding magsabi Bella, mabait naman ang mag-asawa at malamang ay papayag iyon sa gusto mong mangyari." Saad ni Manang habang tinutulungan ko sya sa paghihiwa ng mga sangkap sa sinigang.
"Sana nga po at pumayag sila Manang, pero kung hindi man siguro ay mag-iipon na lang ako." Saad ko kay manang.
"Tama iyan Bella, hindi naman mawawala ang pag-aaral nandyan lang yan at naghihintay pupwede kang mag-aral kung kailan mo gusto, pero sa tingin ko naman ay papayag ang mag-asawa sakto at walang trabaho ngayon at maghapon sila dito sa mansyon." Ani Manang Elena pagkatapos ay inilahok na ang mga gulay na hiniwa ko sa niluluto.
Tapos na ako sa mga gawain ko kaya napagpasyahan kong tumulong na lamang kay Manang sa pagluluto wala na rin naman akong ibang gagawin at tiyak akong mababagot lang ako pag walang ginawa. Ayoko namang sayangin ang oras ko at mag-internet na lamang pag walang ginagawa.
"Ate Mila saan mo dadalhin ang mga yan?" Tanong ko ng makita si Ate Mila dala ang tray na may lamang juice.
"Ah sa sala Bella, nanonood sina Ma'am at Sir." Sagot naman nito, akmang aalis na ito ngunit pinigilan ko.
"Pwede bang ako na lang ang maghatid ate?" Tanong ko dito, mukang ito na ang tamang timing dahil ng mga nakaraang araw ay hindi ko maisingit dahil kung hindi busy ang mag-asawa ay pagod naman galing sa trabaho.
Inabot sa akin ni Ate Mila ang tray kaya naman naglakad na ako palabas ng kusina patungo sa Sala, nadatnan ko ang mag-asawa na prenteng nakaupo habang nakahilig ang ulo ni Ma'am Cassidy sa dibdib ni Sir Romualdo. Kung titingnan ang mag-asawa ay masasabi mong nagmamahalan talaga sila, sobrang bait din ng mga ito sa aming mga katulong sa bahay kaya hindi ko alam kuny bakit hindi ito namana ng panganay nilang anak.
"Ma'am, Sir juice po." Magalang na saad ko.
"Ilagay mo na lamang dyan sa lamesa Bella." Nakangiting sabi ni Ma'am Cassidy.
Marahan ko naman itong inilapag, pagkalapag ko ay parang naguluhan pa ito ng hindi pa ako umaalis sa harapan nila. Pinagkiskis ko pa ang dalawang palad bago nagsalita.
"Uhm, Ma'am, Sir." Bwelo ko.
"Why Bella? Do you need anything?" Tanong ni Sir Romualdo.
"Sir, Ma'am alam kong sobra na po ito pero maglalakas loob na po ako, kung maaari po sana ay makapag-aral ako habang nagttrabaho ako dito sa mansyon. Alam ko pong sobra sobrang pabor ang hinihingi po kaya kung papayag ako ay tatanawin kong malaking utang na loob, pero okay lang naman po kung hindi alam ko pong maraming gawain dito sa mansyon, nagbabaka sakali lang po ako." Nakayukong saad ko bahala na kung hindi man sila pumayag ang mahalaga ay sinubukan ko.
"Really, Bella? Gusto mo ba talagang mag-aral habang nagtatrabaho dito sa mansyon?" Napaangat naman ako ng tingin at nakitang nakangiti si Sir Romualdo sa akin.
"Yes Sir, I really want to continue my study. Hangga't maari ay ayokong tumigil, pero kung ano man ang magiging desisyon nyo ay igagalang ko po." Paliwanag ko pa.
"Ayaw namin pigilan kung ano man ang gusto mo Bella, I know that you're a young dreamer but I can just agree sa gusto mo, in one condition." Saad ni Ma'am Cassidy habang nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Warming Up His Frigid Soul
RomanceYsabella Alexandria Galvez is a young woman from a distant province who lives alone when her mother passed away when she was just 10 years old. At young age she learnt to support everyday needs and her studies. She makes a lot of sacrifices to save...